Chapter 5

855 31 2
                                    

"Akala ko ba hindi ka nagkaroon ng karelasyon?" Nakangising tanong sa akin ni L.A.

"Yes, hindi naman talaga." aniya ko sa kaniya.

"Really? How about Jin Fajardo?"

Humarap ako kay L.A.

"Kilala mo ako L.A, hindi ko itinuring na boyfriend si Jin, dumikit lang ako sa kaniya dahil malakas ang connection niya sa Black Market which is kailangan ko sa aking mission that time."

"Pero minahal ka ng gagong iyon." Natatawang saad ni L.A.

Huminga naman ako ng malalim.

Tama si L.A. Minahal ako ni Jin noon. Pero nakipaghiwalay ako sa kaniya, at nagalit pa ito sa akin. Nakalipas ang taon at bumalik ako sa Pilipinas, naging protector niya sina L.A at Beatrice. Kahapon lang kami ulit nagkita, alam kong may nararamdaman pa rin siya sa akin, at iyon ang gagamitin ko ulit para sa bagong mission ko.

Malaki ang maiitulong ni Jin sa akin. Marami itong connection na mga negosyo.

"Paano kung malaman ni Fajardo na gagamitin mo ulit siya, malaking gulo ito, of course baka mahulog na naman ang loob niya sa iyo."

Nagkibit-balikat lang ako.

Iniiwasan ko na mahulog ang loob ko sa mga lalaki lalo na kay Quatro.But I know malaki ang puwang sa puso ko si Gummybear ko.

Tumayo na ako at nagpaalam kay L.A. Nandito kasi kami sa Casa bar. Mag-alas diyes na ng gabi. Kinuha ang  mga drugs na sample. Pinaimbistigahan ko kay L.A ang drugs na Happy reaper. May ibinigay ito sa akin na tablet, liquid, at powder.

"Hindi ka pa ba uuwi?" tanong ko rito.

"Mamaya na." maiksing sagot ni L.A sa akin.

"Okay." Agad na akong tumalikod at lumabas na.

Medyo may tama na rin ako ng alak. Kanina pa ng alas-sais ni L.A nag-iinuman. Ayaw sumama ni HJ may regla daw ito, si Beatrice naman kasama si Kuya Phoenix.Si Gertrude, still nasa US pa rin.

Palabas na ako sa pinto nang may nakabangga ako.

"Look out!" aniya nito.

Nakangising tumingin ako rito.Nangunot ang noo ko nang nagkasalubong ang mga mata namin.Ang asul niyang mga mata, ang mukha niya, ang sobrang tangos niyang ilong.Bumaba ang tingin ko sa kamay niya na nakahawak sa aking braso.

Fuck! Ang tattoo.

"May dumi ba ako sa mukha?" seryosong tanong nito.

"No. By the way, ang guwapo mo."

"Thanks lady. Here's my card, if you want to be my bed warmer, just call me." aniya nito at tumalikod na.

Bumalik na siya. Kailangan malaman ito ni Mommy. Nandito na si Tres. Sinundan ko ito ng tingin, saka ko na sasabihin sa mga kaibigan ko na bumalik na si Tres Coloner.

Sumakay na ako sa aking kotse. Sa halip sa aking condo uuwi, sa condo ni Mayor Quatro ako pumunta.

Ilang araw na hindi ako nagpakita rito. Pagdating sa condominium building agad na ako dumiretso sa elevator.

Pagdating sa unit ni Quatro, binuksan ko na ang pinto. Alam ko naman ang password.

Pagkabukas ko sa pinto, bumungad agad sa akin ang halinghing ng dalawang tao.

Dahan-dahan akong naglalakad at binuksan ko ang ilaw.

"Shit!"

Nakita ko si Gummybear at ang fiancee nito na nagsesex.

The Good DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon