CHAPTER 1

182 13 23
                                    

WALANG HAHARANG SA DADAANAN KO -_-

Naglalakad ako ngayon sa corridor ng school at walang pakialam sa lahat ng madaraanan ko.

Ampotek naman kasi ka-aga-aga sira na agad ang aking araw.

Alam kong pinagtitinginan na ako ngayon dahil sa masamang aura na nakapaligid sa akin.

So what? As if I care -_-

Pumasok na ako sa room at padabog na sinarhan ang pinto.

Tinungo ko na agad ang upuan ko.

"Hoy, okay ka lang?" Inirapan ko lang si Drew, seatmate ko. Kalalaking tao napaka-chismoso tsk.

Actually siya lang ang kumakausap sa akin dito sa school na 'to. Malakas ang loob eh, hindi natatakot sa akin. tsk.

Dito sa school na 'to, ako ang bida, ako ang BATAS. Lahat takot sa akin kahit mga gurang na teacher.

Pag-sinabi kong halikan ang paa ko, o kaya kuhaan ako ng tubig sa first floor mula fifth floor, walang nakakatangi. Sige, subukan nilang pumiyok makakatikim sila sa akin.

Bully ako. Madami na akong nasapak at napaiyak, paki ko? ehh sa mahina sila. Swerte nila hindi ako kayang i-kicked-out dito kasi kami ang may-ari ng school.

Ako si Maria Christina Sophia Divine de Jesus. Napaka-bait ng pangalan ko noh? Kabaliktaran 'yan ng ugali ko.

Alam mo na? Kaya ilag-ilag din pag may time.

Narinig kong nagkagulo ang mga classmate ko at nagmadaling pumunta sa mga pwesto nila. Siguro andyan na si Onyok-_- teacher namin sa Science. Mr. Alfonso Santiago ang totoo niyang pangalan eh kamukha si Onyok kaya yun ang tawag ko sa kanya.

"OUCH!!!!!" Walangya tinapakan ang paa ko!

Tiningnan ko ang aking sapatos at nakitang ang dumi nito. ANG AYAW KO SA LAHAT NADUDUMIHAN AKO! -________-

Tiningnan ko kung sinong nakatapak sa akin.

Si Andrea, yung nerd kong classmate. Nanginginig na siya at parang naiiyak na, mukhang nahulaan na yata niya ang gagawin ko sa kanya.

"S-sorry.. C-Chris.." Takot na takot na sabi niya.

I don't care.

I rolled my eyes atsaka tumayo at hinarap siya.

I fake a smile to her. "Bwisit ka.." I said in low voice.

"C-Chris.. S-Sorry t-talaga h-hindi k-ko y-yun s-sinasa--"

"Hep hep! Stop." I gave her a devil look. "Yan bang sorry mo na yan.. MALILINIS ANG SAPATOS KO?!" I shouted.

Umiling siya kasabay ng pagpatak ng luha niya. "K-Kung g-gusto m-mo lilinisin k-ko na l-lang.."

Hinawakan ko ang kulot niyang buhok. "Pwede but may mas maganda pa akong ginagawa sa mga tao na.." Hinila ko ang buhok niya. "Dinudumihan ako." Lalo ko pang hinila ang buhok niya, yung parang sinasabunutan ko na talaga.

"O-Ouch.. n-nasasaktan ako Chris."

I raised my left eyebrow. "And so? Paki ko sayo?"

"P-Please Chris bitawan mo ko." Sabi niya habang umiiyak.

"Inuutusan mo ba ako? SAGUTIN MO AKO, INUUTUSAN MO BA AKO?!" I shouted in front of her face.

Tiningnan niya ako sa mga mata at binigyan ako ng tiger look. "OO! INUUTUSAN KITA NA BITAWAN AKO!" Sigaw niya.

Aba't lumalaban!

You Will Be Dead!!! (Alt-F4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon