Chapter 17

216 14 5
                                    


"D-divorce paper?." Nagugulat at nagtataka kong tanong. "Para saan ito Gab?." Tumingin ako sa kanya pero malamig na pakikitungo lang Ang iginawad nya sa akin.

"You're fine now, Please Just Sign it." Napapagod niyang sabi.

"Pero okay naman tayo Gab ahh?, Bakit biglang may Divorce?, Wala ito sa Pinag--." He cutted me off.

"MANHID KA BA? O MARTIR KA? ,CALI HINDI NGA KITA GUSTO AT MAS LALONG HINDI KITA MAHAL. PAKIKISAMA NALANG ANG IPINAPAKITA KO SAYO." Nagagalit na sigaw sakin ni Gab.

Pakikisama?.. so si Danicah pa din pala talaga. Napatingin ako sa kanya ng may pighati sa aking mga mata.

"Ahh, gets. Kaya mo ko Inaalagaan kase nakonsensya kalang, ganun ba gab?," Umiwas siya ng tingin pero halata ang guilt sa kanyang mata. "Pasensyahan tayo ,hindi ko pipirmahan Yan." Pinal na sabi ko at pinunit sa Harap nya ang Divorce paper.

Kumunot ang kanyang noo at nagdikit ang makapal nyang kilay. "ANO SA TINGIN MO ANG GINAGAWA MO?." Galit na saad nya, nakaramdam ako ng takot pero tinalikuran ko nalang siya.

"CALI BUMALIK KA DITO, HINDI PA TAYO TAPOS!." Galit na galit na sabi niya At tinangka pa ko habulin, pero Matulin akong Tumakbo Hanggang sa Makarating sa aking kwarto, agad kong ni-lock ang pintuan.

"CALI OPEN THIS GODDAMN DOOR!!." Hampas niya pa sa pinto ko. Umiyak ako ng umiyak sa aking kwarto. Sobrang sakit, sobrang bigat ng aking Nararamdaman.

Kala ko totoo na lahat, kala ko magkakaayos na kami pero bakit naman palabas lang pala?, Bakit parang nagbigay siya ng motibo?, Bakit nya ko pinaniwala na magiging okay kami?.

"J-joke lang ba para sa iyo ito, G-g-gab?." Nanginginig at mahina kong sabi sa aking sarili. Ilang oras ang lumipas ay hindi na ako nakarinig ng Kahit anong ingay, napagod na din siguro siya.

Should i say sorry?, Babalikan ko ba siya?..

Yes, I should say sorry for what I did. Madadaan pa ito sa usapan, maybe Konting tampuhan lamang ito...agad akong Kumilos at Tumingin sa salamin.

Bahagya akong naawa sa aking sarili, mukha akong dinaanan ng Malakas na bagyo, Namamaga at namumula ang aking mga mata, magulo ang buhok ko at Basang basa na ko dahil sa luha ko. Pero kahit ganun pa man ay inayos ko nalang ang aking sarili, Sinuklayan at Tinalian ko ang magulo kong buhok , nagpalit ako ng damit at pinunasan ko ang aking Luha.

Pagkalabas ko ay Saktong nakita ko naman si Gab na Dala dala ang mga gamit nya..

"Gab?," Nagtatakang tanong ko, Mukha din siyang Miserable sa lagay niya. "Saan ka pupunta?." Kagat labi kong sabi.

Tinignan niya lang ako ng May Namamagang mata bago Tuluyang Umalis at ibaling ang tingin sa kanyang Direksyon. At sa takot na iwan niya ako ay agad ko naman siyang hinabol.

"GAB SAGLIT!" sabi ko at Nahawakan ko ang dulo ng kanyang bag. Kaya napatingin siya sa akin ng matalim.

"PWEDE BA CALI!, PAKAWALAN MO NA KO! NAHIHIRAPAN NA KO SA GANITO , HINDI KO NA KAYA, PLEASE!!." Nagmamakaawa niyang sabi. Maluha-luha na din siya kakasigaw.

Bigla na lamang siyang lumuhod sa harap ko.

"P-p-please Cali~, just Let me go." Umiiyak na sabi niya sa harap ko, ito ang kauna unahang makita ko siyang umiyak. He's always strong.
And never shed a Cry. "Pirmahan mo nalang ang divorce paper or just let me go." Choices niya sakin.

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko, I don't want to choose.

"I- i- i love yo-u..." Ang Tanging nasabi ko sa pagitan ng aking iyak, lumuhod ako sa kanyang Harapan at Bumulong. "I will never sign that divorce, so just go..." Pikit mata kong sabi.

At ayun ang Huli niyang tapak sa aming bahay  2 years ago..

"Pinabayaan nalang namin siya, ate mica." Saad ko sa kapatid ni Gab, Kakauwi lang kasi nito galing states , biglaan din ang pagpunta nya sa states kaya wala na siyang naging update sa buhay ko. meron pa naman kaso unti lang, sinabi ko lang talaga sa kanya na kapag nagkita kami ay sasabihin ko lahat ng nangyari.

"Shutanginers talaga yan si Gab eh, oh asan na siya ngayon?. Naiiritang tanong ni ate.

"Nasa Condo niya po, he bought condo malapit sa Kumpanya," nagdikit ang dalawang makapal na kilay ni ate kaya ipinagpatuloy ko ang aking pananalita. " Mabuti na din iyon para sa kanya ate."

"I kwento mo din pati yung First anniversary nyo ni Gab, Dali!". Singit ni krisha at inilagay sa lamesa ang aming inuming tatlo.

"Ohh?, Ano namang nangyari doon?."  Napatingin ako sa kanya na may pag-aalinlangan ,baka magkagulo kapag nalaman niya ang nangyari.

"Change topic nalang ate, Kumusta ka naman sa ibang Ban--." Tinignan niya ako ng matalim.

"Anong nangyari cali?." Pinal na saad nya.

"Ano kasi--," Palipat lipat na ako ng tingin kay ate at kay krisha. "Kasi..." Dahil alam kong wala akong magagawa ay sinabi ko ma din sa kanya.

First anniversary throwback.

Today is our First anniversary Gab. I said in my mind while driving home, ilang months na din simula nang umalis sya sa bahay, at hindi ko alam kung saan sya nakatira basta ang balita ko Nagtratrabaho naman siya, Which is Good.

Pauwi na ko galing sa Trabaho, at wala namang ganap ngayong araw, Hindi nya ako Binati man lang pero ako Binati ko siya.

Nang makarating sa bahay ay chineck ko ulit ang aking phone kung may natanggap ba akong message niya pero ni isa ay wala.

Ibubulsa ko na sana ang Cellphone ko ng bigla itong nag vibrate kaya agad ko itong kinuha at binasa kung sino ang nag message.

Gab;

Today 10:30 pm. 143 main street bel air 1200, Marikina city Philippines.

Message niya sa akin, Hindi na ako nagpaligoy ligoy pa at tinignan ang orasan sa Cellphone ko.

7:00 pm palang. may ilang oras pa ko bago makapag ready, binigay nya din pala pati ang adress niya, malapit lang pala ang condo nya .

Ganun pa din ang regalo ko sa kanya album na may cute na ribbon tutal di ko naman ito nabigay nung first monthsary at pinag hirapan ko talaga itong gawin.

Magdadala na din ako ng wine. Diba mag da date kami? For sure naka ready na yun si Gab , baka na set up niya na lahat ng mga Gamit yung table at mga pagkain.

Iniisip ko palang kinikilig na ko. Tumungo na kong Cr at Naligo. Sinigurado kong sobrang linis ko na, iginugol ko ang buong oras  sa pagpapaganda ko, nakalimutan ko nang magpahinga dahil galing akong work.

Excitement lang ang Nararamdaman ko, nakalimutan ko na ang pagod. Ikinulot ko ang buhok ko at napagtanto ko na madami pala akong damit pero ni isa ay hindi ako makapili ng maganda. Kaya ang backless red dress na kumikinang nalang ang napili ko, Hanggang tuhod ko lang ang haba nito.

"Wow, mukhang may date ka ngayon ah?." Natutuwang sabi ni manang.

"Opo, Hindi po ako dito kakain." Nagpaalam naman ako ng maayos bago gumayak.

-

Sorry sa long Update, pero here you goo, medj bitin kasi nakakaiyak next , sunod sunod iyakan chap yarn?.  Lovelots 💜.

Marriage of Convenience (On-Going)Where stories live. Discover now