CHAPTER 22

5.1K 146 2
                                    

EKA'S POV

"Sir Enzo, saan niyo po ba ako dadalhin?," tanong ko.

"Sa kwarto ko!," sagot niya.

"Sa kwarto niyo?? Anong balak niyong gawin sa akin?"

"Huwag kang excited wala akong gagawin sa'yo. Pero kung pipilitin mo ako ay pagbibigyan kita," ngumisi siya.

At talagang ako pa yung mamimilit.

Pagpasok namin sa kwarto niya ay may kinuha siyang papel at binigay sa akin.

"Basahin mo yan. Yan ang patunay na kasal ka sa akin, na asawa kita."

Mukhang pamilyar ang papel na 'to. Ito yung papel na pinapapirmahan niya sa akin. Ano ba kasi ang papel na 'to? Akala ko ba tungkol 'to sa kulong kulong isyu na sabi niya. Malakas ang kutob ko na nagsisinungaling lang siya sa akin.

Basahin ko nga..

"Ser?-ti-pi-ka?-te ob Mar-ri-a-ge!"

Nakita kong natawa si sir Enzo sa pagbaybay ko.

"Certificate of marriage natin yan. Itago mo yan nang sa ganun may panghabol ka sa akin," kinindatan pa niya ako.

Certifi....,anong sabi niya? Hirap naman basahin nito.

Tama ipapabasa ko 'to kay Ara. Naka-graduate siya ng elementarya siguro naman kaya niyang basahin 'to.

~~~~~~~~~~~~~~~~~

"Eka kasal na pala kayo ni sir Enzo hindi mo man lang ako inimbita!!," pagtatampo ni Ara.

"Hindi ko nga alam na kasal na pala kami. Isa lang ang alam ko na niloko niya ako! Hindi ko siya mapapatawad!"

"Huwag ka ngang OA Eka. Di ba yan naman ang pangarap mo buong buhay mo?"

"Oo Ara, gustong gusto ko nga siya. Pero magpapakatanga pa rin ba ako kahit niloko na niya ako. Pinagsamantalahan niya ang pagka-inosente ko. Hindi siya mabuting tao at kailanman hindi siya naging mabuti. Nangarap ako na magustuhan niya rin ako kahit alam kong imposible. Siguro kailangan ko nang imulat ang aking mga mata. Oras na para itigil ang kabaliwang 'to!!"

(Heavy drama teh?? Nasa humor category tayo.)

"Naiintindihan kita bestfriend," si Ara nakikiiyak rin sa akin.

"Kailangang makaalis ako sa bahay na 'to."

"Eka iiwan mo ako? Saan ka naman pupunta? Dito ka nalang Eka. Tutulungan kita. Hindi tayo magpapatalo sa amo natin."

Tama si Ara, saan naman ako pupunta kapag umalis ako? Kapag umuwi naman ako sa amin siguradong tatanungin ako nila nanay at tatay at hahanapin nila si sir Enzo. Ang lalake kasing yun ginulo niya ang masalimuot kong buhay!!!

~~~~~~~~~~~~~

"Ara!!!," sigaw ko sa pangalan ni Ara.

"Bakit Eka may sunog ba???"

"Nakita mo ba ang mga damit ko?," tanong ko kay Ara, dalawa lang kasi kami dito sa kwarto kaya siya lang ang pwede kong tanungin.

"Pasensiya na Eka, habang namalengke kasi kayo ni Aling Maming ay inutusan ako ni sir Enzo na kunin at itapon sa basurahan lahat ng mga damit mo."

"Sinunod mo naman? Akala ko ba tutulungan mo ako? Mukhang si sir Enzo ang tinutulungan mo eh."

"Sorry talaga Eka, kinumbinsi niya kasi ako na para daw 'to sa ikabubuti mo."

"Sumosobra na ang lalakeng yun, kung umasta akala mo pag-aari niya ako.

"Eka saan ka pupunta??"

"Susugurin ko siya!!!!!"

~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Tok! Tok! Tok!

"Bukas yan!," sigaw ni sir Enzo mula sa loob.

Pumasok ako.

"Eka, tamang tama at narito ka na. Pinaayos ko itong kwarto natin, ano nagustuhan mo ba?," pangiti ngiti pa siya na parang walang nangyari.

Kunwari wala akong narinig sa mga pinagsasabi niya.

"Bakit niyo pinatapon ang mga damit ko??!!!"

"Ano bang kinagagalit mo? Luma na ang mga damit mong yun kaya binilhan kita ng bago."

Tinuro niya sa akin ang mga bagong damit na maayos na naka-hanger at mga high-heeled na mga tsinelas.

"Sa tingin niyo susuutin ko ang mga yan?? Baka ano na naman ang kapalit niyan."

"Sorry na Eka, alam kong galit ka sa akin," himala nag-sorry, pero hindi pa rin ako dapat magtiwala. "Eka ano bang pinagpuputok ng butsi mo? Swerte mo nga kinasal ka sa akin."

Aargghh!!! Ang yabang talaga!

"Kahit kailan napaka-arogante niyo! Ewan ko ba kung bakit nagkagusto ako sa inyo!," ops! nasamid ako.

Sobrang nakakahiya 'to.

Nginitian niya ako ng pilyo na ngiti.

"Huwag ka na kasing magpakipot pa, sa bibig mo mismo galing na gusto mo ako," kantyaw niya.

"Ah, eh," napalunok ako ng laway. "Oo gusto nga kita, pero dati yun hindi na ngayon. May iba na akong gusto!"

Biglang napawi ang mga ngiti niya.


ENZO'S POV

"Sino? Sino ang bago mong nagugustuhan ngayon?"

Huwag niyang sabihin na si Aaron? O di kaya yung bagong drayber?

"Bakit ko naman sasabihin sa inyo? Kaano-ano ko ba kayo? Haisstt!!! Makaalis na nga dito!"

Aba, itong babaeng 'to inuubos niya pasensiya ko.

"Hindi ka pwedeng umalis," pigil ko sa kanya. "Kwarto natin 'to at simula ngayon dito ka na matutulog katabi ko."

"Ano ako bali?? Bakit ko naman gagawin yun??!!"

"Akala ko ba malinaw na sa'yo na mag-asawa tayo. Kung hindi mo alam ang mag-asawa ay natutulog nang magkatabi."

"Hindi mangyayari yun!!!!," bulyaw niya, sabay alis at bagsak sa pinto.

Hindi magiging madali ito kailangang gumawa ako ng paraan para makuha ko ang loob ng babaeng yun.

Maid for Real ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon