Chapter 7

641 18 1
                                    

Tumatakbo ako ng mabilis. Kailangan matakasan ko ang humahabol sa akin. Pero hindi ko namalayan na bangin na pala ang nahakbangan ko. Pagulong-gulong ako sa bangin. Agad ako kumapit sa isang ugat ng kahoy.

"Ahhhh!" namimilipit ako sa sobrang sakit ng aking katawan.

"Fuck! Daphne!"

Napabalikwas naman ako ng pagbangon.

"Ouch!" naramdaman ko ang sakit sa aking tagiliran.

"Ang manyaka mo talaga!" galit saad ni Athan sa akin.

Napangibit naman ako.

"Inaano ba kita." mahinang saad ko rito.

"Really? Hinawakan mo lang naman ang junior ko!"

Napataas naman ang aking kilay.

"Nanaginip kasi ako na nahulog sa bangin, malay ko ba na iyon ang nahawakan ko. Akala ko kasi ugat."

Masama niya akong tiningnan.

Napangisi naman ako.

"Infairness ha..malaki pala ang ugat na nahawakan ko."

"Natamaan ka na nga ng bala at nakatulog ng ilang araw, mas lalo pang lumala yata ang utak mo!"

Humalakhak naman ako.

"Ahhm..ouch!" punyeta! Ang sakit ng tagiliran ko.

"Ilang days akong walang malay?" tanong ko kay Athan.

"Two days. Si Tito Jaime ang tinawagan ko upang gamutin ka. As usual bawal ka dalhin sa ospital dahil i-imbestigahan ka ng mga awtoridad."

"Salamat babe," aniya ko rito.

"Ano ba ang nangyari?" seryosong tanong sa akin ni Athan. Si Nathan Montefalco ay anak ni Tita Belle Mondragon Montefalco at Tito Matt Gabby Montefalco. Naging kaibigan ko ito simula high school hanggang lumipat ako sa US, still may communication pa rin kami. Sobrang close naming dalawa. Naging bestfriend ko na ito.

"Natunton nila ang rest house ko. Pero hindi ko pa alam kung sino ang mga iyon. Kailangan malaman ko kung sino ang mga grupo na sumugod sa bahay ko."

"Lagi ka na lang nasa gulo. Paano kung sa susunod, matutuluyan ka na." galit na saad sa akin ni Athan.

"Grabe ka naman. Hindi pa nga naisagad ni Gummy Bear iyong ano niya, titikim pa ako ulit kaya huwag muna sana matigok agad-agad."

"Daphne! Kailan ka ba makausap ng matino?"

Napatawa naman ako.

"Kailangan ko na umalis Athan, kailangan ko makausap si Mommy."
Akala ko sa likod ako may tama. Pero mas okay nga sa tagiliran kay'sa sa likod. Baka iyon pa ang ikamatay ko.

Dahan-dahan akong tumayo at isinuot ang jacket ko. Iba na ang aking suot-suot na damit.

"Sino nagpalit sa akin?" tanong ko kay Athan.

"Si Yaya, pinapunta ko dito."

"Ay, akala ko ikaw. Hindi mo tuloy nakita ang ano ko."

"Umuwi ka na, kung uuwi ka! Utang na loob, Daphne."

Mahina naman akong napatawa.

Babaero at Fuckboy si Nathan, pero tiklop pagdating sa akin. Hindi ko alam kung anong trip niya na magpanggap na isang mahirap at isang mekaniko.

"Bye babe." hinalikan ko ito sa pisngi. "Iying susi ng motor ko pala?"

Itinuro niya ito sa lamisita.

Agad ko naman ito kinuha at lumabas na sa barong-barong ni Athan.

Sinuot ko muna ang aking helmet at sumakay na sa aking Ducati. Agad ko pinaharurot ng mabilis. Pupuntahan ko si Mommy sa clinic niya.

The Good DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon