Ilah's POV
Mabilis lang lumipas ang mga araw at ngayon ay abala na kami sa pag aayos netong hall. September 9 na ngayon, sa isang araw na ang Birthday Celeberation ni Late President Ferdinand Edralin Marcos at ilang araw lang ay ang birthday naman ni Sir Bongbong, isang celebration nalang ang napagkasunduan nilang gawin. Kaya naman puro kami overtime netong mga nakaraang araw. "Sandra, pa check nung sa sounds natin" ani ni Manager Lim. "Sige po, Ma'am" agad naman akong tumungo sa back stage para icheck ang sound system doon.
"Oh, Sandra. Ikaw ba naka toka dito sa sounds?" tanong ni Kuya Jun. Si Kuya Jun ay ang isa sa mga technical team na laging naka assign kapag may mga ganitong big events. Matagl na rin kasi sya dito kaya gamay na nya ang mga ito. "Opo Kuya Jun, pwede ko po bang icheck yung mic?" ani ko. Inabot naman sakin ni Kuya Jun ang tatlong mga micna gagamitin para bukas. Dalawa dito ay para sa Host ang isa naman ay extra.
Pumunta ako sa harap ng stage para dito itesting nag mic. "Hello, hello, mic test, mic test, 1,2,3" saad ko. Nakita ko namang nagulat ang ilang ka trabaho ko dahil sa boses ko. Ang lakas kasi nung speaker. Sumenyas ako kay Kuya Jun na hinaan ito ng kaunti. Nag okay sign naman sya kaya triny ko ulit. "Hello, mic test" naghiyawan naman sila ngayon. Akala naman nila kakanta ako. "Whooooo! Go Sandra!" "Sample naman dyan ng isang kanta oh!" "Go teh! Bestfriend ko yan!" rinig ko din na hiyaw ni Trixie habang nag aayos ng upuan para ilagay sa table. Nakita ko rin si Manager Lim na sumenyas ng thumbs up. Pati si Manager ay nakisali rin sa kalokohan nila.
Akmang babalik na ko sa back stage pero biglang nag play ang music. Nakita ko rin na nag thumbs up si Kuya Jun habang natatawa. Pati si Kuya Jun ay nakisali na rin sa kalokohan nila. Di talaga ako magaling kumanta, pero ang sabi nila maganda daw ang boses ko. Hindi naman ako naniniwala dahil baka sinasabi lang nila yon dahil kaibigan nila ako. Wala na akong nagawa kundi pagbigyan sila. Inopen ko ulit yung mic at nagsimulang kumanta.
"There I was again tonight
Forcing laughter, faking smiles
Same old tired, lonely place
Walls of insincerity, shifting eyes and vacancy
Vanished when I saw your face
All I can say is, it was enchanting to meet you"Kita ko sa mga mukha nila ang pagka mangha sa boses ko. Napapalakpak pa si Manager Lim na ani mo'y anak nya ako na nag peperform dito sa stage. Si Rafael naman ay kunyarig naiiyak at nag pupunas kuno ng luha. Natawa nalang ako sa mga reaksyon nila.
"Your eyes whispered, "Have we met?"
'Cross the room your silhouette
Starts to make its way to me
The playful conversation starts
Counter all your quick remarks
Like passing notes in secrecy""And it was enchanting to meet you
All I can say is, I was enchanted to meet you"Sakto naman ang pagdating ni Simon. Nagulat ako at napatigil sa pagkanta. Dahilan para mapatingin silang lahat kay Simon. Anong ginagawa nya dito? Halata rin sa mukha ni Manager Lim ang pagkagulat, hindi nya rin siguro alam na pupunta si Simon dito. Nakita ko pang ngumiti si Simon sakin. Agad naman akong tumungo sa backstage para ibalik na yung mic at bumalik na ulit sa pag aayos sa baba.
Pag labas ko sa back stage ay agad akong sinalubong ni Trix. "Ang galing mo talaga teh! Kaso dapat di ka nag stop e" ani nya sabay hampas sa braso ko. "Tangeks! Nakakahiya kaya kay Sir Simon" ani ko naman sabay lakad papunta sa isang table at inayos ang vase don. Sumunod naman si Trix sakin. Nakita ko si Manager Lim at Simon na nag uusap sa di kalayuan. "Asus! Sir Simon daw, pero napag kamalang grab driver nung nakaraan. Ewan ko sayo teh!" ani nya habang natatawa. Sinamaan ko lang sya ng tingin.
Habang nag aayos pa kami ng ibang table at chairs dito, nakita kong papalapit si Simon dito sa pwesto ko. "Your voice is beautiful huh" ani nya at ngumiti. "Hindi naman po S-Sir" tugon ko naman sa kanya. "If you want you can have a performance sa birthday ni Pops. I'm sure matutuwa sya sa boses mo" dagdag pa nito. "Nako po S-Sir S-Simon, nakakahiya naman po at tsaka di naman po ganun kaganda yung boses ko. Wag nalang po" ani ko naman. Nakakahiya naman kung mag peperform pa ko sa birthday ni Sir Bongbong. May mga set of performers na din naman at tsaka mas magagaling yun kesa sakin. "All right, I won't force you, but on one condition." ani nya at nag cross arms. Anong kundisyon naman kaya yon? "Ano po yun S-Sir?" kikanakabahan na ako sa kung anong kundisyon ang sasabihin nya. "You'll sing on my birthday" ani nya at ngumiti nanaman na para bang nang aasar. "And oh! Don't call me Sir, Simon nalang" dagdag pa nya. Tumango nalang ako bilang tugon. "Okay, S-Simon. Pero bakit? I mean why do I have to sing on your birthday?" ani ko. Napaisip naman sya sa tanong ko. "A gift" maikling sagot nya. May tumawag sa kanya kaya nag excuse muna sya na sasagutin iyon. Naglakad sya palabas at kumaway nalang sakin.
Lumapit naman agad si Trixie at nagtanong kung anong pinag usapan namin ni Simon. Kinuwento ko naman sa kanya yung napag usapan namin at yung gusto ni Simon na kumanta ako sa birthday nya. Kinikilig naman si gaga. "Nako teh! Feel ko talaga may gusto sayo yan si Simon" ani nya habang kinikilig. "Ang mema mo! Walang gusto sakin yun no! Tara na nga, tayo nalang naiwan dito oh!" saad ko. Lumabas na kasi yung iba at kami nalang naiwan dito. Alas kwatro na rin pala ng hapon. Habang naglalaad y hinid pa rin tumitigil si Trixie kakapilit na may gusto sakin si Simon. "O sige nga teh, kung wala syang gusto sayo, bakit ka nya papakantahin sa birthday nya?" kanina ko pa rin talaga iniisip kung bakit. "Hindi ko alam, baka trip nya lang" ani ko at nagkibit balikat nalang. "Pumayag ka naman! Edi gusto mo rin" gusto ko rin ba? wala lang naman akong choice. "Wala lang akong choice no! Tama na nga, nagugutom na ko. Pa libre tayo kay Raf" pag iiba ko ng usapan. Sakto naman na nakita namin si Raf dito sa Cafeteria.
Gusto ko nga rin ba?
♡♡♡♡♡
Sorry for the short update hehe try ko ulit mag update mamayang gabi. Stay safe! ♡
vote and follow mga marecakes! ♡
YOU ARE READING
The Lost Princess
FanficMeet Ilah, a happy-go-lucky girl who has so many dreams for her family. She's living a peaceful life, not until she finds out her real identity. And that is, she's the missing daughter of the President of the Philippines, Bongbong Marcos.