06

13 4 7
                                    

"At hindi niyo man lang ako ininform?" Napaatras ang babae dahil sa malamig na tugon ko. I think she's one of my blockmates.

"H-Huh? Akala kasi namin ayos lang sa iyo..." She stuttered. Agad akong napatawa.

"Hindi ayos sa akin. Ayoko, ayokong sumali." Matigas kong ani at umupo ulit sa kinauupuan ko. Isusubo ko sana ulit ang huling piraso ng tsokolate na hawak ko nang bigla ulit nagsalita ang babaeng nasa gilid ko.

"Hindi pwede, na-finalized na ng isa nating blockmates at naipasa na ito. Kaya sa ayaw at sa gusto mo ikaw ang lalaban sa pageant." Nagpantig ang aking tenga dahil sa sinabi niya. Galit akong tumingin dito na naging sanhi ng pag atras niya ulit. Kita ko rito ang takot sa kaniyang mga mata.

"Edi gawan niyo ng paraan. Kapag ayaw kong sumali, ayaw ko talaga. Kayo naman ang nagsali sa akin niyan nang HINDI ako iniinform." Madiin kong saad.

Hindi ko nga sila kilala at alam kong hindi rin nila ako kilala kaya saan sila kumuha ng lakas ng loob na isali ako sa ganiyan nang hindi ko alam? Ang tapang ha. Nakakainit ng ulo pati, anong karapatan nila na ilista ang pangalan ko sa isang contest na ayaw ko? Ano ambag ko ro'n? Ganda lang?

Sabagay, beauty pageant nga eh.

"Aby, ikaw lang kasi yu-" itinaas ko ang kamay ko sa ere para patigilin siya sa pagsasalita.

"You know what, kanina ka pa eh. Ano ba name mo?" Inis kong saad. Nagulat naman siya pero agad na sumilay ang maliit na ngiti. Akala ba niya nakikipag close ako sa kaniya?

"My name is Trixx, isa sa mga-"

"Close tayo?" Napatanga siya dahil sa sinabi ko. Agad na nawala ang munting ngiti sa kaniyang labi. She looked at me na parang nagtitimpi na lang din siya sa galit, well so am I. I'm just holding back my anger.

"G-Grabe ka naman. Ano bang kasalanan ko sa 'yo?" Nakikita ko sa gilid ng mata ko na nakatingin na sa amin ang blockmates ko na kanina lamang ay may mga sari-sariling buhay. They glanced at me like they're mocking my whole personality just because I answered this lady named Trixx in a rude way. Sino naman kasing hindi maiinis sa isang babaeng pakielamera?

"Eto. Itong pagkakausap mo palang sa akin. Ikaw ba ang nagsali sa akin doon nang hindi ko alam? Hindi niyo man lang ako sinabihan na may ganoon pala akong sasalihan? Ni hindi ko nga alam na may event na ganoon eh. Nanahimik ako rito tapos isasali niyo ako sa ganiyan? Saan kayo kumuha ng lakas ng loob ha?" Mahaba kong litanya. Tumingin ako sa lahat at nakita kong nag iwas sila ng tingin.

Sumingkit ang aking mga mata nang may nagtaas ng kamay. Isa siyang petite na babae, well in a first glance she looked like a nerd pero may ilalaban siya. She's pretty.

"What?" Inis kong saad.

"A-Ako po kasi nag suggest na ikaw ang isali..." Tumaas ang kilay ko.

"Then why didn't you inform me?" Tanong ko. Okay, maganda siya kaya kailangan kong kumalma.

"A-Akala kasi namin alam mo na, kasi kaibigan ka nina Riya. Isa sa mga admin na nag aasikaso ng event na 'yon. Sorry..."

Napatingin ako sa itaas. Ganoon ba? Hindi ko rin naman alam na si Riya ang nag aayos doon eh. Pumitik ako sa dalawa kong daliri. I forgot! Hindi ko pa pala sila nakakausap! Nako, masyado ata silang busy. Hindi naman na ako nakakapag chat sa gc kasi wala akong gana.

"P-Pero Abynne, kung ayaw mo talaga pwede naman-" I cut her off. I smiled at her with a friendly expression. She blushed.

"Hindi na, nagalit lang talaga ako kasi akala-"

Affinity and Beyond [Fondness Love #1]Where stories live. Discover now