Chapter Two ✅

48 4 0
                                    

By the way, guys. Pag may "✅" ganito, ibig sabihin po niya tapos napong ma revise yan...

*
Kanina pa ako katok ng katok dito sa pinto nang kwarto ni Vince pero hindi parin niya binubuksan.

"Hoy! Lumabas kana diyan! Pagtayo malate lagot ka talaga sakin?!" Sigaw ko.
Kulang nalang gibain ko na itong pintuan niya.
Napakahinhin talaga nang lalaking to.
Mabatokan nga to mamaya.

Napatingin ako sa pinto ni Marian, palabas na siya.

Naka uniform narin. "Marian buhay pa ba tong kuya mo sa loob hindi na ata humihinga eh,"
Sinadya ko pang lakasan ang pagkakasabi ko para marinig niya sa loob.

Tuluyang lumabas si Marian at nakipag beso sakin.
"Morning ate, nako baka may ginagawa pa yan diyan. Knowing mga boys ano pa bang ginagawa nila pag umaga-"

" Bunganga mong babae ka! Isumbong kita kay mama," putol ni Vince.
Bigla nalang niyang buksan ang pinto ng kanyang kwarto.
He's wearing his uniform at basa ang buhok, sigurado akong hindi pa nagsusuklay.

"Ewan ko sayo kuya! Totoo naman ang sinasabi ko!" Laban ni Marian sabay irap sa kapatid at umalis sa harapan namin.

I crossed my arms and looked at him from head to toe.

"Malamig ba tubig niyo? Bakit ang tagal mo diyan! Kanina pa ako katok nang katok rito," reklamo ko sa kanya.

Ngumisi siya at inakbayan ako " Sorry na, may ginawa lang... Next time pagbubuksan na kita agad." sabi niya at hinalikan ako sa noo. " Morning..."

Pinanliitan ko siya ng mata " Oy! Anong ginagawa mo? " Tudyo ko sa kanya at kinurot ang kanyang tagiliran.

Tumawa ako nang kumunot ang kanyang noo "Ang dumi na nang isip mo ah? Sino nag turo niyan sayo?"

Nanlaki ang mata ko at binatukan siya," Anong pinagsasabi mo? Halika na nga baka malate pa tayo! "
Hinila ko siya pababa ng hagdan.
Nang makarating kami sa baba ay tinawag kami ni tita Cheska para daw mag almusal.
Umayaw na ako dahil tapos naman akong kumain sa bahay.

Pagkatapos nilang kumain ay una na kaming umalis ni Vince, si Tito Rayzher kasi ang maghahatid sa dalawang kapatid niya.

"Sama ka sakin mamaya ha?"
Napatingin ako sa kanya at kinunutan siya nang noo.

" Saan naman tayo pupunta?"

"Basta"

-

Buong araw ay sobrang boring na boring ako, dumagdag pa itong si Kellie na puro Jason yung lumalabas sa bibig.

Bukas ay sabado, birthday na namin ni Vince.
Twenty one na kami, masaya kasi kahit minsan lagi niya akong iniinis, but napakasweet, caring, and thoughtful niyan, siguro napaka-swerte nang magiging girlfriend niya.

For almost twenty years he never leave me, he's always be there for me.
Kung may problema ako siya lagi ang una kong sinasabihan, he's a good friend of mine.
Minsan nga wini-wish ko na sana naging kapatid ko nalang siya.

Wala eh hanggang kaibigan lang kami, hindi tinadhanang maging kapatid ko siya.

Debut na niya bukas iniisip ko pa nga kung anong ibigay kung regalo sa kanya, last year I give him a ticket. Ticket for the concert para sa kanyang favorite idols, kaming dalawa ang nanood noon hinding hindi ko makakalimutan ang pangyayaring yon, hindi ko talaga alam ang ibibigay sa kanya but then naisip why not ticket ang ibigay ko lalo na at mag co-concert ang favorite idols niya after the party namin.
I can see his face, sobrang enjoy na enjoy siya non, sobrang lapad nang ngiti niya.

My Bestfriend's Obsession (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon