CHAPTER 19

4.8K 151 13
                                    


ENZO'S POV

Ang ingay naman nitong cellphone ko, itapon ko kaya 'to!

Si Aaron, siya ang tumatawag.

[ Aaron papunta na ako diyan. ]

[ Bilisan mo kanina pa kami rito naghihintay ni mayor. ]

[ One minute nandiyan na ako, traffic eh. ]

[ Kasama mo ba yung katulong? ]

[ Oo kasama ko. Ginawa ko yung sinabi mo. Ginamitan ko ng acting skills para maniwala. ]

[ Good Enzo. Sabi ko sa'yo eh. ]

~•~•~•~•~•~•~•~•~

"Pare, siya ba si Eka!!??," halos di makapaniwalang tanong ni Aaron.

"Siya nga!"

"Swerte mo pare! Bakit hindi mo sinabi na ang ganda niya pala!"

Mukhang napusuan niya si Eka. Magtrip nalang siya ng iba huwag lang si Eka.

Nilapitan niya si Eka at hinalikan sa magkabilang pisngi. Inunahan pa niya ako.

"I'm Aaron," pagpapakilala niya. "Nice to meet you Eka."

Pakindat-kindat pa siyang nakatitig kay Eka.

Kung pwede lang manapak ng kaibigan sasapakin ko 'to.

"Nasaan na ba si mayor??," interap ko. Ayaw pa sana niyang bitiwan ang kamay ni Eka pero hinila ko si Eka palapit sa akin.

"Are you guys ready?," si mayor.

"Nandiyan na pala si mayor eh," si Aaron, ngumiti siya nang hilaw.

"She's Eka??," tanong ni mayor, walang kakurap-kurap niyang tinititigan si Eka. Nakasinghot kaya ng otot ang mga 'to?? Parang nagayuma sila kay Eka.

"Opo mayor, ready na kami kaya simulan na po natin yung plano."

"Sir Enzo ano pong plano??," inosenteng tanong ni Eka.

Nagkatinginan kaming tatlo. Wala siyang kaalam-alam sa napagkasunduan namin. Mabuti at pumayag si mayor na makipagsabwatan.

"Ganito kasi yun Eka, gumawa si mayor ng paraan upang hindi ka makulong. Kailangan mo lang gawin ay pirmahan ang papel na 'to."

"Pirmahan lang po? Ganun lang?," tanong niya.

"Oo Eka, pirmahan mo lang ang papel na yan."

Pinirmahan nga niya. Mabuti at may katangahan 'tong si Eka, hindi niya ako pinahirapan. Kung alam lang niya kung ano ang papel na yan.

"Tapos na po senyorito, napirmahan ko na po."

Yes!!!

Hahaha!!

Sa wakas!!

Kawawang Eka!!

Asawa ko na siya!!

Mapapasa'kin na rin ang ari-arian na iniwan ni lola!!!

"Si-siirr Enzo, para saan po 'tong yakap niyo??," reklamo ni Eka, halatang nasasaktan siya. Sa sobrang saya ko hindi ko na namalayan na nayakap ko siya nang mahigpit, halos hindi na siya makahinga. Lintik!! Ano ba 'tong ginagawa ko??!!

"Ahh, masaya lang ako Eka dahil hindi ka na makukulong at utang mo kay mayor ang lahat ng 'to."

"Talaga po??!!," si Eka, blanko pa rin siya sa mga pangyayari. "Salamat po mayor at patawarin niyo po ako kung ano man ang nagawa kong kasalanan."

"Walang anuman Eka," si mayor, kulang nalang tumulo ang laway sa kakatitig kay Eka. "Kung may oras ka hija pwede kang dumalaw dito anytime."

Anong sabi niya?? Gagong mayor 'to ah! Asawa ko talaga ang napili niyang gaguhin.

"Wala po siyang oras mayor. Busy si Eka sa bahay lalo na ngayon."

Ang swerte naman ng mayor na 'to, anong akala niya papayagan ko ang aking asawa na makipagkita sa kanya??!! Magpaalam muna siya sa aking kamao.

"Gusto ko ang pagseselos mong yan Enzo. Pinatunayan mong may iba ka pang motibo kung bakit ginagawa mo ang bagay na 'to. But anyway, congrats! Goodluck sa inyong dalawa."

Para sa kaalaman niya, wala akong ibang motibo!! Ginagawa ko lang 'to para mapasa'kin ang ari-arian. Yun lang!! Walang ibang rason!!!

Maid for Real ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon