Chapter 15

2.4K 56 67
                                    

Captain Andra Daphne Santiago Harrison. The Soldier In United States, accused a murderer. She killed the only Daughter of Vice President Velasco.

Laman ng television at news paper, ang aking mukha. Mapait akong ngumiti.

"Dalhin na iyan sa selda!" Utos ng Hepe. Nakangisi itong nakatingin sa akin. "Tingnan lang natin kung hangga't saan ang tapang mo."

Ililipat na ako sa kabilang selda kung saan nandoon ang ibang nakakulong. Napatingin ako sa aking kamay na tinatanggalan na ito ng posas. Dalawang araw ako nakakulong sa kabilang selda na nag-iisa.

Unwanted. Missing. And alone. Iyan ang nararamdaman ko. Kahit isa walang dumalaw sa akin. Bantay sarado ako. Kahit paa ko, nilagyan pa nila ng kadena. Nagkaroon na rin ito ng sugat.

"Pumasok ka na!" Agad akong itinulak papasok ng babaeng pulis. Nakatingin lahat ang mga babaeng preso sa akin. Ang iba nakangisi ito sa akin.

"Wow..may lahi yata ito." nakangising saad ng babaeng maraming tattoo. Lumapit ito sa akin at hinawakan pa ang mukha ko.

"Ang kinis ha. Parang mayaman ito," aniya na hinawakan at hinila ang aking buhok sa likod at napatingala naman ako. Naramdaman ko ang sakit ng anit ko dahil sa higpit ng paghila niya.

Hinawakan niya ng mahigpit ang braso ko at tinulak sa gitna. Napapailing na lang ako. Ang isang katulad nila ay wala pa sa kalingkingan ko.

Lumapit sa akin ang isang babaeng matangkad at medyo malaki ang pangangatawan. Mas matangkad pa rin ako.

Nasa harapan ko ito at tiningnan ako diretso sa aking mga mata. "Anong kaso mo?" diin na tanong niya sa akin.

"Murder." mahinang saad ko.

Humalakhak naman silang lahat.

"Murder? Ikaw?" napahawak pa ito sa kaniyang tiyan habang tumatawa.

Hinawakan niya ng mahigpit ang mukha ko. Ramdam ko ang kan'yang kuko na nakabaon sa aking balat.

"Ako ang Reyna dito sa selda! Lahat ng sasabihin ko, susundin mo, maliwanag!"

Tumango lang ako. Ayoko muna siya patulan dahil wala ako sa mood.

Pumunta na ako sa aking higaan at humiga na. Nilagay ko sa aking uluhan ang aking bag. I'm fucking tired! Halos hindi ako nakatulog dahil ang daming lamok at sobrang lamig sa selda na iyon.

Pipikit na ako nang may bumato sa akin. Natamaan ang mukha ko. Nakangibit kong kinapa ang aking mukha. May dugo ang aking kamay. Tiningnan ko ang bagay na binato sa akin. Kahoy na matulis. Napabuntong hininga na lang ako.

"Massage mo ako! Tumayo ka diyan!" sigaw ng babae na sabi niya kanina, na siya ang reyna dito.

Tumayo naman ako at pumunta sa kan'yang higaan. Nakadapa ito. Hinubad ko ang aking damit at naka sport bra lang ako.

I got a tattoo at my back, Black Poison. Ang code name ko sa Underground. Sa dibdib ko naman ay Assassin Creed.

Nakatingin ito sa aking dibdib. "Ganda ang tattoo mo ah. Sino ang gumawa niyan?" Nakangising tanong niya sa akin.

"My Mom." sagot ko.

"Ohh..spokening dollar! Mayaman talaga ito." natatawang saad niya. "Massage mo na ako!"

"Sino ka para utusan ako?" seryosong tanong ko rito.

"Aba..aba! Matapang ka na!" galit itong tumayo.

Katawan lang malaki sa kan'ya. Hindi ko makikita na skilled combat ito. Sa tangkad, mas matangkad ako.

"Boss Kring, patikimin mo nga ng malutong sampal na iyan." nakangising saad naman ng kasama niya na panay ang nguya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 19, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Good DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon