Chapter 18

490 23 26
                                    


Nag drive ako patungong condominium ni Gab, Nakarating naman ako doon ng 10:30pm, Hinanap ko ang condo nya at ng makita ito ay Huminga muna ako ng malalim bago Kumatok.

"This is it, Pumunta ka dito para ayusin at pagusapan ang mga problem nyong dalawa." Kumuha ako ng salamin sa aking bag at Chineck ang aking itsura. Inayos ayos ko pa ulit ang buhok ko at nag practice ng smile.

Kumatok ako ng tatlong beses ngunit walang nagbubukas nito. Kaya Dahan dahan kong pinihit ang door knob kahit hindi ako sigurado kung nakabukas ba ito o hindi.

Pero Nagulat naman ako ng pagpihit ko ay bumukas ang pintuan, pumasok ako sa loob.
"Gab?." Hanap ko pa ulit sa kanya. pagkasarado ko ng pintuan ay Inilibot ko ang mata ko sa condo ni Gab.

Maganda at malinis ang kanyang Condo, May sofa at Malaking Tv kang makikita pagkapasok mo,Pero Hindi ko pa din nahagilap si Gab.

Dumako ang tingin ko sa Hagdan na sigurado akong papunta sa kanyang Kwarto kaya hindi na ko nag alinlangan pa na akyatin ito. Masaya akong umakyat Hanggang sa marating ko ang pinto ng kanyang kwarto.

Kumatok ako muli. "Gab?." Katok ko, ngunit walang sumasagot, pero may naririnig akong ingay mula sa loob kung kaya tinapat ko ang tenga ko sa pintuan.

"Hmmm~." Narinig kong boses ng isang.....Babae?.

Hinawakan ko ang bibig ko para pigilan ang sarili kong mag react, dahan dahan na sana akong aalis nang marinig kong lumakas ang ungol ng babae kaya bumalik ulit ako at pinihit ang pintuan.

Tumambad sa harapan ko ang Dalawa na nakahiga sa kama at tila pagod, pawisan ang babae pero si gab.. hindi? Weird. Ngunit pareho silang walang saplot. Tanging kumot lang ang nagtatakip sa kanilang katawan.

"G-gab?." Nanginginig na boses na saad ko.

"Cali." Cool na sabi nya na para bang expected nya na ang pagpunta ko. "Gab.., umhh." Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko, nanginginig ang boses ko,kinagat ko ang labi ko para pigilan ang aking sarili na umiyak.

Tumayo si Gab, Nakaboxer lamang siya kung kaya't kitang kita mo ang pagiging masculine nya. Naglakad sya patungong working Desk nya at may Kinuha sa Cabinet nito.

Folder?, Ayun ang kinuha nya.

"Ohh..Hi, Who are you? Babe sino siya?." Tanong ng malanding babae sa asawa ko.

Hinintay ko kung ano ang sasabihin ni Gab sa kanya. "Just a Stranger." Pakilala sakin ni Gab. Nasaktan ako sa sinabi niya. Pero pinilit ko nalang ngumiti.

"Get dressed Shan and leave, Cali wait for me in the living room." Ma awtoridad na sabi niya, agad naman akong bumaba dahil hindi ko na mapigilan ang aking pagiyak, narinig ko pang umangal ang babae.

"My name is Shein not Shan!." Sigaw nito.

Pagkababa ko ay hinayaan kong tumulo ang mga luha ko. I thought This first anniversary will be great, ang akala ko aayusin na namin lahat?, Pero bakit may iba na naman siya?, Or what if Araw araw na iba ibang babae ang dinadala nya dito kaya siya umalis sa bahay?.

"Ano bang ginagawa ko dito?, I should leave."
Pero Hindi magawa ng mga paa kong Umalis, kaya umupo nalang ako sa sofa at doon umiyak ng taimtim, narinig ko ang pagbaba nila.

"Bye Babe, see you next time." Saad ng higad bago isinarado ang pintuan. Pasimple kong  pinunasan ang luha ko, for sure gulo na din ang make up ko nito.

"Cali." Tawag sakin ni Gab, Huminga muna ako ng malalim bago humarap sa kanya na nakangiti.

"Gab.." Niyakap ko siya at binati. "Happy First Anniversary.". Saad ko at ibinigay ang regalo ko sa kanya. Tinanguan nya lang ako ngunit hindi nya tinanggap ang regalo ko , kung kayat ibinaba ko na lamang ito.

"Here, Pirmahan mo at Umalis kana." Inabot nya sakin ang Folder na alam ko na ang laman.

"Ayaw ko." Seryoso ang kanyang Mukha. "Leave, Bumalik ka nalang kapag napirmahan mo na yan." Hinagis niya sakin ang folder at marahan ako binangga at tinulak paalis sa kanyang daanan.

Umupo siya sa sofa at binuksan ang Tv. "Ano? Ganto nalang? , Ayaw mo bang ayusin man lang to gab?, Ayusin naman natin to, please." Naiiyak na pagmamakaawa ko.

"Mahirap bang pirmah--."

"OO GAB!, MAHIRAP!," Putol ko sa kanyang sasabihin. "GAB ILANG TAON AKONG NAGHINTAY SAYO, ILANG TAON AKONG UMASA SAYO PERO GANTO LANG?, HINDI KO KAYA GAB MAHAL KITA, HINDI KITA KAYANG PAKAWALAN, SANA MAINTINDIHAN MO NAMAN YUN!." Sigaw ko sa kanya.

"Kung mahal mo ko , pakawalan mo ko."  Tinignan nya ko ng matalim. "Ganun lang kasimple Cali para walang naghihirap satin dalawa, walang nasasaktan, iniisip mo nalang kasi ang sarili mo, pano ako? Paano ang Nararamdaman ko? Inisip mo ba kung ano mararamdaman ko?."

"I'm sorry , pero Hindi ko pa kaya." Ang nasabi ko na lamang. "Hindi ko kaya gab.."

"Kayanin mo Cali, Try to Love someone new. Huwag mong iikot ang mundo mo sakin, Marami pang iba." Parang saglit akong natauhan sa sinabi niya. Masyado na nga akong bulag sa pagibig , masyado na akong martyr.

"Dadalaw ako dito tuwing Saturday and Sunday." Balewala ko sa sinabi niya.

"Bakit?, Huwag na." Sabi niya.

"Uuwi din ako sa gabi, please ito nalang ang hinihiling ko pagbigyan mo naman ako , Hindi kita guguluhin, gusto lang kita makita, Hindi ko pipirmahan ito." Inilagay ko sa table ang folder at ang regalo ko pati na din ang wine.

Habang tumutulo ang luha ko ay Umalis na ako, hindi ko na Hinintay pa ang kanyang sasabihin. Ang akala ko Magiging masaya na ko ngayon, Hindi pala.

Nagdala pa talaga siya ng babae sa condo niya, sayang effort ko ngayong araw, sana pala hindi na ko masyadong nag expect, nasaktan lang tuloy ako.

Present time

"What? Bakit napaka martyr mo?." Galit na sabi sakin ni ate micah.

Hindi na ko umimik dahil Sasabihin ko lang din na dahil mahal ko si Gab kaya handa akong masaktan para sa kanya.

"Kumusta naman ang pag dalaw sa Condo nya every sat and sunday?." Taas kilay na tanong pa ni ate.

"Hay na ko ate micah, sabi sakin ni cali iba iba daw babae ng kapatid mo tuwing pumupunta siya doon, buti nalang wala na siyang naabutan na seggs scene after nung first anniv. Nila." Chika ni krisha.

Napatingin sa akin si ate na para bang naaawa siya, hinawakan niya ang mga kamay ko.

"Pakawalan mo na siya, wala siyang kwenta Cali, Unahin mo naman ang sarili mo, Try to find a new love, or Self love nalang , tas pag ready kana i let go mo na siya." Sabi sakin ni ate pero ngumiti lang ako.

"Malapit na din akong sumuko ate, konti nalang, makakayanan ko din siyang pakawalan."

-

Hi, Happy Valentine's Day, nakahabol pa ko HAHAHAH anyways Happy 2k and 100 votes everyone, lovelots 💜.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 14, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Marriage of Convenience (On-Going)Where stories live. Discover now