Chapter 1

3.9K 76 13
                                    

"Andra!"

Napalingon ako kay Mommy.

"Mom?"

"Ikaw ba ang pumatay kay Congressman Sorrano?"diin na tanong ni Mommy.

"Mom, nasa simbahan kaya ako."kampanteng sagot ko.

"Really? Mag-ingat ka Andra."aniya ni Mommy Zia at tumalikod na ito.

Alam ko na alam ni Mommy na hindi talaga ako nagmamadre.Baliwala naman sa kaniya.Si Daddy lang talaga ang may gusto nito.Graduate na ako ng military at ayun na nga, pumasok ako sa pagiging madre dahil iyon ang gusto ni Daddy Kiel ko.

Napabuntong hininga ako.

Sumakay na ako sa aking kotse at pumunta sa condo ni Gertrude.Doon na rin sila L.A at Beatrice, ako na lang hinihintay nila.Si Hera naman nasa US, doon niya tinapos ang kan'yang military course.

Pagdating sa condo ni Gertrude naabutan ko si L.A at Beatrice na naglalaro ng chess.

"Hey."bati ko sa kanila.

Nakangisi lang silang dalawa sa akin.

"Si Gertrude?"tanong ko sa dalawa.

"Sa shower siya.Pupunta daw tayo sa Casa bar."saad ni L.A.

Pabagsak ako umupo sa sofa.

"Anong balita sa misyon mo kagabi?"tanong ni Beatrice sa akin.

"He's dead.Alam naman ni Mommy."maiksing saad ko.

"Hallelujah! Tara na!"nakangising saad ni Gertrude.

"Sayang wala si HJ."ani L.A na tumatawa.HJ ang tawag ni kay Hera.

"Graduating na ngayong taon iyon."sagot ni Gertrude.

"Anong gagawin natin sa Casa bar?"tanong ko sa kanila.

"Nabalitaan ko kay kuya Gavin may bidding na magaganap.Kasali ang aking mahal."nakangising saad ni Gertrude sa amin.

Napangisi naman ako.Ibig sabihin, nandoon din si Quatro.Matalik na magkaibigan si Damien Monteverde at si Mayor Quiro "Quatro" Coloner.

Ang kotse ko na ang ginamit namin papunta sa kilalang club.

"You don't need to join sa bidding Gertrude, you can get him an easy way."nakangising saad ni L.A.

"I know pero gusto ko lagyan ng magandang kulay ang buhay ng aking mahal."

Napangibit naman ako sa sagot ni Gertrude.

Pagdating namin sa Casa bar, sa amin halos ang tingin.Why not.Halos magkasing-tangkad kaming apat pati na rin si Hera.Sa mukha, hindi rin kami magpapatalo.Every men wanted to bring us in bed.

"Mag-uumpisa na yata ang bid."ani ni L.A.

Umupo kami sa gitna na may malaking mesa.

Tumayo ako at nilapitan si Mayor Quatro.

Nakatingin ito sa akin.Umupo ako sa tabi niya.

"Gummybear."malambing na tawag ko sa kan'ya.

Tamad lang ako nito tiningnan.

Pasimple kong hinawakan ang kaniyang kamay.

"Ikakasal ka na pala.Ayaw mo ba sa akin?"tanong ko sa kan'ya.

Humarap ito sa akin.

"Kuntento na ako sa fiancee ko.Stop flirting with me, okay?"seryosong saad nito.

Napangibit naman ako.

Sa edad kong bente siyete, wala pa talaga akong nakarelasyon.Ilang taon ang ginugol ko sa pag-eensayo sa Underground.Nag-aral pa ako ng military.Then si Daddy naman, ipinasok ako sa kumbento.

The Good DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon