CHAPTER 3

30 1 0
                                    

Author's note:  A very long and emotional chapter. Patience is a virtue. Keep reading and keep moving forward :)

*flashback*

   8 years old palang ako noon, masyadong bata para magkaroon ng lovestory. Una friends lang, naaalala ko pa noong una kaming magkita sa park, tumatakbo ako nun ewan ko kung ano yung hinahabol ko basta may hinahabol ako..

   Yun, naalala ko na!

  Hinahabol ko yung drawing ko na sunset kasi nilipad ito ng hangin.. hindi ko ito maabutan, halos paiyak na ako sa kakatakbo nang biglang matalisod ako sa isang bato.

   Grabe ang iyak ko noon, kasi nagkasugat ako sa tuhod, tapos nakita ko pa yung pinagkahirapan ko na drawing na natapakan.

    Nakadapa pa din ako. Hindi ako makabangon sa sobrang sakit ng tuhod at siko ko, pero may isang batang lalaki na tumulong sa aking makatayo.

 "Wag ka ng umiyak." Sabi niya noong naitayo na niya ako.

Kahit anong pigil ko, my tears keep on falling. "Eh kasi.. *sob* *sob*... y-yung drawing ko *hik* n-natapakan." Then lalong lumakas ang iyak ko.

"Bakit napakaimportante sayo ng drawing mo? Eh sigurado naman ako na yung pag-color mo dun lagpas lagpas..tss."

*sob* *sob* *sob* "Ang sama mo! *hik* m-magaling kaya akong magdrawing *hik* "

"Yun naman pala eh, edi kaya mo ulit i-drawing yung sunset. Ang hina mo naman para dyan lang umiiyak ka agad."

"Eh kasi *sob* babae ako, kaya mahina ako. Hindi naman ako lalaki na kagaya mo."

"Hindi porquet babae ka, tatanggapin mo na, na mahina ka. Dapat matuto kang lumaban at laksan mo ang loob mo." sabi niya.

Pinunasan ko na ang mga luha ko. "Ganun ba yun? Bakit sa fairytales damsel in distress yung mga babae tapos dadating yung knight in shining armor nila para iligtas sila? ibig sabihin, mahina talaga ang mga babae."

"Nasa fairytales ka ba atsaka may knight in shining armor ka?" Tanong niya.

Umiling ako atsaka tumungo.

"Yun naman pala eh. Pwede kang maging mahina kung andiyan ang knight in shining armor mo pero hanggat wala pa siya, kailangan mong maging malakas para maipagtanggol ang sarili mo."

   That time, sobrang humanga ako sa kanya. Iba siyang mag-isip compared sa pangkaraniwang bata. Inisip ko nga na baka matanda na siya but I looked at him, hindi naman, siguro kasing edad ko nga lang siya eh. Top 1 siguro siya sa school nila kaya ganun tapos mabait pa siya, since that day, I decided to make him as my friend.

  We became friend. We used to hang out in the park 3 times a week every 3pm-6pm to wait for the sunset. Nagdo-drawing din kami doon habang nag-iintay. At ang pinaka-favorite ko ay yung drawing niya na girl and boy sitting on the bench while waiting for the sunset, para kasing kami yun eeh :">

I smiled. "Tayo ba 'to?" I asked habang hawak hawak ang drawing niya sa bondpaper.

Tumingin siya sa akin at kinuha yung drawing. "Hindi tayo 'to."

Nalungkot ako noong sinabi niya yun kasi akala ko talaga kami yun.

"Tingnan mo nakasandal yung babae sa shoulder nung lalaki, eh hindi naman natin yun ginagawa. Tapos magka-holding hands pa sila, kaya hindi talaga tayo 'to." Dagdag pa niya.

You Will Be Dead!!! (Alt-F4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon