Chapter 4

757 23 1
                                    

Nakayuko ako habang nagdadasal ang mga madre, kasama ang mga bata.

Nakaramdam na naman ako ng antok.Tuwing nagdadasal ang mga ito, minsan tulog na ako.Ang tagal kasi matapos at sobrang bagal.

Napahikab naman ako.

"Sister Daphne, are you okay?" tanong sa akin na senior head na mga madre.

"Sorry Sister, medyo masakit ang tiyan ko, siguro need ko magpacheck up." Hinawakan ko pa ang tiyan ko at kunwaring namimilipit sa sakit.

"Pasamahan kita sa driver." natatarantang saad ni Sister.

"No..no..ako na po." aniya ko rito.Tumayo na ako at lumabas na.

Agad naman akong pumunta sa likod kung saan may parking lot.Nandoon kasi ang kotse ko.

Sumakay na ako at mabilis ko itong pinatakbo.Pupunta na muna ako sa clinic ni Mommy, ipapalinis ko ang aking sugat.

Pagdating sa clinic ni Mommy, naabutan ko si Tito Drake.Kasama nito si Lukas Sandoval, ang kapatid ng asawa ni Tito Drake.

"Hi Tito, hi Lukas." bati ko sa kanila.

"Kamusta Andra?" aniya ni Tito Drake.

"Buhay pa Tito, at sobrang madasalin na ako."

Mahina naman napatawa si Tito Drake, inirapan naman ako ni Lukas.

"Mom, ipalinis ko ang aking sugat." aniya ko kay Mommy.

"Magbihis ka muna." aniya sa akin ni Mommy.

May mga damit ako dito sa clinic ni Mommy.

Agad ako pumunta sa cabinet at kumuha ng kupas na pantalon at t-shirt na puti.Kinuha ko rin ang high heeled na boots ko.Pumunta muna ako sa CR at nagpalit.

Paglabas ko hindi pa rin nakaalis sila Tito Drake at Lukas.

Umupo ako sa tabi ni Lukas.

"Nasaan si Jin?" tanong ko rito.

"I don't know." supladong sagot nito.

"Suplado.Akala mo naman kaguwapohan." irap na saad ko rito.

Actually, sobrang guwapo din itong hinayupak na ito.

Si Jin Fajardo ay matalik ko rin na kaibigan.Nagkakilala kami sa Black Market.Isang mayamang negosyante si Jin.He's fucking good in games, pero hindi niya ako maisahan pagdating sa  gan'yan.Bawat laro niya kaya kong sabayan.

Nagpaalam na si Drake at Lukas, dahil dadaan pa daw sila kay Tita Gaia, na kapatid ni Tito Drake.

"Halika." Lumapit naman ako kay Mommy. "Mag-ingat ka susunod Andra, hindi habang buhay nandito ako." seryosong saad ni Mommy.

"Mom, gusto ko bumalik sa serbisyo ko." seryosong saad ko kay Mommy.

Napabuntong hininga naman si Mommy.

"Kausapin ko si Daddy mo. Nakausap ko si Tito Geo mo, hindi si Quatro ang target, kun'di ikaw." diin na saad ni Mommy.

"W-what?"

"Of course, alam nila na lagi ka nakadikit kay Mayor Quatro, kaya idadamay din nila ito."

Mahina naman akong napatawa.Alam kong may kinalaman ito sa Black Market.Kailangan ko puntahan si Fajardo.

Pagkatapos lagyan ni Mommy ng bandage, agad na akong tumayo.

"Pasaan ka na naman Andra?"

"Pupuntahan ko lang kaibigan ko Mommy, at dadaan muna ako kay Hera, dumating na pala siya." Hinalikan ko si Mommy sa noo. "I love you, Mom." Aniya ko at umalis na.

The Good DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon