❗TAGALOG AU❗
Word count : 1.7k
ーーー
Different kinds of love. O sa tagalog, magkakaibang uri ng pag-ibig.
Pero may uri nga ba ang pag-ibig?
Sa pag ibig, kailangan nating magparaya. Its either because of his/her dreams, or move on from the fact, both of you are not destined with each other.
Meron din kailangan mag move on dahil may umaalis, at hindi na kailan man babalik.
Pero sa huli, ang kanilang pagkakaibigan ang mangingibabaw sa lahat. Hanggang sa huli nga diba?
---
"Beshy, dumating na yung sulat galing sa Carat University. Naalala mo yung pinadalhan ko ng scholarship application? Sana matanggap ako." Sabi ni Lea saka binuksan yung locker niya. Kinuha niya ang maliit na envelop saka pinakita sa dalawa niyang kaibigan.
"Bashin mo ng malakas ha? Gusto din namin marinig." Sabi ni Yeli.
Pinunit ni Lea ang itaas na bahagi nung envelop saka kinuha ang nakatuping papel na nakapaloob dito. Gaya ng sinabi ni Yeli, binasa ni Lea ang sulat sapat para marinig nilang tatlo.
"Dear Lea,
On the behalf of Carat international university scholarship comittee, We are writing to inform you that we had reviewed you scholarship application and granted you a full scholarship for the school year 20xx-20xx
Please contact us as soon as possible to schedule an appointment to complete the necessary paperwork..
Congratulations!!!
Sincerely yours,
ー C.I.U Scholarship Comittee""OMG LEA!!! SCHOLAR KANA SA CARAT UNIVERSITY!!!"sigaw ni Jena. Bestfriend ni Lea.
"Hoi gurl, hindi ko inexpect na matatanggap ako don, OMG!" Sagot naman ni Lea.
"Bessss! Congraaatssss!!!" Sigaw naman ni Yeli. Sabay takbo kay Lea saka siya niyakap.
"Congratulations Lea!" Sabat ng isa nilang kaklase. Mukhang narinig ata ang sigawan ni Yeli at Jena.
"Salamat Woozi!" Pagpapasalamat ni Lea kay Woozi. Nginitian siya neto bago umalis.
"Inferness ha, congratulations daw sabi ng bebe mo oh." Sabi ni Jena kay Lea. Nabatukan naman siya neto ng de oras.
"Ano ba, tumigil ka nga baka marinig ka nung tao!" Saway ni Lea.
---
"Tol, ligawan mo na si Lea bago pa siyang makapunta sa america." Sabi ni Hoshi. Kaibigan ni Woozi.
"Tanga kaba? Shempre hindi sasagutin ni Lea si Woozi kasi nga pipiliin niya yung scholarship niya sa ibang bansa." Sabat naman ni Wonwoo
"Oo tama si Wonwoo, Hoshi sigurado din akong mas pipiliin ni Lea ang mag aral muna bago ang lovelife. Kahit ako naman uunahin ko ang pangarap ko eh." Sabi naman ni Junhui.
"Hindi. Okay lang. Hindi ko muna liligawan si Lea. Mas mabuti nang maabot niya muna yung pangarap niya bago ako. Makakapaghintay naman ako eh." Sabi ni Woozi na siyang ikinatingin nilang tatlo.
YOU ARE READING
SEVENTEEN ONESHOTS
De TodoThe name SEVENTEEN (세븐틴) signifies the 13 member with 3 units that came together as one. Belittling the title self-made idols, the three unit that came together as one group proactively take part in album creations to solidify their in the world of...