CHAPTER 5

23 1 0
                                    

Nasa room ako ngayon after 1 week na hindi ako pumasok dahil nga sa aksidente at ngayon, eto iritang-irita ako sa mga classmate ko kasi pakunyaring mga concern, alam ko namang nagdiwang sila last week noong wala ako. Mga bwisit.

"Chris, namiss ka namin. Okay ka na ba?" Sabi ng vice president ko. Ako kasi ang president sa room atsaka sa  student council ng buong school. Mga takot sa akin kaya binoto ako.

"Oo nga Chris, kumusta pakiramdam mo?" Sabi naman noong isa kong classmate.

I rolled my eyes. "Tigil-tigilan niyo nga ang kaplastikan niyo, kung ayaw niyong isilid ko kayo sa basurahan."

Napatawa si Drew. Na nakaupo sa tabi ko. "Mukhang bad vibes nanaman ah."

"Shut up. Gusto mong dagdagan ko yang pasa mo sa pisngi?" Pagbabanta ko. Nagkapasa siya dahil sa pagbubugbog ko sa kanya kahapon. Remember, sabi ko siya ang una kong uupakan pagkagaling ko?

"Ayaw po." Sabi niya atsaka bumulong. "Magbkibff battered boyfriend fbjk sfbh afb."

"Anong sabi mo?!"

"Wala, sabi ko baka hindi na ako magkagirlfriend dahil sa paglalagay mo ng pasa sa mukha ko. Siguro inggit ka kasi gwapo ako noh?"

Binatukan ko siya. "Gago! Hindi ako tibo."

"Edi mabuti." Then he smiled.

"Bakit naging mabuti?"

Inakbayan niya ako. "Kasi wala akong kaagaw sa chicks."

Tinanggal ko ang pagkakaakbay niya. "Tumigil ka nga! Sayong-sayo na! Wala akong hilig sa sisiw."

"Wala kang hilig sa sarili mo?"

"Hah?"

"Kasi chicks ka."

Nanliit ang mata ko at tiningnan siya ng masama. "Mr. Hernandez, huwag mo akong landiin kung ayaw maglaho kagaya ng MH70."

Tumawa siya ng malakas at tinuro ang sarili niya. "Ako? Nilalandi ka? May gusto ako sayo? Baliw lang Chris. Baliw lang ang magkakagusto sayo!" Then tumawa ulit siya.

Bigla akong napatahimik at naalala si Dave. Nagkagusto naman sa akin si Dave aah? Oo nga pala, pinaglaruan niya lang ako. Siguro nga baliw lang ang magkakagusto sa katulad ko kaya si Dave hindi niya talaga ako minahal.

"Oh, natahimik ka?" Sabi ni Drew.

I just rolled my eyes at hindi na siya kinausap kahit na salita siya ng salita.

Nagulat nalang ako ng may umupo sa tabi ko. Tiningnan ko kung sino at nakita si Severo pati si Drew natahimik sa pagsasalita.

Tumingin ako kay Drew at binigyan siya ng look na anong-ibig-sabihin-nito. Pero nag-shrug lang siya.

Tumingin ako kay Severo na nagtetext. "Umalis ka sa tabi ko." Madiin kong utos pero wala siyang pakialam at patuloy lang sa ginagawa.

"Hindi ka aalis?"

Akala ko hindi niya ako papansinin pero nagsalita siya. "Hindi."

"Okay." Kinuha ko ang bag niya at hinagis sa may black board. "Hindi ka pa din aalis?"

Tumayo siya. Akala ko aalis na siya pero nagkamali ako dahil kinuha niya ang bag ko at naglakad palabas ng room.

"Hoy! Saan mo dadalhin ang bag ko!" Hinabol ko siya at akmang pagkalabas ko ng room nakita kong inihagis niya ang bag ko sa court, sa ground floor eh nasa fifth floor kami.

You Will Be Dead!!! (Alt-F4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon