11

15 4 2
                                    

Tumayo si Clarence at pinagpag ang kaniyang sarili. Ang makulit niyang pag-ngiti ay biglang napawi dahil sa biglang pag-seryoso ng kaniyang mukha.

"Bakit ka ba naiinis sa akin tol? Kahapon ka pa." Seryosong saad niya.

Teka, mag aaway ba sila? At ako pa talaga ang ginawa nilang center? Pag untugin ko kaya 'tong dalawa?

"Hindi ako naiinis sa 'yo. Halika na Aby—" hahawakan sana ako ni Luke nang pigilan siya ni Clarence.

"Hindi tol, seryoso. Bakit ka naiinis sa akin?" Umiwas ng tingin si Luke.

"Pwede ba Clarence—" nagulat kaming lahat na nandito nang biglang sumigaw si Clarence.

"No, tol! I deserve an explanation! I deserve a better explanation!" Ma-dramang sabi ni Clarence. Hinawakan pa niya ang dibdib niya at parang hapong hapo na umarte. "Tol kasi nakakasakit ka na. Tol, mahal kita tol, pero tol ang sakit! Sinasaktan mo ako tol! Magpaliwanag ka tol!" Sabi niya at biglang lumuhod sa harap ni Luke. Bigla niyang hinablot ang paa ni Luke kaya halos masubsob naman itong isa. Mabuti nalang at binitawan ako ni Luke kaya hindi ako nasama sa muntik niyang pagkasubsob.

"Puta! Hindi nga ako naiinis sa 'yo! Bitaw!" Sigaw ni Luke. Napasapo nalang ako sa noo habang pinapanood sila.

"No, tol! Ayoko! Panindigan mo ako!"

Hindi ko na sila pinansin nang biglang dumating ang nurse para asikasuhin ako. Lumapit sa akin ang nurse at pinaupo muna ako sa isang bangko malapit sa akin. The nurse stated that I should rest para gumaling ang aking paa. It will take one to three weeks to heal my ankle. Sinabi rin sa akin na huwag ko na raw alalahanin ang awarding dahil sasabihan nalang daw ako kung sino ang panalo o kung panalo ba ako.  Nang matapos ay nagpaalam siya sa akin na aalis muna siya dahil may kailangan siyang gawin. May isang nurse naman na nasa clinic at mag aabang sa amin kaya kailangan ko na ring pumunta doon para makapag pahinga. 

Aalis na sana ako sa back stage para pumunta sa clinic nang biglang sumulpot ang mga magulang ko.

"Anak..." I glanced at my mama who looked so worried about me. They were here from the start, watching me from the stage. Sinabihan na kasi sila ni Riya about sa ankle ko.

Humahangos na lumapit sa akin si Luke. Natakasan ata niya si Clarence dahil para siyang dinumog ng maraming tao dahil sa itsura niya.

"I can take care of myself Luke." Sabi ko nang aakma siyang aalalayan ako. Agad akong lumapit kay mama kahit na iika ika ako. "Hi ma, akala ko hindi po kayo pupunta?" I said.

Natawa siya. "Aba hindi pwede iyon! Pageant ng una ca iha ko! Kailangan kong pumunta!" I hugged her tightly.

"Thanks for coming ma." Tumingin ako sa likod niya at nakita ko na nandoon din pala sina nanay at papa. May mga hawak silang cellphone at mukhang kinukuhanan kami ng litrato.

"Punta na po kami sa clinic ha." Sabi ko. Napansin ko ang paglapit ni Luke kina mama at papa. Nagulat ako nang bigla itong magmano.

"Please let me look after your daughter po ma'am and sir." He said and smiled at my parents. Nagulat silang dalawa pero agad ring tumango tango nang makabawi.

Luke held my hand para alalayan ako. Pumunta kami sa clinic at dahil kanina pa niya ako kinukulit na buhatin ako ay wala na akong magawa kundi ang magpabuhat sa kaniya. Nakita ko ang pagsilay ng maliit na ngiti sa kaniyang labi.

"Dumadamoves ka lang talaga eh. Kotongan kita eh." Ani ko. Tumawa siya.

"Half lang."

Nang makapunta kami sa clinic ay nandoon na agad ang nurse at naghihintay sa akin. Pinupo niya ako sa bed para makapagpahinga. Kinuha ko ang watch ni Luke para malaman kung anong oras na ba. Alas siyete na pala ng gabi, hindi ko na rin namalayan ang oras.

Affinity and Beyond [Fondness Love #1]Where stories live. Discover now