05

14 4 6
                                    

"Bakit mo ginawa sa amin 'to?! Ano bang ginawa naming mali sa 'yo anak?!"

Agad na kumunot ang noo ko nang marinig ko ang sigaw ni mama pagkapasok na pagkapasok ko pa lamang sa gate namin. Nakita ko ang kalat na mga gamit na nasa sala. Mas lalo akong nagtaka nang makita kong umiiyak si mama habang sapo-sapo ang kaniyang noo. Nandoon sa gilid niya si Nanay na inaalalayan siya at para bang pinapatahan.

Napadaan ang aking tingin sa isang lalaking nakaupo sa sofa namin. Ang kapatid ko na may pasa sa mukha. Gulat akong tumingin sa kanilang lahat, hinanap ko pa si papa pero parang wala naman siya rito sa bahay.

"Anong nangyayari rito?" Ayan agad ang naiusal ko pagkauwi ko palang galing sa University. Ano bang nangyari sa kanila? Bungad na bungad sa akin pagkauwi ko.

"A-Anak...." biglang lumapit sa akin si mama na naging sanhi ng pagkagulat ko. Agad ko siyang inalalayan dahil halos matumba siya sa akin.

"Ma bakit? Ano bang nangyar—"

"Ang k-kapatid mo anak.." biglang humagulgol si mama kaya halos mataranta ako. Hindi ko alam ang gagawin ko.

Tumingin ako kay Apol at nakita kong umiwas siya ng tingin sa amin. Kinunutan ko ng noo si Nanay nang tumingin ako sa kaniya pero ganoon din ang ginawa niya. Umiwas din siya ng tingin. Agad kong binaling ang aking tingin kay mama.

"Ano po bang nangyari?" Tumingin si mama sa akin, mugto ang mata at parang pagod na pagod na.

"N-Napa-away na naman ang kapatid mo, at alam mo ba ang sinabi ng teacher niya sa akin noong pumunta kami sa School niya?" Ramdam ko ang paghina ng kaniyang mga tuhod kaya hinigpitan ko ang pagkapit sa kaniya. "H-Hindi napasok ang kapatid mo Abynne... H-Hindi pala siya enroll... A-Anak, Matagal na tayong niloloko ng kapatid mo..." Nagtagal ang tingin ko sa mukha ni mama. Hindi ko alam ang sasabihin ko at parang naputol ang dila ko. I was shocked and couldn't utter a single word.

I instantly looked at my brother, ni-wala man lang akong nakitang bahid ng pagsisi sa kaniyang mukha. Parang wala siyang pakialam na nahugulgol ang sarili niyang ina sa harap niya. Hindi ko na nakayanan at parehas na kami ni mama na napaluhod sa sahig. Agad na lumapit si nanay sa amin para alalayan. Kahit naman ganito ako, kahit na pinapakita kong wala akong pakialam sa kanila ay hindi ko pa rin talaga kayang nakikitang ganito si mama. Hindi ko kayang makitang nasasaktan siya, at hindi ko rin kayang palampasin na ang kapatid ko ang may gawa kaya nagkakaganito si mama. Matagal ko nang alam na bulakbol siya, na nagrerebelde siya. Pero hindi ko aakalain na ganito na pala ang ginagawa niya kay mama, sa amin. Hindi ko aakalain na dadating ang panahon na magsisinungaling siya ng ganito sa amin.

Agad kong isinandal si mama kay nanay para lapitan ang kapatid ko. Hindi ako nagpakita ng emosyon, I looked at him straight into his eyes. Pagkalapit ko ay agad ko siyang sinampal. Hindi pa ako nakuntento at sinampal ko pa siya sa kabila niyang pisngi. Pagkatapos no'n ay agad na akong umakyat sa taas para pumunta sa kwarto. Iniwan ko si Apol na nakatagilid ang kaniyang mukha at pulang pula dahil sa mga sampal na ibinigay ko sa kaniya.

Agad akong huminga ng malalim at pinakalma ang sarili. Ayaw kong magsalita, dahil kapag nagsalita ako ay alam kong hindi ko na makokontrol ang sarili ko. Baka ano pang magawa ko, bahala na siya sa buhay niya. Wala na akong pake kung ayaw niyang mag-aral. Pero sana ibalik niya ang perang sinayang niya na pinaghirapan nina mama at papa. Dahil hindi ako papayag na hindi niya babayaran 'yon. Hindi ko na pipigilan ang sarili ko kung mangyari man 'yon.

Humiga ako sa kama ko at tumingin sa kisame. Malalim ang paghinga ko pati na rin ang pag-iisip ko sa mga bagay bagay. Kung saan-saan napunta ang utak ko, parang naglalakbay. Maraming napasok sa isip ko. Gusto kong umiyak pero walang nalabas na luha sa aking mata. I just got home tapos ganoon ang madadatnan ko? Parang binayaran ko lang rin ang saya na naramdaman ko kanina lang sa Univ.

Affinity and Beyond [Fondness Love #1]Where stories live. Discover now