Prologue ✅

91 5 0
                                    


[Thirteen years old Hershley]

"Hoy! Tawagin niyo si Vince dali!" Sigaw nang kaklase kung babae.

Napahawak ako sa aking puson habang namimilipit sa sakit.
Si Jelly ay tarantang taranta na.

"Ano ba kasing nangyari sayo? May nakain kaba?" Nag aalalang tanong niya.

Umiling ako " Wala, wala naman akong nakain na masama eh."

Nandito kami sa loob nang cr.
Dahil bigla nalang sumakit ang aking puson at hindi ko alam kung bakit.

"Asan na ba si Vince! Tawagin niyo nga yon siya lang makakatulong kay Hershley! Baka alam niya kung bakit nangyayari to sa kaibigan niya! "Sigaw niya sa iba kung kaklase.

" Parating na daw! Nako wala pa naman yung nurse sa clinic! "

" Hershley tawagan mo nalang kaya yung mama mo," sabi ni Jenny habang hinihimas ang aking likod.

" Wala sina mama ngayon sa bahay, kina Vince nga lang ako matutulog mamaya," sagot ko, habang nakapikit dahil sa sakit na nararamdaman, ano ba talagang nangyayari sakin?

"Nasaan si Hershley? "Rinig kung sabi ni Vince sa labas.

"Nandoon sa loob!"
Kumalabog ang pinto nang cr.

Naramdaman ko agad ang yakap niya, "Say? Anong nangyari sayo? Saan ang masakit? Sabihin mo sakin..." Tinignan niya akong nang may alalang mukha.
Humilig ako sa kanyang dibdib "Masakit yung puson ko... Hindi ko alam kung bakit."

"Jelly, bumalik na kayo sa room niyo ako na bahala kay Saysay,"sabi niya kay Jelly.

" Sigurado kayo?"

" Oo ako na bahala rito, sige na baka malate pa kayo,"
Nang maka alis sila Jelly ay binuhat ako ni Vince at pina upo sa sink.

Hinawakan niya ang aking mukha, nakita kung ang pag aalala niya," Hindi naman sumasakit ang puson mo dati ah? Sabihin mo nga sakin ano pang nararamdaman mo," usisa pa niya.

Pinagsiklop niya ang aming kamay at pinisil pisil .

"Mabigat ang pakiramdam ko tapos sumasakit ang aking puson- aray teka!" Sigaw ko at agad bumaba sa sink at pumasok sa isa sa cubicle.
Ni lock ko iyon.
Katok nang katok naman si Vince sa labas.

"Say? Buksan mo ito! Ano bang nangyayari sayo diyan?"

Napahawak ako sa dingding at napapikit.

Itinaas ko ang aking palda at hinubad ang aking underwear.

Halos nanlamig ako nang may nakita akong pulang dugo!

"Vinceee!!!" Sigaw ko.
Tumulo ang aking luha. Dali dali kung isinuot ulit ang aking underwear at binuksan ang pinto.

Agad kung niyakap si Vince at napahagulhol.

"Vince! May nakita akong dugo!"

Sumbong ko. Bakit ba may dugo yon?

Humiwalay siya sa pagkakayakap ko at hinawakan ako sa magkabilang balikat.

" Huh? Asan? Bakit may dugo?" Tarantang tanong niya.

Umiiling iling ako at napatalon talon "Vince! Bakit may dugo! Ano nangyari sakin?"

Umiiyak kung saad.

Niyogyog niya ako " Asan nga ang dugo? Ano bang ginawa mo doon sa loob? Naglaslas ka ba- aray!"

Hinampas ko saya sa dibdib " Yung underwear ko! May dugo yung underwear ko! Ano nangyayari sakin Vince? May sakit ba ako?"

My Bestfriend's Obsession (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon