♡1♡

351 16 2
                                    

Ilah's POV

"Hold my hand, Ilah" sabi ng isang batang lalaki sabay abot ng kamay nya sa akin. "Okay kua" sagot ko naman dito at inabot ang kamay nya. Sabay kaming naglakad papasok dito sa Mall, nakita ko rin na may kasama pa kaming dalawang batang lalaki na di nalalayo sa edad namin. Pero malabo ang itsura nila. "Kua, kua let's go there!" sabi ko sabay turo sa mga batang nagkukumpulan sa isang bear mascot. Hindi pa sya nakakasagot ay agad kong binitawan ang kamay nya at tumakbo sa mascot na iyon. "Ilah! Ilah! Wait for me! Wait for Kuya!" rinig kong sigaw nya mula sa likod ko. Nakarating na ako sa harap ng bear mascot kasama ng mga batang nakapaligid dito.

Hindi ko na naririnig ang pagtawag nung batang lalaki sakin. Lumingon ako para hanapin sya pero hindi ko na sya makita. "Kuaa, kuaaa, where are you?" naiiyak na sambit ko. Lumapit sa akin ang bear mascot at kinarga ako palabas ng Mall. Iyak ako nang iyak dahil hindi ko na mahanap ang batang lalaki na kasama ko kanina. Hanggang sa tuluyan na akong nawalan ng malay.

"KUYAAAAA!!" sigaw ko habang hinahabol ang hininga. "Ilah, okay ka lang? binabangungot ka nanaman ata" nag aalalang saad ni Trixie. Tumango lang ako bilang tungon. "Sandali, kuha lang ako ng tubig" pagkasabi nya non ay agad syang lumabas ng kwarto at kumuha ng tubig.

"Ayun pa rin ba yung napanaginipan mo?" tanong nya at inabot sa akin ang dalang tubig. Uminom muna ako bago sumagot. "Oo, ayun pa rin" sabi ko. "Napapadalas ata yan ah? Nung nakaraan din binangungot ka" saad nito. Napapansin ko nga rin na napapadalas ang panaginip ko na yon. Paulit ulit ang scenario na yun. Hindi ko rin alam kung may ibig sabihin ba yon dahil in the first place, wala naman akong kapatid. "Hindi kaya may ibig sabihin yan?" pagdadagdag pa nya. "Sa totot lang Trix, di ko rin alam e. Baka random lang yun." sabi ko naman at uminom ulit ng tubig. "Nako! Feeling ko hindi yan random lang, tingin ko may meaning yang panaginip mo." sabi nya bago sya humiga ulit sa kama nya. "Tingin mo ganun? Pero anong meaning nun? Wala naman akong kapatid alam mo yan." saad ko at inayos na rin ang sarili bago humiga ulit. Alas kwatro palang kasi ng madaling araw. "Who knows diba? Ask mo kaya si Tita." saad nito. "Sige, tatanong ko nalang kay mama, sa ngayon matulog na ulit tayo." sabi ko bago pumikit. "Hmmm, oo teh kasi may pasok pa bukas." tungon ni Trixie at tuluyan na kaming natulog.

Kinaumagahan ay hindi pa rin maalis sa isip ko ang panaginip ko na yun. Nagkibit balikat nalang ako at nagpatuloy na sa pag aayos dahil may pasok pa kami ni Trixie sa trabaho.

"Ilah! matagal ka pa ba? Baka mamaya ma late tayo, mababawasan yung sahod natin." sigaw ni Trixie mula sa sala. "Patapos na ko! Mag susuklay nalang." sigaw ko pabalik at nagsuklay na bago lumabas ng kwarto.

Naabutan kong kumakain na si Trixie. "Bilisan mo teh! Kumain na tayo." sabi ni nya habang nginunguya ang isang tinapay. "Eto na, mag babaon nalang ako hahahaha tara na!" kumuha nalang ako ng dalawang tinapay at pinalamanan iyon. Tumayo naman na si Trixie at niligpit ang pinagkainan nya. Pagkatapos non ay lumabas na kami ng Apartment at sumakay ng Jeep para pumasok sa trabaho.

Sa isang Hotel pala kami nag tatrabaho netong si Trixie. Nakapag tapos ako ng pag-aaral sa kursong Bachelor of Science in Tourism Management, si Trixie naman ay BS HRM. We're bestfriends since High School days at napag desisyunan namin pareho na tumira sa iisang Apartment nung nag College. Pinayagan naman kami ng Parents namin dahil pareho itong mga nag tatrabaho sa ibang bansa.

Nakarating na kami dito sa Hotel na pinapasukan namin. Wala namang bago, as usual busy ang lahat. Marami rin nag checheck in dahil malapit na ang Ber Months. Ilang pikit nalang maririnig nanaman natin si Jose Mari Chan.

Busy na rin mag decorate dito sa buong Hotel. "Ilah, Trixie! Pinapatawag kayo ni Manager sa office nya. May ipapagawa daw sainyo." salubong samin ni Raf, isa sa mga classmate namin nung High School, dito rin sya nag tatrabaho kasama namin. "Sige Raf, sunod nalang kami. Salamat!" tugon ko. "Hay nako! Ano nanaman kayang ipapagawa satin?" tanong ni Trixie habang naglalakad kami papuntang office. Nagkibit balikat lang ako dahil hindi ko rin alam kung anong ipapagawa samin.

Nakarating na kami dito sa office ni Manager Lim. Kumatok muna kami bago pumasok.

"Come in Ilah, Trixie, maupo muna kayo saglit." ani nya dahil may kinakausap pa ito sa telepono. Naupo naman kami ni Trixie dito sa couch. "Alright...We'll see you then, Sir...Thank you for trusting our Hotel...Bye..." pagkatapos makipag usap ni Ms. Lim sa telepono ay agad nya kaming kinausap ni Trix.

"Didiretsahin ko na kayong dalawa. I want you two to be in charge on this client of ours." Panimula nya, nagtinginan lang kami ni Trix at nagkibit balikat. "We will be having a VVIP guest who will be going to celebrate the upcoming birthday of his Son." tumango lang kami ni Trixie habang patuloy pa sya sa pag didiscuss tungkol sa client namin na yon.

Lunch time na at nandito kami sa Cafeteria kasama namin si Raf at nagtatanong about dun sa pinapagawa samin ni Manager. "So ayun nga, sinabihan na nya kami ahead of time. Pero medyo matagal pa naman daw." sabi ni Trixie. "Tulong ako ah! Balita ko VVIP daw talaga yung client e." saad naman ni Raf. "Oo naman! Need talaga namin tulong mo hahahaha" saad ko. Nagpatuloy pa kami sa pag kukwentuhan ng mga ilang minuto bago tuluyang bumalik sa trabaho.








♡♡♡♡♡

Don't forget to follow me and vote for this chapter. Enjoy reading mga marecakes!! <3

Ps. sorry for the short update, bawi ako next time hehe.

The Lost PrincessWhere stories live. Discover now