CHAPTER 2

7.3K 194 16
                                    

EKA'S POV

"Eka! Eka!," sigaw sa akin ni Ara. Medyo nanginginig pa ang mga tuhod niya.

Si Ara ay isa sa mga kasamahan ko rito, katulong din siya katulad ko. At masasabi kong siya ang pinaka-close ko sa bahay na ito. May pagka-loka loka din ito tulad ko.

"Ano? Ano na naman bang tsismis ang nakalap mo?," tanong ko sa kanya.

"May magandang kotse na nakaparada sa labas," kilig na kilig na sagot niya.

"Ay sus kotse lang pala eh, tapos ganyan ka kung maka-react. Baka may bisita si ma'am Veronica."

"Hindi, hindi pa ako tapos. Hulaan mo....,ayyyyy!!!!"

"Anong bang nangyari sa'yo, tapusin mo kasi hindi kita maintindihan diyan."

"May lalakeng bumaba sa kotse, ang gwapo niya pang-hollywood ang hitsura. Matangkad, matipuno ang pangangatawan, mahaba ang kanyang buhok at blondie ito, parang rockstar ang dating. Papasok siya rito sa bahay. Ang astig niyang lumakad, lalakeng lalake. Dumating na siya, dumating na ang prince charming ko at narito siya para kunin ako at dalhin sa kanyang palasyo....,aaaaaaaaaahhhhhhhhhhh!!!!!!!!!!!!"

"Hoy hoy! Tumigil ka nga. Akala ko magkasing baliw lang tayo pero mas matindi ka pala. Pero sino naman kaya siya??"

"Oy si ate intresado. Walang agawan ha, ako ang unang nakakita sa kanya."

"Hindi kita aagawan, ano ka ba. Halika silipin natin kung sino yan' lalakeng nakita mo."

"Sige, sige ate!!! Ano ate okay lang ba ang ayos ko? May muta ba ako?," habang inayos ayos niya ang sarili.

"Oo ang ganda ganda muna. Sigurado ako na mala-love at first sight yun' 'pag nakita ka."

"Talaga ate? Sige, sige tayo na..."

Sa may sala:

Si ma'am Veronica bumaba siya mula sa kanyang kwarto. Ang saya saya niya, ngayon ko lang siya nakitang ganyan kasaya habang kausap ang isang......,napakagwapong prinsipe.

"Eka! Eka!...,siya yun' lalakeng sinasabi ko sa'yo."

"Ahhh...,ganun' ba?"

"Hoy Eka!..,nakikinig ka ba sa akin. Teka nga parang ikaw 'ata 'tong na-love at first sight eh. Kung ice cream lang 'yan kanina pa 'yan natunaw dahil sa titig mo."

"Ang gwapo niyaaaa!!!"

"Akin lang siya Eka ha. Sabi mo kanina hindi mo siya aagawin sa'kin."

"Sinabi ko ba 'yunnnnn????? Pwede bang bawiin ko yun' sinabi ko."

"Eka naman eh, sige na nga dahil bestfriend naman kita payag na ako. Payag na akong makihati sa'yo."

"Sige, sige Ara hati tayo sa kanya," tapos ay nag-hi five kaming dalawa. "Pero teka nga muna Ara, sino ba siya? Bakit abot tenga ang ngiti ni ma'am Veronica. Baka siya yun'.....,pero sabi ni ma'am Veronica na sa susunod na buwan pa ito darating."

"Sino bang tinutukoy mo Eka??," nagtatakang tanong ni Ara.

"Halika dito pakinggan natin kung ano ang pinag-uusapan nila," yaya ko kay Ara.

"Pero Eka, hindi ba masama yun'? ang makinig sa usapan ng ibang tao."

"Gusto mong malaman kung sino ang lalakeng yan' o hindi?"

"Gusto, pero pero..."

"Huwag ka nang mag-pero pero diyan halika na," at kinaladkad ko siya.

Nagtago kami sa likod ng sofa.

"Hindi ko inaasahan na darating ka ngayon hijo," sabi ni ma'am Veronica sa lalake. "Akala ko kasi sa susunod na buwan ka pa darating."

"Sinadya ko talaga lola na hindi sabihin ito sa inyo para ma-surprise kita," sagot ng lalake. Anong sabi niya lola, so ibig sabihin...,siya nga, siya nga ang apo ni ma'am Veronica.

Oh my, hindi ako makapaniwala nakita ko na siya, mas gwapo siya sa personal. Bakit ganito ang puso ko? Ang bilis ng tibok hindi ako makahinga...

"Ara tulungan mo ako....,bigyan mo ako ng tubig....!!!"

"Eka anong nangyari sa'yo? Tulong! Tulong! Si Eka hinimatay!!!!! Ekaaaaaa!!!!!!!!!!....."

Maid for Real ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon