Chapter 8

761 26 4
                                    

Bumalik muna ulit ako sa aking condo para magbihis at pinalitan ng benda ng aking sugat sa tagiliran. Pupunta ako sa simbahan, kailangan ko magpaalam ng maayos kay Father at sa mga madre.

After ko nagbihis, umalis agad ako. Pagdating ko sa simbahan nakasalubong ko si Danrey.

Nagtataka ito sa aking suot. Nakapantalon ako at naka t-shirt.

"Andra? Bakit gan'yan ang suot mo?" aniya ni Danrey sa akin.

"Hindi ba bagay ang suot ko?" saad ko rito at nilapitan ito. "Virgin ka pa?"

"Tumigil ka Andra! Respect me, okay?"

Tinaasan ko lang ito ng kilay.

"Suplado mo talaga. Kapag nakatikim ka ng muningning, baka mang-aayaw ka na sa pagpapari."

Napahilot ito ng sentido niya. Napangisi akong tumalikod rito. Pumunta ako kay Father JC.

"Magandang tanghali, Father."

"Andra."

Umupo ako sa kan'yang harapan. "Humihingi po ako ng pasensiya, alam kong napakabuti ninyong lahat dito sa simbahan. Pero gusto ko lang po magpakatotoo. Hindi po ako sincere na magmamadre. Ang Daddy at ang Grandparents ko lang po ang may gusto nito. Isa po akong sundalo sa United States."

Ngumiti naman si Father JC.

"Alam ko naman na hindi mo ito gusto. Una, lagi kang wala sa simbahan, then lagi ka lumalabas sa gabi. Pangalawa, ni hindi ka marunong magdasal. Sa dami-dami na ng mga prayers natin dito ginagawa sa araw-araw, wala kang nasaulo. Next, nakita kita minsan na duguan."

Napabuntong hininga naman ako sa sinabi ni Father JC.

"Who are you, Andra? Ano ka ba talaga? Nakita kita naglagay ng maraming pera sa donation box, hindi na ako umimik doon. Though I know na mayaman ang pamilya mo. One time nakita kita you wore a black suit, ang dami mong baril. Alam mong bawal yan dito sa simbahan, because our church is sacred."

Napakagat-labi naman ako. Nakaramdam ako ng hiya kay Father JC.

"Nakita ka ni Sister Angel na duguan, may kinuha ka lang sa silid mo at umalis agad. There's so many questions in my mind. Kung kriminal ba ang kasama namin dito sa loob ng kumbento."

Tumingin ako ng diretso kay Father. Tumayo ako at pumasok sa isang maliit na silid kung saan ito ay kumpisalan.

"Father JC. Alam ko po na maraming katanungan sa utak niyong lahat kung ano ang tunay kong pagkatao. Isa po akong hired killer, isang hitwoman, isang Assassin at Sundalo. Marami na akong pinatay. Maraming buhay ang kinitil ko dahil sa pera, dahil sa kapangyarihan. Isa rin po akong protektor ng mga drug lord. May mga illegal akong negosyo, naging bahagi rin ako ng mga nagbibinta ng droga."

Hindi ko napigilang lumuha.

"Hindi po ako isang mabuting anak. Pero ang pamilya ko, lalo na ang Grandparents ko. Lagi nila sinasabi na, I'm the good daughter. Kaya nagpanggap ako na inosente sa paningin nila."

Narinig kong huminga ng malalim si Father JC.

"Marami pang oras para magbago ka, Anak. Bukas ang pintuan sa mga taong katulad mo na nagkasala. Huwag mo pairalin ang masamang gawain na nakakasira ng buhay mo, na puwede rin ikapahamak ng buong pamilya mo."

Napayuko ako at pinunasan ang mga luha ko.

"Sana balang-araw magkita tayo, may masayang pamilya ka na. Masaya at tahimik na buhay. Ipagdarasal kita lagi, Andra. Mag-ingat ka."

"Salamat po." tumayo na ako at lumabas na sa maliit na silid. Hindi na ako nakapag-paalam sa mga Madre dahil nagdadasal na naman ang mga ito.

Pagkalabas ko sa simbahan. Parang ang gaan ng pakiramdam ko.

The Good DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon