CHAPTER 10

5.3K 158 18
                                    

ENZO'S POV

Sarap na sana nang tulog ko kaso may nag-iingay sa ibaba.

"Tulong!!! Tulong!!! Ma'am Veronica!!!!!!," may humihingi ng saklolo.

Si lola..??!!! Ano kayang nangyari sa kanya???

"Anong kaguluhan 'to? Napa'no si lola??," tanong ko sa mga kasambahay.

"Sir, hinanap niya po kasi si Eka, sinabi ko naman ang totoo na wala na siya dito dahil pinaalis niyo. Pagkatapos bigla nalang nanikip ang dibdib niya," daldal naman ng isang 'to.

Siya yung madalas kasama ni Eka. Sinabi niya talaga kay lola na pinaalis ko yung kaibigan niya, hindi ba pwedeng secret lang yun?

Saan saan kayang mga planeta galing 'tong mga katulong ni lola?? Mga out of this world kasi.

"Tumawag kayo ng doktor! Bilisan niyo!," utos ko sa kanila.

Binuhat ko si lola hanggang sa kanyang kwarto.

Dumating na ang doktor.

Chineck niya si lola.

"Dok, kumusta na po si lola?"

"Malubha ang kalagayan ng lola mo Enzo. May taning na ang kanyang buhay."

"Pero dok, ano po bang sakit niya?"

"Sama ng loob, yun ang sakit ng lola mo," sama ng loob lang tapos may taning kaagad??!!

"Hanggang kailan na lang po ba ang buhay niya?"

"Isang linggo. May isang linggo pa siya to enjoy her life," isang linggo?? ganun ka-iksi??

"Ang bilis naman 'ata dok. Matagal na po ba ang sakit niyang yan?"

"Base sa findings ko, mga kanina lang."

"Dok sigurado po kayo? Baka kasi nagkamali lang kayo sa findings niyo."

"Minamaliit mo ba ang kakayahan ko bilang isang doktor Enzo? Alam mo bang since birth hindi pa ako nagkamali sa aking mga findings," p*ta e di wow.

"May ihahabilin pa po ba kayo dok?," gusto ko kasi na umalis na siya bago pa mag-init ang ulo ko, ang yabang kasi.

"Wala na. Aalis na ako," mabuti naman.

Doktor ba talaga ng mga tao 'yun? Mukha kasing doktor ng mga endangered species.

"Eka...Eka...," si lola gising na siya. Si Eka agad ang kanyang hinanap.

"Lola wala po dito si Eka."

"Dahil pinaalis mo!! Pabalikin mo siya dito!!!," may taning na nga ang buhay mataray pa rin.

"Pero lola.., saan ko naman po siya hahanapin? At sa tingin niyo paniniwalaan pa niya ako?"

"Humingi ka ng tawad sa kanya at kailangan dalhin mo siya dito sa harapan ko. Gusto ko siyang makita bago ako bawian ng buhay, may importante akong sasabihin sa kanya. Ibibigay ko sa'yo ang kanyang address."

"Ano po ba yang importanteng sasabihin niyo sa kanya? Ipa-telegrama niyo nalang po yan."

"Hindi pwede!! Kailangang ikaw mismo ang sumuyo sa kanya at dalhin mo siya ulit dito!!"

"Sige na nga po pupuntahan ko na ang babaeng yan," kung wala lang siyang taning ay hindi ako papayag sa gusto niya.

"Bilisan mo habang humihinga pa ako!!"

Nakatulog ulit siya, gumising lang siya para sabihin ang mga yun.

Napasubo ako nito ah.

Kailangang paghandaan ko ang pagpunta sa planet of the apes..,sa lugar ng babaeng yun.

Maid for Real ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon