CHAPTER 16

5.2K 158 9
                                    

KLARISSE'S POV

Nakakainis!!! Hmmmppp!!!

Lagi nalang busy ang cellphone ni Enzo!

Mula nang mamatay ang lola niya ay hindi na niya ako dinadalaw dito sa condo at dalhan ako ng foods.

Nakakabahala yung sinabi sa akin ni Aaron tungkol dun sa katulong na kailangan daw'ng pakasalan ni Enzo, dahil kapag hindi ay walang matatanggap na mana ang boyfriend ko.

Speaking of Aaron, yes close na kami. Malakas kasi ang appeal ko sa mga lalake kaya madali ko silang ma-close.

Hmmm...I wonder kung sino ang ambisyosa na hampaslupang katulong na yun! Siguro tinutukan niya ng water gun ang lola ni Enzo habang sinusulat ang last will nito. Who is she kaya??? Aaron told me that her palayaw daw ay Eka. Huwag lang niyang makorner-korner ang my love ko dahil ako ang makakalaban niya.

Kawawa naman ang sweetheart ko, naiipit siya sa sitwasyon. But I'm sure hindi niya papatulan ang hampaslupa na yun. Hindi niya ako kayang ipagpalit sa isang gold-digger at social climber na katulong. Alam kong ako ang mas pipiliin niya kaysa sa mana na kanyang makukuha.

Tsaka, he don't need to marry that girl para lang magkaroon ng pera. Mayaman ang family ko. Kung gusto niya ako nalang ang bubuhay sa kanya.

But I am so worried pa rin. I heard kasi from my friends na malalandi daw ang mga katulong lalo na sa mga amo nila, coz they always believe in that stupid Cinderella story. A poor girl who married a prince. And all katulongs na yan nangangarap na ganun din ang mangyayari sa life nila. In their dreams!!!

Pupuntahan ko si Enzo sa kanila.

_______________________

"Sweetheart I miss you. Bakit hindi ka na pumupunta sa condo?," paglalandi ko.

Walang preno preno tinorrid kiss ko siya kaagad. Pero bakit parang umiiwas siya? Mabaho kaya ang hininga ko? Nagtoothbrush naman ako ah. At halos maubos ko na nga ang isang bottle ng listerine sa kakamumog eh.

"Marami lang akong inaasikaso, alam mo namang kakamatay lang ng lola," pagpapalusot niya.

"I understand you sweety pero hindi kasi ako sanay na hindi kita nakikita palagi eh...," dinidila-dilaan ko ang kanyang mga kuko.

Natigil ang pang-seseduce ko nang may biglang sumulpot na katulong.

"Sir, ito na po ang kape niyo."

"Salamat Eka."

So ito pala si Eka. I saw her last time I came here. Bakit hindi pa niya pinapaalis ang katulong na 'to?

"Me rin, I want a hot coffee," sa maldita na tono. "Yung nakakamatay sa sobrang init."

"Yes senyorita! Bakit senyorita gusto niyo po bang magpakamatay?"

Nakita kong ngumisi si Enzo sa sinabi ng katulong.

Stupid b*tch!! Mauna ka kung gusto mo!!

Tinaasan ko siya ng kilay.

Natakot siya sa pagtaas ng kilay ko at dali daling pumunta sa kusina.

"Bakit ganyan ka makatingin kay Eka?," si Enzo.

"Aaron told me everything about that maid," binagsak ko ang pagbigkas ng salitang "maid".

"Are you that close??!!"

Kinikilig ang puwet ko, galit si Enzo, so it means he's jealous.

"Oyy sweety...,don't worry Aaron is just concern, ayaw niyang makasal ka sa isang katulong lang."

"Anong problema sa isang katulong?," tumigas ang boses niya, mas matigas pa sa kanyang ano, you know!

"What do you mean by that words sweety??? Are you planning to marry that maid??!!!"

"Yes I am."

What he said??!!! Is he serious?? Paano na me??!!

"But sweety, if you'll going to marry her ano na ako ngayon sa life mo, kabit??!!"

"Kailangan ko siyang pakasalan para mapasaakin ang mga ari-arian ng aming pamilya. Daig pa niya ang nanalo ng lotto kung saka-sakali na mapasakanya ang mga ito."

"Are you sure that's the only reason Enzo??," coz I can see in the back of his eyeballs that there's something he hides.

"May iba pa bang dahilan??," tanong niya.

"Just wanna make sure."

Siguraduhin mo lang Enzo na walang ibang dahilan. Dahil kapag nalaman kong nakikipagmabutihan ka sa katulong na yun, siguradong kalbo ang aabutin niya sa akin.

"Senyorita, ito na po ang kape niyo," sabay abot ng katulong sa coffee.

Masunurin naman pala ang katulong na ito, ang init nga ng coffee.

Now, tingnan natin ang reaksiyon mo sa gagawin ko.

Itinapon ko sa kanya ang mainit na kape.

"Arayyy!!!!," impit na sigaw niya.

Hahahaha!!!, hindi niya inaasahan na gagawin ko yun sa kanya. Poor maid!!!

Sayang!..,sa kamay ko lang natapon at hindi sa kanyang mukha.

"Why did you do that??!!!!!," Enzo is shouting at me. Kinampihan niya ang katulong.

"But sweety, hindi ko naman sina...."

"Shut up!!!!," his shoutouts are hurting me so bad.

Binuhat niya ang katulong papunta sa kwarto nito. Kamay lang naman ang pinaso ko, hindi ko naman siya pinilayan.

Enzo!! Why oh why??!! Mas pinili mo pa ang katulong na yan kaysa sa akin na girlfriend mo, na soon to be your wife.

Anong ibig sabihin nito??!! Ba't ganun siya ka-worry sa katulong na yun?? Hmmm...,I smell something di kanais-nais here....,something na maasim.

Teka...,nakalimutan ko palang mag-deodorant. Kaya pala todo iwas si Enzo sa akin, ako pala yung nangangamoy.

Uuwi muna ako para mag-deodorant.

Pero ipinapangako ko na babalikan ko ang impaktang katulong na yun. Hindi niya pwedeng agawin sa akin ang Enzo ko.

I shall return......

______//_____//______

maraming ingles words na wala dun wala dito sa chapter na 'to kaya pagpaumanhin niyo po kung maraming mga wrong grammar, simple english lang naman pero bobo kasi ako kahit simpleng ingles hindi ko alam :D

Maid for Real ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon