"Calista Pov's"
Tahimik akong nagmamasid sa Loob ng Aking Kwarto habang ang Doctor ay Sinusuri pa din ako, Nandito ang Pamilya ko at ang pamilya ni gab, Ngunit wala dito si Gab.
Dalawang araw na din simula nung pinatakas ko si Gab."Good News Mrs Santos, You can now go home , just take your medicine for faster healing and also take a rest." basag ng Doctor sa Katahimikan ,kinindatan niya pa ako bago Umalis.
"Salamat naman at maayos kana Hija." Nakampanteng sabi ng Lola Ni Gab.
"Oo nga po, Pwede na din daw po akong makalabas mamaya." nakangiti ko pang balita.
Isang katok Mula sa Pinto ang Aming narinig kung kaya't binuksan ito ni Mica. Sinilip niya ito at medyo nagulat ng bahagya ng makita kung sino ang tao sa Labas bago niya ito pinapasok.
"Gab..." Mahinang Bulong ko. Ang ngiti ko kanina ay mas lalong lumawak ng makita ko siya. Bumalik Siya makalipas ang dalawang araw, buong akala ko ay nag-tanan na sila ni Danicah.
Napatingin naman sa akin si Gab bago Lumapit sa aming mga pamilya at nagmano bilang pag respeto sa kanila. Inisa isa niya ang matanda maliban sa Kanyang Ate at sa akin. Malamang.
Napahinto lamang Siya sa ginagawa nang tumapat siya sa kanyang ama, galit ang namuo sa mga mata ni tito at sa mabilis na pangyayari ay isang malakas na sapak ang ginawad niya kay Gab. Nagulat ang lahat sa Kwarto.
"GAB!.." Sigaw ni Tita Gabriela at lumapit sa kanyang anak upang harangan ang mag ama. Akmang susuntok pa si tito ng Pigilan Siya ng kanyang Ina na si Grandma Gemma.
"ERIC, TUMIGIL KANA." Galit na sabi ni Grandma Gemma. Kaya hindi na naituloy ni tito ang kanyang gagawin.
"BAKIT BUMALIK KA PA!?, DE PUCHA NA YAN, ANG KAPAL NG MUKHA MONG MAGPAKITA SA HARAP NAMIN , PAGKATAPOS NG LAHAT!." Nagagalit na sabi ni Tito kay Gab, Nanlilisik ang mga mata nito. Inabutan naman siya ni Ate Mica ang Panganay niyang anak ng Tubig at Pinakalma.
"Nandito po ako para sunduin ang Asawa ko, Iuuwi ko na po siya sa bahay namin." Kalmado at magalang na saad ni Gab sa Mga tao na nasa loob ng aking Kwarto.
Asawa,bahay namin.. , Kay sarap namang Pakinggan ang mga sinabi ni Gab. Magsasalita na sana ako ngunit naunahan ako ni Tito.
"ASAWA?, ASAWA MO PA PALA SI CALI? LAST TIME I CHECK YOU CHEATED." Nangangalaiti pang dagdag nito.
"Alam ko po Dad, That's Why I'm Here para makipag ayos sa kanya, please just let me." Mahinahon at para bang walang nangyaring kumento ni Gab sa kanyang ama.
Hindi sumagot ang kanyang ama pero galit pa din itong nakatingin kay Gab ,bago Tuluyang lumabas. Sinundan naman ito ng Lola ni Gab. Matapos ang paglabas nila ay Tumahimik Ulit ang Lahat.
Pero Lumapit sa akin si Gab at binulungan ako. "Iuuwi na kita. Umuwi na tayo." Sambit ni Gab sa akin, Ngumiti ako sa kanya bilang pagsang-ayon.
LIGTAS kaming nakauwing dalawa, pero tahimik lamang si Gab sa buong biyahe at ako abot langit ang aking mga ngiti. Minsan lamang ni Gab gawin sa akin ito.
Pumayag naman ang mga pamilya namin dahil na din sa pagpupumilit ko at sa Nakikita nila na magiging maayos din kami ni Gab. Ganun din naman ang aking Nararamdaman sa mga nangyayari.
Inalalayan niya ako patungo sa loob. Dahil Hindi pa talaga ako totally Magaling Mayroon akong Casts Sa kamay at Paa, kung kaya't hindi muna ako makakapasok sa Trabaho. At sabi ni Gab siya muna ang Mag aalaga sa akin.
"Nako, salamat sa diyos at Nakauwi na din kayo,Mga anak, nagluto ako kumain muna kayo." masayang bungad sa Amin ni manang Lolith.
"Salamat po." Banggit ko kay Manang.
Like kanina He Supported me to sit down, siya din ang nagsandok at naglagay ng mga ulam ko, pati na din ang Tubig ko.
"Thank you."sambit ko naman kay Gab.
Tahimik na kumain ang lahat, Hanggang sa matapos kami."I'll take you to your bed, have some rest." Sambit nya nang makarating sa aking kwarto, tumango ako at Nagpahinga naman.
Akmang aalis na siya ng pigilan ko siya."Saglit," sambit ko. "Umh.. Hindi mo na ko iiwan ulit diba?." Umaasang sabi ko. Pero tipid na ngiti lamang ang natanggap ko sa kanya.
"I'll take that as a yes." Decision ko bago siya Tuluyan na umalis at bago ako Natulog.
ILANG WEEKS na ganoon ang pakikitungo sa akin ni Gab, minsan ay dinadalaw dalaw ako ng mga pamilya at Kaibigan ko kapag nasa Trabaho si gab.
Lagi niya akong Inaalalayan, Inaasikaso at Inaalagaan. Kaya sobrang Blooming daw ako this past Few weeks, lalo akong na inlove kay Gab. Sana ganoon din siya sa akin.
Nag kakaroon na din kami ng Kumunikasyon ulit, Pero kapag Tinatanong ko si Danicah ay Nagiging mailap siya sa Pag sagot madalas pa ay Iniiba niya ang topic o hindi kaya ngingitian niya lang ako.
Ngayong araw ay tinanggal na ang casts ng paa at kamay ko kaya malaya akong nakakapaglakad magisa palabas ng orthopedic. Hindi ito alam ni Gab kung kaya't susorpresahin ko siya. Malamang ay matutuwa iyon, Hindi Niya na ako kailangang alagaan.
Pumunta muna ako sa Resto para ipaalam ang Magandang balita, pagpasok ko sa Resto ay nakita ko ang madaming tao. Napangiti ako, sabi ko na nahahandle talaga ng maayos ni krisha ang restaurant kaya ipinagkatiwala ko ito sa kanya.
Pumasok ako sa aking opisina at nakita ko si Krisha na Na-iistress sa pag tatally ng mga pera. Napangiwi ako pero Tumuloy pa din ako para asarin siya.
"Ehem ,Maam relax lang po tayo dito.." pabiro kong saad kaya napatingin siya sa akin at bahagyang nagulat.
"Cali? Magaling kana?." Nagtatakang tanong niya Bago ako tignan mula ulo Hanggang paa. Nag pose pose pa ko para matawa Siya. At Hindi naman ako nagkamali at napatawa ko nga siya.
"Gulat na Gulat ka Ba Teh?." Napa pout siya at Hindi na napigilan na lumapit sa akin at yumakap ng Mahigpit.
"Cali, miss na kita!, Ayaw ko na dito pumasok ka na lang ulit." Naiiyak niyang sabi kaya tinapik ko ang kanyang likod.
"Oo, upo muna tayo."
Iginiya ko siya paupo at ikwenento ko sa kanya pagiging mabait ni gab sa akin this past few weeks Hanggang sa maisipan ko na Umuwi na para ipagluto si Gab.
Maayos naman akong nagpaalam kay Krisha at nakauwi din ako na ligtas. Nagsimula akong magluto at nang matapos ako ay saktong pagdating nito.
Kumatok siya ng Tatlong Beses bago ko siya pinagbuksan ng pinto.
"GAB!!" masayang Bati ko sa aking asawa.
Hindi na bago kay Gab na batiin ko siya kapag galing sa trabaho. Pero ngayon ay bahagya siyang nagulat sa aking kalagayan.
"You're fine now?." Tanong niya. Pinapasok ko muna siya sa loob at Tinulungan na ilapag ang gamit niya.
"Oum.." Maikling ungol ko. "Bukas.. i Te-treat kita, okay lang ba? , Pambawi man lang sa Mga Tulong mo sakin." Paglalambing ko pa.
Saglit siyang Tumahimik at May Kinuhang Papel sa Loob ng kanyang Bag, samantalang ako ay tapos na siyang tulungan sa pag aayos.
"Tara kain na tayo."
"Here."
Sabay na sabi namin. Bahagya akong napatawa ngunit siya ,Walang expression ang kanyang mukha kung kaya't nah Seryoso na din ako at kinuha ko ang envelope na nasa kanyang kamay.
"What is this?." Excited na tanong ko.
"Just Open It." Kalmadong boses nya pa.
Dahan dahan kong binuksan ang Envelope at nakita ko doon ang Isang papel na may nakalagay na... "DIVORCE PAPER?." Basa ko sa nakasulat.
-
REGALO KO NA TO HA. MAAGANG UD , HAPPY HOLIDAYS EVERYONE, KEEP SAFE AND LOVELOTS 💜.
YOU ARE READING
Marriage of Convenience (On-Going)
Romance"Marrying my Man of my Dreams is the best thing happened to me".- Calista. Everything is planned.She Married The Man Of Her Dreams, But it is Just Marriage Of Convenience. And Week Later after The Wedding ,Calista finds out that her husband loves so...