"Happy Birthday, Say."nakangiting bati niya, niyakap ko siya nang mahigpit at hinalikan sa pisngi .
"Happy Birthday sa ating dalawa"
Saad ko, humiga kami sa aking kama at nagtitigan.We are now twenty one.
"Wag kang mag bago ha?"
Sabi ko, tumango siya at nag pinky swear kaming dalawa." Promise hindi ako magbabago at hindi rin kita iiwan."
We promised...
Napangite nalang ako nang maalala ko yung nangyari kagabi, inabangan niya talaga ang 12 am at binati niya ako, kahit gusto ko nang matulog ay inaliw niya parin ako para hindi ako maka idlip.
Pag sapit nang ala una ay bumalik na siya sa kanila, ako naman ay tinuloy ang pagsketch dahil hindi ko na magawa yon pag dating kinabukasan.Nakatulog ako ay mga three na ata tapos ginising pa ako ni Shean nang alas sais, kaya mabigat ang aking mata.
Hinanap niya daw ang susi nang kwarto ko para siya daw ang una makabati sa akin.
But si Vince ang nauna." Happy Birthday, ate, ito po ang regalo ko." sabi nang aking kapatid at binigay sa akin ang dala niyang box.
Agad ko iyong tinanggap "Thank you Shean... Kiss mo nga si ate."
Agad naman niya akong hinalikan sa pisnge."Welcome, ate, I love you. Atsaka po may regalo rin po ako para kay kuya Vince
"Niyakap ko ang aking kapatid " ow, ang sweet ng baby namin, sige na, bumaba na tayo para maka-alis na tayo papuntang Siargao."
We decided to go in Siargao Island kasi hindi pa kami nakakapunta doon, gagamitin namin ang helicopter ni papa kaya hindi na problema ang byahe. Wala rin namang problema ang panahon kaya tuloy na tuloy ang outing namin.
"Oh my gosh! Hershleybebe!! Happy Birthday, mamaya na ang regalo ko sayo ha?"
Sabi ni Tita Cheska nang makababa ako sa hagdan.Nagyakapan kami at nagbeso,"Salamat po."
"Anak ,Happy Birthday nako dalagang dalaga na talaga ang anak ko." natawa nalang ako sa sinabi ni mama.
Agad ko siyang niyakap " Thanks ,ma.I love you po."
Lumapit sa amin si papa at nakisali sa yakapan namin.
" Pero dapat wala pa munang boyfriend boyfriend hanggat hindi pa nakakapagtapos."
Napanguso naman ako sa sinabi ni Papa" Opo pa." Wala akong tutol don, ayoko rin naman mag boyfriend pa.
" Happy Birthday anak, mahal na mahal kita."
Hinalikan ko silang dalawa ni mama" Salamat po sa inyo."
Sumunod namang bumati sa akin ang kapatid kung si Clenton, nakangisi naman ito sakin hindi ko talaga alam kung bakit ang hilig hilig niyang ngumisi.
"Tigilan mo ako Clenton, birthday ko ngayon kaya maging mabait ka sakin." nakataas kilay kung sabi.
He rolled his eyes bago tumango " tskk... Oo na."Agad ko siyang niyakap at hinalikan sa pisngi agad naman niyang pinahiran ang parte na hinalikan ko.
"Yuckss ate kadiri ka! Yung girlfriend ko lang pwedeng humalik sakin-
"Tumigil ka baga ipagkalat ko na tumae ka sa palanggana dati-
"Ate naman! Dati pa yon bata pa ako non!"
Nagdabogdabog naman siyang umalis sa aking harapan, natawa nalang ako." Ateeeeee!! Happy Birthday!!"
Napalingon ako sa aking likuran nang biglang may sumigaw, sina Vlad at Marian.Sabay silang yumakap sa akin "Thank you guys..."
Nakasunod sa kanilang likuran si Tito Rayzher at Vince, unang lumapit sa akin si Tito at bumati.
Sunod naman si Vince, agad ko siyang niyakap.
BINABASA MO ANG
My Bestfriend's Obsession (UNDER REVISION)
Romance=Book 2= ----------------------------------------- He's my Bestfriend. I treat him like he's my real brother. But who would expect that I'll be his Obsession. ----------------------------------------- Contains Matured Content!!!