Kabanata 05

53 7 0
                                    

Wala pa rin naman akong pasok kaya nang magising ako ay nanatili lang muna ako sa kwarto. I took a bath before I went to my study table. Binuksan ko ang laptop ko at nanood na lang muna ng c-drama. Kapag weekend at nasa bahay lamang, talagang hindi muna ako agad nalabas ng kwarto dahil ayaw kong maabutan sina Daddy sa almusal. Alam ko namang wala rito si Daddy at si Lola pero nakasanayan ko na rin, e.

Narinig kong may kumatok sa pinto ng kwarto ko. Alam ko na agad na si Manang Fe iyon dahil naaamoy ko na agad ang gatas niyang dala at tinapay. Binuksan ko ang pinto at hinayaang pumasok sa loob si Manang. Nakita kong nagwawalis si Ate Vienna rito sa taas. Ngumiti ito nang magkasalubong kami ng tingin kaya ganoon din ang ginawa ko.

"Thank you po," bulong ko at bumalik sa upuan habang inilalapag ni Manang mga dala niya.

"Hindi ka talaga nalabas ng kwarto, ano? Wala naman dito ang ama mo, hija, maglibot-libot ka," sabi sa akin ni Manang at hinaplos ang ulo ko. "O kaya naman ay gumala ka riyan sa labas, pasasamahan kita kay Vienna. Secured naman ang subdivision na ito, hija."

Ngumiti ako. "Sige po. Pero baka sa susunod na."

Tumango siya at saka pa lamang lumabas ng kwarto. Maingat niya ring isinara ang pinto dahil siguro alam na ayaw kong napapalakas ang sara no'n dahil napapapitlag ako. Matagal din kasing nagtrabaho sa amin si Manang Fe bago lumipat sa mansyon ni Lola.

Habang nag-a-almusal at nanonood ay tumunog nang ilang sunod ang cellphone ko. Nang silipin ko ang notification, username ni Shee sa Instagram ang bumungad. Tinapos ko muna ang nginunguya bago siya reply-an.

s.rhailey:

half day daw tom

any plans?

sab.alvarez:

mall tayo?

Nag-message agad ako kay Mommy upang magpaalam na aalis muna kami ni Shee bago ako umuwi rito sa bahay. Ganoon din ang message ko kay Daddy. Hindi na ako nagulat nang pumayag si Mommy pero si Daddy? Ano kaya ang nakain niya at pinayagan niya ako?

sab.alvarez:

pumayag na

Nakarinig ako ng nag-doorbell. Sakto namang ubos na ang almusal ko kaya dinala ko na 'yon at lumabas na ng kwarto. Nakasabay ko pang lumabas ang masungit na lalaki kaya napatingin din ito sa akin. Dumiretso rin agad siya sa pagbaba ng hagdan.

"May bisita ka ba?" hindi mapigilang tanong ko kay Hendrix nang magkasabay kami ng pasok sa kusina. Nilingon niya lamang ako at hindi nagsalita.

Inilagay ko sa lababo ang mga dala. Wala akong inaasahang bisita ngayon kaya si Hendrix nga siguro talaga ang sadya. Maglalakad pa lamang ako pabalik sa taas nang pumasok si Ate Vienna sa kusina. Napatigil din si Hendrix dahil sa kaniya ito nagtungo.

"Galing daw po sa parents mo, Sir," magalang na sabi Ate Vienna. May hawak siyang kahon ngayon, hindi iyon ganoon kalaki kaya na-curious ako sa kung anong laman.

Nanatili ang tingin ko sa kahon hanggang sa makuha na iyon ni Hendrix sa kamay ni Ate Vienna. Nagpaalam naman agad na umalis iyong isa.

"What the hell is this?" naiiritang bulong ni Hendrix. Binubuksan niya na ngayon ang kahon at may kinuha pang envelop sa loob noon. Sa loob ng envelope, may kinuha siyang card na may nakasulat.

I remained leaning on the shelf with crossed arms. Nakita ko agad ang pagsasalubong ng kilay niya at kasunod na pag-irap.

Galit na naman siya.

Unexpected LoveWhere stories live. Discover now