Chapter 10: Party 2

13 1 0
                                        

"Friends."

Binigyan ko siya ng ngiti. Yung ngiti na kaya ko lang ibigay sa tunay kong mga kaibigan. Yung ngiti na imposible ko ng maibigay sa isang estranghero lamang. Pero itong estrangherong ito ang nagparealized sa akin na may mga lalaki pang hindi panggagago lang alam. Yung lalaking hindi lalapit sayo para maging isa ka sa mga babaeng gusto nilang kunin. Siya yung unang lalaki na nagpagaan ng loob sa akin simula ng mawala si Kyle.

Nagkwentuhan lang kami. Tinatarayan ko pa rin siya pero yung tipo na may halong loko. Nakikipagtawanan na din ako sa kanya sa tuwing may mga jokes at pick up lines siyang binibitawan. Di ko akalain na ang isang lalaking matipuno na kgaya niya ay isang napakakulit na nilalang.

"Good Evening, ladies and gentlemen. May I get your attention, just for a few minutes." napalingon ako sa mini stage ng kunin ng isang lalaki ang aking atensyon. Di ko nga lang makita kung sino ang nagsasalita. Medyo marami na rin kasi ang lumapit sa may stage.

Hindi na namin pinansin ni Nathan ang nasa stage. Hindi naman sa bastos ako. Sadyang nakakatamad tumayo at lumapit papunta sa nagsasalita. At mahirap na din makasingit pa kasi maraming nasa unahan kaya mas maigi pa ang nakaupo kasi sa nakatayo doon at nakikinig. Mangangalay lang ako. Kaya nagbalik na lang kami sa pagkwekwentuhan.

Kaya nga lang nakuha niya ulit ang atensyon ko ng marinig ko ang pangalan ng dad ko.

"Mr. Lim. Sana po payagan niyo po akong patunayan ang sarili ko sa anak niyo. Hindi niyo man po ako matulungan pero sana po ay hayaan niyo lang ako na patunayan ang pag-ibig ko sa anak niyo. Sana po mapagbigyan niyo ako." at huminto siya ng sandali.

Hinihingi niya ang basbas ng tatay ko? Okay lang. Nasa akin pa rin ang desisyon. At kahit kailan, hindi magbabago ang isip ko. Tiningnan ko si Nathan. Nakikinig siya kay Andrew. Nakatayo na siya ngayon para makita ang nangyayari sa unahan. Samantalang ako ay nakaupo pa rin at walang balak tumayo.

"At Elloise, alam kong kahit anong pangungulit ko sa'yo ay walang mangyayari. Hinding-hindi mo pa rin ako hahayan makapasok sa puso mo. Pero hindi ako titigil. Gusto kita. At hindi magbabago yun. At ikaw ang babaeng gusto kong mahalin. Magiging swerte ako kapag mapagbibigyan mo ako na makapasok dyan sa puso mo. Pero ngayong gabi, can you give me a chance to have you in my arms and sway with the rhythm of the love song you really love?"

Nagsimulang tumugtog ang paborito naming kanta ni Kyle. Ako'y sayo at ika'y akin lamang. At nang pagtingin ko sa harapan ko ay nakaluhod na si Andrew at nakalahad ang kamay niya sa akin.

Mas maraming tao mas masarap siyang ipahiya. It would be fun. Pero naramdaman ko na lang na hinigit ako ni Nathan patayo at tumakbo kami palayo. Muntik na kaming mapigilan ni Andrew pero mas binilisan ni Nathan ang pagtakbo kaya ako naman ay kinaladkad lang niya.

"Alam ko ang nasa isip mo. Bago mo pa gawin kay Andrew yun, itatakas na kita. Nalabas nanaman sungay mo." at nagsmirk siya sa akin.

"Hey. Can we stop running? Masakit eh. Nakaheels kaya ako." pagsusungit ko sa kanya.

Bigla naman niya akong binuhat ng parang bride. Yung way ng pagbubuhat ng mga groom sa bride nila kapag ikinakasal. Gusto ko mang magpupumiglas kaya nga lang natatakot ako mahulog.

"Ibaba mo nga ako. Para kang sira. Bring me down." I commanded.

"Eh di naabutan tayo ni Andrew. Ayoko ngang masapak. Saka kita ibababa kapag nasa kotse ko na tayo."

"Kalalaki mong tao takot lang masapak. Kaya siguro di mo ako gustong ligawan kasi bakla ka."

At humagalpak na ako sa kakatawa. Bakla pala siya. Now I knew why I couldn't hate him. Why it's so easy for me to laughed with him. Why I'm so comfortable with a guy like him. Because he's not a guy guy. He's a gay guy.

Be That GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon