We excitedly exited the classroom. Ito pa lamang din kasi ang unang beses na nakapag-aya ako ng sleep over sa kaibigan ko. Dad never allowed me to do this before pero ngayong hindi ko naman sila kasama sa bahay, sa tingin ko naman ay puwede na. Huwag na lang sana sigurong makarating sa kaniya.
Sheena will pick up her niece and will go to our house at night. Ganoon din si Miro na sinabihan ko nang sumama. Hinintay ko munang makaalis ang mga sasakyan nila bago ako lumapit sa kotse ni Hendrix na kadarating lang din. East University is not that far from our school kaya madali lang din kay Hendrix ang ihatid-sundo ako.
"Hendrix," I called while fixing my seatbelt. Hindi siya lumingon pero alam ko namang dinig niya ako. "My friends are going to sleep over at... our house."
He remained silent. Nang tingnan ko siya ay nakatuon lamang ang atensyon niya sa daan. I pursed my lips. "And..." Napatigil ako dahil nagdadalawang-isip kung itutuloy ko ba ang gusto kong sabihin. Nakakahiya dahil bahay niya rin naman iyon. "Baka puwedeng... huwag ka munang lumabas ng kwarto kapag nandoon na sila? I haven't tell Sheena about our situation pa kasi," nahihiya kong sabi.
Tumango lamang siya at hindi pa rin nagsalita. I scrunched my nose. I guess verbal communication doesn't work with him.
He stopped the car in front of our house. Bumaba naman ako agad at hinayaan siyang mag-park. Una kong hinanap ang mga kasama namin sa bahay.
"Ate Vienna?" Inilapat ko ang tainga sa pinto ng kwarto nila bago kumatok. The door opened immediately.
"Nakauwi na po pala kayo," magalang na salubong niya agad sa akin. Hindi ko alam kung bakit minsan ayaw niya makipag-usap sa akin ng casual e' hindi naman malayo ang edad namin. Mas bata pa nga ang itsura niya kumpara sa akin!
"Can you help me for a moment?" I asked with my clasped hands. Naguguluhan ang tingin niya sa akin habang nakangiti. Pakiramdam ko ay napapansin niya rin ang kasiyahan ko ngayon.
Dinala ko siya sa kwarto para magpatulong maglabas ng mga gagamitin namin nina Sheena. Nasa ilalim ng kama ang sinasabi kong malaking tent. Nagulat na lang din ako na dinala 'yan dito ni Mommy. Siguro naisip na niyang magagamit ko ito.
I helped her carry the tent outside. Natagalan pa dahil may kabigatan iyon. Naabutan pa kami ni Manang na nagbababa ng mga unan. Hindi muna namin inilalabas at baka magabukan.
"Anong ginagawa niyo?" tanong niya at kinuha ang ibang mga dala ko.
"Naglalabas po ng gamit. My friends will sleep over. Kasama rin po ni Sheena ang pamangkin niya," I told. The smile on my face never faded.
"Ay, ganoon ba? Ay s'ya, ipaghahanda ko kayo ng mga makakain mamaya."
I nodded while smiling. Dumapo ang tingin ko sa taas ng hagdan. Talagang hindi nga lumalabas ng kwarto si Hendrix.
Speaking of... "Wait." I held Ate Vienna's hand while pointing at the pictures that was displayed. Maging si Manang ay napatingin din sa itinuturo ko.
"Bakit po?" tanong niya kaagad habang bahagya pang nakakunot ang noo. Lumapit naman si Manang sa amin.
"Alisin muna natin ang pictures ni Hendrix. My friend will freak out if she sees that." I panicked just by imagining Sheena's reaction. Kilala pa naman niya si Hendrix.
"Opo. Pero... bakit po?" nagtatakang tanong ni Ate Vienna pero sumunod pa rin naman sa sinabi ko.
"My friend still doesn't know about Hendrix. Magugulat iyon dahil mabibigla." Inilagay namin ang mga picture sa isang drawer. Itinira ko lamang ang akin.
YOU ARE READING
Unexpected Love
Teen FictionHendrix Villanueva, the only heir of the Villanueva's. He was told to marry a girl that is a complete stranger to him. As much as he wants to disobey his parents, he can't do anything because of his grandmother's condition that his parents are using...