♡4♡

189 12 0
                                    

Ilah's POV  


Hanggang ngayon ay nakatulala pa rin ako sa lalaking nasa harapan namin. Hindi pa rin ako makapaniwala na isa pala syang Marcos. Nakita kong papalapit na si Manager Lim sa pwesto namin. 

"Good Moring, Sir!bati ni Manager Lim sa kanila, at bumati rin sila pabalik. Nag usap pa sila tungkol sa ibang bagay kaya umalis na muna kami. 

"Huy teh! Bakit parang namumutla ka? May sakit ka ba?" nag aalalang tanong ni Trixie habang sisunuri ang buong katawan ko. Nilapat nya rin ang palad nya sa noo ko para tignan kung may lagnat ba ako. "Di ka naman mainit, ayos ka lang ba?" tanong ulit nya. "O-Oo, ayos lang ako" saad ko kahit ang totoo ay hindi talaga. "Nako! Kabado yan si inday, pano ba naman sya ang maghahatid mamaya sa guests natin sa hall" biglang singit naman ni Rafael sa usapan. Kung alam mo lang Raf na hindi lang dahil don kaya ako namumutla. "Tingin ko nga rin, ah basta wag kang kabahan teh. Kaya mo yan!" pag eencourage ni Trix sakin. "Salamat, Trix" ani ko. 

Nakatingin lang kami sa pwesto nila Manager at Sir Bongbong dito sa hindi kalayuan. Maya maya pa ay nakita ko si Simon na tumingin dito sa gawi namin. Agad naman akong umiwas ng tingin. Ano ba naman yan Simon? bakit kailangan pang tumingin dito. Kinalabitnaman ako ni Trixie dahilan para mapatingin akong muli sa gawi nila Simon. Nakita kong sumisenyas na pala si Manager na lumpait ako doon. "Tawag ka na teh! Go!" sabi ni Trix sabay tulak ng bahagya saakin. Agad naman akong naglakad papalapit sa pwesto nila. Nakatingin sila sakin habang naglalakad ako papunta sa pwesto nila. Nakita ko pa si Simon na ang laki ng ngiti. Hindi mo alam kung nang aasar ba 'to o ano e. 

Nakarating na ako sa pwesto nila at agad naman akong pinakilala ni Manager sa kanila. "Sir, She's Sandra. One of our outstanding staff here in the hotel. She'll be the one who will tour you to the hall" ani ni Manager Lim. Ngumiti naman ako kay Sir Bongbong at Sandro pero di ako tumingin kay Simon. Nahihiya kasi talaga ako, pero nakita ko sa peripheral view ko na nakatingin at nakangiti sya sakin. "Nice name, Sandra. Parang girl version lang nitong si Sandro" ani ni Sir Bongbong at natawa naman kami. 

Nag kwentuhan pa sila ni Manager at eto ako taga tango at ngiti lang dahil di ko rin naman gustong sumabat sa usapan nila. "Dito ka pala nag wowork ah, nice!" bulong sakin netong si Simon. Tumango lang ako bilang tugon. Natawa naman sya sa inasal ko. Halatang nang aasar ang isang 'to ah. "So, shall we go to the hall now, Sir?" ani ni Manager Lim. "Sure!" sagot naman ni Simon. "You're too excited huh!" sabi naman ni Sandro sa kanya. "O sya, let's go na" ani naman ni Sir Bongbong at tuluyan na kaming naglakad papuntang hall. Nakasunod din ang dalawa sa mga bodyguards nila. 



Simon's POV 


We're here now at the hall and Sandra's touring us around. Halata ko sa mukha nya na kinakabahan sya pero hindi nya yon pinapahalata. Habang nag sasalita sya ay medyo nauutal sya but she managed it naman. Maybe dahil sa incident kahapon? I smiled when I remembered what happened last night. Siguro nahihiya sya ngayon dahil dun sa nangyari. "And that's it, Sir!" Sandra said. Tapos na pala ang tour. "Thankyou, Sandra iha" Pops said to her, Sandra smiled before answering "Wala po yun, Sir. Its an honor to meet you po and tour you here in our hotel. medyo humupa na siguro ang kaba nya dahil malapit na kaming umalis haha. "Its a nice experience iha, and we really enjoyed the tour." dagdag pa ni Pops. "Yes Sandra, we really enjoyed it, but I think Simon enjoyed it the most because he's just smiling the whole tour." Sandro said. No, Sandro, you're wrong. I'm smiling because I remember the reason why I met her. "You're right, Sandro. Thankyou again, Sandra" I said then I smiled at her. She smiled back and said "You're Welcome, S-sir Simon.



Ilah's POV


Finally! Nakauwi na rin dito sa bahay. Baka lagnatin na talaga ko kapag nagtagal pa ko dun sa Hotel. Pano ba naman, sabi ni Sandro kanina na naka ngiti daw si Simon buong tour. Nako Sandro, alam kong hindi dahil sa tour kung bakit naka ngiti yung mokong na yun. Dahil yun dun sa kahapon, siguro tinatawanan na ko non sa isip nya. "Aaaaaa!!" napasapo nalang ako sa ulo ko. "Teh! napano ka dyan? masakit ba ulo mo?" sulpot ni Trix dito sa kwarto. "Wala, may naalala lang akong kahihiyan" ani ko naman. "Hooy! ano yan teh? kwento mo naman!" tumabi sya sakin at kinulit kulit ako na ikwento sa kanya kung ano yun. "Sige na nga, naalala mo yung kahapon?" panimula ko. "Oh? Anong meron kahapon teh? late ka umuwi" ani nya habang iniisip ang nangyari kahapon. "Yung nakita mong nag hatid sakin na sasak---" hindi pa ko nakakatapos ng sasabihin at sumabat sya bigla "OH TAMA NGA KO! JOWA MO YUN!" ani nya sabay palakpak. "Ikalma mo nga yang kaluluwa mo! Patapusin mo muna ko" asik ko dito. 

Tinuloy ko ang pag kukwento sa kanya. Kitang kita sa mukha nya ang pagkagulat. "ANOOOOO?? SI SIMON MARCOS YUNG NAGHATID SAYO KAHAPON?" gulat na ani nya. "Oo nga, kahit ako rin nagulat nung nakita ko sya kanina e" ani ko. "Hanep ka naman teh! Sana all naman sayo!" ani nya habnag tinutusok ang tagiliran ko. "Ano ba! Tigilan mo nga ako, anong sana all ka dyan? nakakahiya kaya" asik ko sa kanya. "Hayaan mo na yun teh! Past is past, ang mahalaga kilala ka na nya, yieeee" hindi pa rin sya tumitigil sa pang aasar. "Boang ka talaga! Ano naman kung kilala nya ko?" binatukan nya naman ako dahil sa sinabi ko "Ikaw ang boang! Maganda yun kasi may chance na maging kayo, yieeeee so happy for you!" ani nya, kita mo talaga sa kanya na kinikilig sya e, baliw. "Chance chance ka dyan, malabo yun tangeks! Isa pa, ayokong ma involve sa politika no!" ani ko. Totoo naman, ayoko talang mabuhay sa ganon, magulo ang buhay politika e. Ayos na ako sa simpleng buhay lang at sa simpleng lalaki. Bakit ba ko nag eexplain? E di naman ako gusto ni Simon. "Kung alam mo lang kung gano karami ang may gusto sa kanila sa Tiktok" ani nya sabay pakita sakin ng mga edited video nila Simon sa Tiktok. "Edi sa kanila nalang hahahaha, tara na kumain na tayo, nagugutom na ko" ani ko at hinila na sya palabas ng kwarto. 






♡♡♡♡♡

Sorry kung natagalan ang update hehe, baka di rin muna ako makapag update bukas kasi aalis ang kumare nyo HAHAHAHA ayun langs hahahaa think u beri mats! ♡



The Lost PrincessWhere stories live. Discover now