Miriana's POV
Maaga akong nagising dahil may plano akong mag jogging, you know exercise ganon.
Pumunta muna ako sa kusina para magluto ng umagahan para kila tita at auxy.
Nag prito lang ako ng eggs and hotdogs typical breakfast nila yan, habang ako diet² lang kasi nga sa pageant na sasalihan ko. Excited na kinakabahan ako dun.
Pero anyways mag jogging na nga lang ako maglilibot lang ako dito.
Habang pauwi ako may nakita akong magandang tambayan agad naman akong pumunta doon at nagpahinga saglit.
Ang ganda talaga pag sa probinsya ang aliwalas ng paligid di kagaya sa manila na mausok magulo puro traffic.Akalain mo nga naman no may magaganda parin talagang lugar. Isa na don ang Ilocos Norte.
Matapos kong magpahinga binalak ko ng umuwi.
Nakarating ako ng bahay nadatnan ko si Gov. At si Sandro. Wla naman kaming usapan na magkikita ngayon eh.
"Magandang umaga Gov. And Sir Sandro" bati ko sakanila
"Magandang umaga rin Riri"bati nilang dalawa.
"Kumain na ba kayo?"tanong ko.
"Yes tapos na"Sagot ni Sandro
"Bakit pala kayo nandito?"tanong ko ulit
"Aayain ka daw gumala ulit" si tita ang sumagot
"Wala ba kayong trabaho ngayon?".
"Wala naman masyadong gagawin kaya naisipan namin na isama ka nalang sa pag gala para mailibot ka den dito" sagot ni gov. Matt.
"Isama mo na din yung friend mo if wala siyang gagawin"sambit ni sandro.
As usual kinikilig na naman si aux.
"Gustohin ko mang sumama eh busy talaga ako kayo nalang"malungkot na saad ni aux
"Maybe next time you can join us na"sandro smiled to her
Patago naman akong hinampas ni aux dahil sa kilig. Ewan ko ba dito sa babaeng to mapanakit pag kinikilig
"Magpapalit muna ako Gov"
"Osige antayin ka namin"Si sandro ang sumagot habang si Gov ay naka ngisi.Pagpasok ko sa kwarto sumunod naman si aux.
"Ang gwapo ni Sandro gaga"kinikilig na naman to
"Bat kasi di ka nalang sumama samin"
"Eh busy nga ako alam mo na, ikaw buti napagsasabay mo nursing tsaka ganto"
"Nahihirapan naman ako pero kakayanin para sa future diba"sagot ko
"Bat kasi di ka nalang lumipat dito"
"Nakakahiya nga sainyo tsaka one year nalang oh makakatapos na ako"
"Dito ka nalang kasi para sabay tayo sa lahat mare"pagmamaka awa ni aux
"Pag iisipan ko mare"
"Osige na magbihis kana at inaantay ka na nila. Pagkatapos non ay lumabas na siya at naligo na ako at nagpalit.(check niyo nasa taas.)
Nagpa alam na ako kay tita ay bumyahe na kami
Nakakabingi sa sobrang tahimik sa kotse ni gov.
Tinitignan ko na lamang ang mga bahay na nadadaanan namin. Ang gaganda at simple lang ang mga kabahayan dito hindi katulad sa Manila na magulo.
Hindi rin masyadong traffic dito.
Habang nagtitingin ako ng nga bahay dito ay nagsalita si Gov.
"Nakakabingi naman katahimikan niyo"pabiro niya
YOU ARE READING
My Congressman (Sandro Marcos)
Short StoryMarcos a surname that is very well known not only here in Philippines but also all over the world.