Chapter 4

24 1 0
                                    

I opened my eyes and the light strike through it. Ipangtatakip ko sana ang kamay ko sa aking mata but.. uhh, why I can't move my hand?


  Tiningnan ko ang kamay ko at kaya naman pala -_-

   I saw Drew sleeping at ginawa pang unan ang kamay ko but the worst thing is.. Yuckkkk!!! Laway.. nag lalaway siya.. eew kadiri!


  Pinilit kong igalaw ang kamay ko. And then binalibag ang ulo niya. Pasalamat siya hindi malakas kasi nanghihina ako.. teka bakit I feel so weak?


"C-Chris? Gising ka na! Wait.. tatawagin ko ang Doctor." Tuwang-tuwa niyang sabi atsaka nagmadaling lumabas sa pinto.


  T-Teka, Doctor?

   Uhh, bakit ang sakit.. ang sakit ng ulo ko.. atsaka ang bigat ng paa ko? Tapos nanunuyo ang lalamunan ko. Ano bang nangyari?


Bumukas yung pinto atsaka pumasok yung Doctor kasama si Drew. Teka bakit si Drew ang nandito? Where is auntie? or my favorite kuya? or my terror ate? -_-

   Atsaka asan ba ako? I'm sure this isn't my room at lalo ng hindi to clinic ng school.

"Nasa hospital ba ako?" I asked the Doctor.

"Yes, what are you feeling right now? Sumasakit ba ulo mo?"


"Yeah."


"Mabigat ba ang pakiramdam ng katawan mo?"

"Yeah."


"Igalaw mo ang kaliwang binti mo."


Sinunod ko siya.


"Igalaw mo din yung kanan."


Ginalaw ko din ito.


"Yung left and right hand mo nagagalaw mo ba?"


"Yes."


"Good. We will just wait for your CT scan result then after that pwede ka ng lumabas ng hospital."


   Lumabas na yung Doctor, lumapit naman sa akin si Drew.


"Pahinging tubig." Utos ko.


   Kinuhaan niya ako at bahagya akong binangon para painumin.

"Teka, bakit ikaw ang nagbabantay sa akin?" Tanong ko pagkatapos niya akong painumin

"Syempre, ako lang ang hindi takot sayo." Then nilagay niya yung baso sa bedside table.


"Asan si Auntie, si kuya, si ate?"

"Si Mrs. Miya nandito kanina, umuwi lang kasi maliligo, yung kuya mo naman nandito kahapon at yung ate mo andito noong isang araw."


"Isang araw? Gaano katagal na ba akong nandito?"

"Pang 3 days na ngayon, na commatose ka for two days after na mabangga ka. Sinagot naman sayo nung nakabangga yung hospital fees."

"Lintik na. Tsk. Sino ba yung nakabangga sa akin? Bwisit siya hah. Binayaran niya yung hospital fees? Dapat di niyo na tinanggap kayang-kaya namang bayaran yun eh. Atsaka gago pala siya eh, hindi sapat yun. Sabihin mo punta siya dito, babanggain ko din siya!"


"Chris, alam mo namang hindi pwede. Baka makulong ka." Pagpapaalala nito.

"Makulong? So? Kayang-kaya namang pyansahan aah.  Teka! Bakit hindi niyo siya pinakulong?"

"Sinong 'siya'?"
 
I rolled my eyes. Napaka-bobo talaga ng lalaking to. "Yung nakabunggo sa akin, bwisit!"

"Hindi siya pwedeng makulong, minor palang siya, kasing edad lang natin."

"So, siya hindi pwedeng makulong tapos ako pwede? Ganun?"

"Hmm." Hinawakan niya ang kanyang baba at tumingala, yung para bang nag-iisip. "kung isasama lahat ng kasalanang nagawa mo baka magkaroon ng special case at maikulong ka kahit na minor ka palang."

Nanliit ang mata ko dahil sa sinabi niya. "Ow? Nag-isip ka pa talaga para diyan hah? Pero hindi mo naisip na dahil dyan pwede kitang bugbugin ngayon?"

"Hindi. Dahil alam ko namang hindi mo magagawa eh."

"Nagpapatawa ka? Bakit hindi ko naman magagawa?"

"Ewan ko. Subukan mong tumayo ng malaman mo."

Sinubukan kong bumangon pero grrr! Ang bigat ng katawan ko kaya napahiga ulit ako.

"Psh. Tandaan mo to hah. Ikaw ang una kong babanatan kapag naging maayos na ulit ako."

"Sige." Then he smiled. "Nasa bahay pala ng auntie mo yung lola mo."

"Oh? Talaga? Buhay pa pala yun akala ko patay na. No wonder kung bakit di niya ako binisita dito."

Kumunot ang noo niya. "Bakit?"

"Tumigil ka nga. Napakalalaking tao, napakachismoso."

--------------------------------------

Author's Note:

Maikling chapter lang :) pambawi sa mahabang chapter kanina :) Don't forget to hit vote or post a comment

-D.

You Will Be Dead!!! (Alt-F4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon