Simula

184 11 0
                                    

"What are your plans after senior high?"

It was my father who spoke. Ang kaninang sadyang tahimik na hapag-kainan ay parang mas lalo pang natahimik. Pinigilan ko ang sarili na bumuntonghininga at baka ma-disrespect ko siya. Palagi na lamang ganito. Wala na ata akong naging matinong dinner na sila ang kasabay.

Tumingin muna ako kay Mommy bago sumagot. "I'm still undecided on which course—"

"You already know what I want you to take, right?" he cut me off. 

Mariin kong naitikom ang aking bibig. Pilit na lamang akong napatango at hindi na sumagot pa. Siya naman palagi ang masusunod kaya hindi ko ma-gets kung bakit kailangan niya pa akong tanungin tungkol sa mga bagay na ganoon. Nagkakaroon pa tuloy ako ng hope na baka sakaling kahit isang beses man lang ay bibigyan niya ako ng pagkakataon na magdesisyon para sa sarili ko.

"I want you to meet someone tomorrow." Umangat muli ang tingin ko sa kaniya. "Anak siya ng kaibigan ko," makahulugang dagdag niya sa sinabi.

Kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang sarili kong umalma. Ayaw kong mapagalitan niya na naman kaya hindi ako makakontra.

"Bukas? May pasok siya bukas," si Mommy ang nagsalita para sa akin. Napatitig ako sa kaniya nang saglit. Ngayon ko lang kasi siya narinig na pumigil kay Daddy.

Nakita ko ang bahagyang pag-angat ng parehong kilay ni Daddy dahil parang nahihimigan din ang pagtutol sa boses ni Mommy. "Bukas lang puwede ang anak ni Hender dahil magiging busy na iyon sa mga susunod na linggo," mariing aniya.

Tumango na lamang ako. Hindi rin naman ako mananalo sa kaniya. Kahit naman anong pilit ko na umayaw sa gusto niya ay wala pa ring mangyayari dahil talo pa rin ako, susunod at susunod pa rin ako sa kaniya. Wala akong magagawa. Siya ang nagpapaaral sa akin. Siya ang nagpapakain. Siya ang bumibili ng mga pangangailangan ko.

Parang isang malaking utang na loob ko ang mga iyon sa kaniya kahit na hindi ko naman ginustong mabuhay sa mundong 'to.

Nag-aayos na ako ng higaan dahil handa nang matulog noong makarinig ako ng katok sa pinto ng kwarto ko. Pinagbuksan ko naman iyon agad. Si Mommy ang bumungad.

"Hi." May hawak siyang gatas at ibinaba niya iyon sa side table ko nang makapasok na sa loob.

"Bakit po?" mahina ang boses na tanong ko habang nagsasara ng pinto.

"Are you okay?" tanong niya at tumango naman ako habang nakangiti.

Umupo ako sa kama at tinitigan siya. Nakuha ko ang maliit ngunit matangos kong ilong sa kaniya. Sa kaniya ko rin ata nakuha ang heart-shaped na labi ko. Ang namana ko lang kay Daddy ay ang mga mata niya na nakakatakot tumingin kapag nagagalit.

There was a moment of silence between us until I decided to ask her, "Mommy, bakit mo minahal si Daddy?"

I was really curious about that kahit noon pa man dahil sigurado naman akong hindi iyon dahil sa pera o sa yaman ng pamilya ni Daddy. May kaya naman kasi ang pamilya nina Mommy. May sarili nga siyang restaurant, e.

Kung ako naman ang tatanungin ay walang kamahal-mahal sa Daddy ko. Gusto niyang palaging perfect ang lahat. Ayaw niya ng palpak sa pag-aaral. Kailangan kong mag-aral ng mabuti at mapanatili ang matataas na grade ko kung ayaw kong makatanggap ng masasakit na salita o sampal mula sa kaniya.

Nagkibit-balikat si Mommy sa akin habang nakangiti, halata ang pagmamahal sa mga mata niya. Mukhang mahal na mahal niya talaga ang asawa kahit na ganoon ang ugali nito. Iniisip ko tuloy kung ganoon din ba ang ugali niya noong wala pa ako sa buhay nila.

Unexpected LoveWhere stories live. Discover now