Chapter 1: Be That Guy

81 3 0
                                    

"I learn how to love but I don't learn how to move on.

How can I forget him when every day I can see him in you?

Minamahal ba kita dahil nakikita ko siya sa'yo o mahal na nga kita."

CHAPTER 1

-Elloise Lim's POV-

"Hey, Ysa! I thought you'll bring me at Trinoma? Why are we still here? What the hell are we doing in here? Alam mo yung late sa date? Ako ata yun eh." I glared at her with my arms folded. This girl is irritating! Geez.

Ysa is my friend. Siya lang naman ang pwedeng tumulong sa akin para makalabas sa mala-palasyo kong kulungan. I am grounded kaya siya lang ang may kakayanang ipagpaalam ako sa daddy ko na kasing lupit ni Hades. Why am I grounded? Simple. Pinahiya ko lang naman yung son ng business partner ni dad. Sobrang manyak at walang modo kaya pinatunayan ko lang na hindi ako ganung babae. Nice right? Pero isa pa lang yun sa evil stuffs na kaya kong gawin.

"Don't be like maarte. Eww. English pa Elloise. *rolls eyes* So, gusto mo na bang umuwi sa bahay niyo?" then she smirked at me. That girl. She kept on irritating me. Tsk. I just smiled at her with full of sarcasm.

Kung di lang kita kailangan Ysa. Pasalamat ka. Gumaganti ata itong impaktita na ito. Sarap sabunutan. Kung di ko lang 'to kaibigan at tumulong siya sa aking ngayon, baka kung ano na nagawa ko dyan. Pero kahit naman ganyan yan. She's still my knight-in-shining armor and I love this maldita girl.

Sumunod na lang ako sa kanya. Ewan ko ba kung ano ang gagawin niya dito. Ang alam ko lang, may date ako and he's waiting for me. Friendly date lang naman. He's from Australia at ako lang ang kaibigan niya dito sa Philippines so ako lang ang pwede niyang imeet at irereto ko na rin kay Ysa. And they will surely like each other. Pareho silang madaldal at nakakairita.

*ring ring ring*

I picked up my phone.

"Yes?" matabang kong sagot ko sa kabilang linya. Eala man lang hello. Bastos ba? Pero yan na ang pinakamabait kong way sa pakikipag-usap sa phone. At tinatamad ako ngayon so wala akong balak mag-aksaya ng laway sa kanya.

"Asan ka na?! Ang tagal mo. Marami na ang nagkakagulo sa akin dahil sa kagwapuhan ko." sagot nung nasa kabilang linya. Who's this? A guy? Sino 'to? Kakatamad kasing tingnan kung sino so sinagot ko na lang.

"Who are you?"

"It's Paulo." I could feel that this guy frowned. Oh. It's Paulo.

"So?"

"Anong so? Pumunta ka na dito." I could hear in his voice na galit na siya. As if I care.

"Okay." and I hanged up the phone. Kakatamad makipag-usap eh. Ang kulit lang. Ikaw ba naman ang makareceive ng 50 messages and 37 miscalls kung di ka maiirita.

Bumalik na ako kung nasan si Ysa. May kausap siyang guy. Geez. Ito ba ang dahilan kung bakit kami pumunta dito? Para makipaglandian siya? Haist.

Malapit na ako sa kanya ng marinig ko ang pangalan ko. I heard it. I'm sure. So I stop at pumwesto sa hindi nila kita pero maririnig ko yung pinag-uusapan nila.

"Tulungan mo na kasi ako dun sa kasama mo." Sabi nung guy kay Ysa. Is he referring to me? I guess so.

"Hindi mo siya kilala. Siya si Elloise Lim. Daughter of Athena, Aphrodite and Hades. In short, Maganda, matalino at alam mo na kung ano si Hades. Siya din ay itinuturing na Snow Goddess na si Khione. She's cold as ice sa mga di niya kakilala kaya wag mo ng balakin pa dahil mapapahiya ka lang. Nag-aaksaya lang yan ng oras sa mga kaibigan niya. Like me. Kaya don't bother, Andrew. Sayang oras mo." sagot ni Ysa dun sa guy.

Be That GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon