❗TAGALOG AU❗
Word count : 2.4k
---Hindi niyo naman inaasahan na ang masayang reunion niyo ay may kaakibat na masamang pangyayari.
Inaakala ng lahat na kapag reunion, masaya lang. Hanggang matapos man ang araw.
Pero kasabay ng masayang alaala na inyong magagawa, ay ang alaalang hindi na mawawala sa isip ng bawat isa.
---
"Aatend kayo s Reunion?" Tanong ni Seokmin
"Huh? Reunion? Wala kong alam diyan." Saad ni Seungkwan
"Oo nga Seomin, wala pang nababanggit yung mga kaklase natin samin." Sabi ni Vernon
"Uh, Seungkwan, Seokmin at Vernon, pinapasabi ng President nung klase natin na may gaganaping reunion next week." Sabi ni Danica. Kaklase nilang babae.
"Oy eto na yung sinasabi mo Seoks" Sabi ni Vernon
"Ah. Nabanggit na pala niya sa inyo. Sinabi ko na kasi sa kanya yan nung isang araw, pero hindi pa naman sure yon. Pero ngayon sure na. Nasabihan na din yung mga ka-batch natin sa ibang school nung high school. Sige, mauna nako." Pagpapaalam ni Danica.
"Hays. Iba talaga kapag may Jowa kang class officer no? Nalalaman mo yung mga ganap ng mas maaga." Saad ni Vernon
"Bat 'di mo ligawan si Dianne? Class officer yun ah. Saka wag ka kasing torpe. Yan, ikaw nalang walang Jowa sating tatlo." Natatawang sabi ni Seungkwan
"Sumbong kita kay Charise. Inaasar moko." Sabi ni Vernon sabay tayo papunta sa girlfriend ni Seungkwan
"Uy eto naman Joke lang! Jojombagin ako ni Charise nan eh." Sabi naman ni Seungkwan habang hawak hawak ang kamay ni Vernon.
"Pag ako nagkajowa who you kayong dalawa lalo kana Seungkwan" Sabi ni Vernon saaka sumalampak sa upuan.
Silang tatlong magkakaibigan simula nung grade school sila. Or pre school palang to be exact. Kahit yung isa magkaiba ng section sa dalawa, ay ganun padin yung samahan nila.
Parang magkakapatid na nga ang turingan netong mga ito.
Nagsimula silang maging matured nung sinabi ni Seokmin na may gusto siya kay Danica. Yung class officer secretary to be exact sa klase nila. As in, naging matured na sumeryoso sila sa mga bagay na tinatanong ni Seokmin.
Kadalasan kasi kapag nagsasabi si Seokmin ng mga bagay-bagay, puro biro. Pero nung sinabi niyang may nagugustuhan na siya, kasabay ng seryosong mukha at boses, napagtanto nila Seungkwan at Vernon na hindi siya nagkikipagbiruan.
Sa kanilang barkada, siya din ang unang nagkajowa. Niligawan niya si Charise nung last year nila ng high school. Tapos going strong padin hanggang ngayon na 4th year college na sila. Graduating na.
Nagkayayaan naman ang mga ka batch nila nung high school para sa reunion. Matagal ding hindi nagkita kita ang ilan sa kanila.
Merong nasa ibang school, ibang bayan, or sa ibang bansa para i-pursue yung degree na gusto nilang kunin ngayong nasa huling stage na sila ng pag aaral. Ang pagiging college.
"Graduating na tayo soon. Ambilis ng araw. Parang kailan lang no." Sabi ni Seungkwan.
"Oo nga, naalala ko hinahatid pa ko ni mama sa kinder dati. Tapos ayaw ko pa siyang paalisin. Pero ngayon halos ayaw ko na siyang pumunta dito sa school." Natatawang sabi ni Vernon.
"Hoping na maging successful tayo after nito. Biruin mo, antagal din nating nag-aral." Sabi ni Seokmin.
"Ang hirap nga mag aral. Buti nalang at mabilis ang panahon. Magtatapos na tayo." Sabi ni Vernon
YOU ARE READING
SEVENTEEN ONESHOTS
RandomThe name SEVENTEEN (세븐틴) signifies the 13 member with 3 units that came together as one. Belittling the title self-made idols, the three unit that came together as one group proactively take part in album creations to solidify their in the world of...