♡2♡

250 16 4
                                    

Sandro's POV

"Welcome home anak!" salubong ni Mom sa akin pagbaba ko mula sa kotse. I smiled and kiss her on her cheeks. "I missed you, Mom!" "We miss you too, Sands. How's London?" she asked. "Its good mom" I replied. I really missed being here in our home town, Ilocos Norte.

"Oh! Sandro's here na pala" sabi ni Simon at lumapit samin dito sa Sala. "No. This is not me, this is just my clone." ani ko. Natawa naman si Mom sa sinabi kong iyon. "You two, stop teasing each other." saway ni Dad. "Anyways, Welcome back anak!" ani nya at sabay yakap sa akin. "Thanks, Dad!" I replied.

Umuwi ako dito sa Pinas dahil malapit na ang Ber Months, which means malapit na ang Birthday ni Lolo, Dad, at ni Simon. Ayoko pa sanang bumalik dito sa Pinas. Knowing na hindi pa rin nahahanap ang matagal na naming gustong makita at makasamang muli.

18 years...Even though it has been 18 years, the pain is still present. I recall that fateful day when she went missing. I was admitted to the hospital because I had been crying all day and had lost my appetite. That incident is entirely my fault. I couldn't keep her safe. So that Mom and Dad decided to send me to London to forget about what had happened. Nakatulong, Oo. Pero makalimot hindi, lagi ko syang napapanaginipan nung nasa London pa ako. I had been missing her terribly. I'm hoping we'll find her one of these days. She used to call me "Kua" and I really missed it. I made a promise to myself that once we found her, I would stay by her side and never leave her again.

Ilah's POV

Umaga nanaman, and as usual walang bago. Papasok na kami ni Trix sa trabaho, day off namin bukas kaya nag uusap kami kung saan kami pwedeng gumala bukas. "Hmmm.. What about Tagaytay?" masayang saad ko. "Pwede ah. Pero hindi ba malayo? Tsaka teh! malapit na mag Ber Months, malamig na lalo dun!" ani nya. "Bruha ka talaga! Ayun nga yung maganda don e! Di rin naman masyadong malayo hahaha. Ano? G na? Sama natin si Raf" ani ko sabay palupot ng kamay ko sa braso nya.

Sakto naman ang dating ni Raf dahil andito sya sa entrance ng Hotel. "Ilah, Trixie! Good morning!" masiglang bati nya samin. "Good morning, Raf!" sabay na sagot namin ni Trix sa kanya. "Ano yung pinag uusapan nyo bago kayo pumasok? Parang narinig ko yung pangalan ko ah! Kayo ah, pinag chichismisan nyo pa ko." pag bibiro ni Raf habang tinutusok tusok ang bewang ko. "Ano ba Rafael! Nakikiliti ako!" angil ko sa kanya, tumigil naman sya at nag peace sign. "Ano kasi yun? hahaha manlalalaki kayo no? Sama nyo ko dyan mga teh!" saad nya sa pinaka maliit na boses na kaya nya  habang kunyaring hinahawi ang buhok at isinukbit sa tenga nya. Natawa naman kami sa ginawa nya. "Joke lang! HAHAHAHA ano ba kasi yun?" ani nya.
"Nag iisip kasi kami ni Trixie kung saan pwedeng pumunta bukas since day off naman." panimula ko. "Oh tapos? Saan nyo balak?" si Raf. "Balak namin ni Ilah sa Tagaytay." sagot naman sa kanya ni Trixie.  "Gusto mo bang su---" Raf cut me off. "Oo naman mga teh! Join nyo ko dyan!" ani nya habang nag babakla baklaan ulit HAHA talaga 'tong lalaking 'to. "Ayyy go mare!" ani ko. Tawang tawa naman kami sa mga kalokohan namin.

[KINAGABIHAN]

"Ilah, mauna ka na muna palang umuwi." ani ni Trixie habang nag aayos ng sarili sa harap ng salamin. Pauwi na kami dahil tapos na ang shift namin. Nag CR lang kami saglit para mag ayos. "E? bakit? San ka ba pupunta? Samahan na kita" ani ko naman habang nag pupulbo. "Wag na, saglit lang rin naman ako, uuwi rin ako oki?" wala na akong nagawa kundi tumango nalang bilang tugon.

Naglakad na kami palabas ng Hotel at bago kami mag hiwalay ay nag bilin muna sya sakin na parang nanay. "Yung mga bilin ko ha? I lock mo yung gate at pinto dahil may susi naman ako, tapos wag kang mag papapasok ng kung sino sino. Babalik din naman ako agad" mahabang lintana nya. "Opo, Mama. HAHAHAHA" pang aasar ko sa kanya. Umirap lang sya bago bumeso sakin at tuluyang naglakad paalis. "Ingat, Ma!" pahabol ko pa. Nakita ko naman na itinaas nya lang ang kanang kamay nya at winagayway ito.

Nag book nalang ako ng Grab para mabilis nalang akong makauwi. Makalipas ang ilang minutong paghihintay ay may pumaradang isang sasakyan sa tapat ko. Eto na kaya yun? kanina pa kasi walang update si Kuyang Driver e. Pumasok nalang agad ako sa loob dahil umaambon na rin.

"Kuya, Pa check nalang po yung address dyan. Thankyou po" ani ko. Nag text ako kay Trixie para iupdate sya na pauwi na ko at kakasakay ko lang. Nag scroll lang ako sa Facebook habang hinihintay kung kelan aandar 'tong sasakyan ni Manong. "What? Do i look like a grab driver?" asik ni Manong.

Omg-- Don't tell me na hindi ito yung na book ko sa grab? huhu shutaaa nakakahiyaaaa!! Pano na ngayon?

"Hala! Sorry po Manong, akala ko po kasi eto na yung na book ko e. Same car po kasi, my fault kasi di ko tinignan yung plate number." mahabang paliwanang ko. Potek na kahihiyan 'to! Hakdog kasi si Trixie e!! Aishhh!!

"Do I look like a Manong also?" asik nya ulit at humarap sakin. Oo nga, hindi sya mukhang manong. Tingin ko nasa around 20's lang din yung age nya. Halaa!! baka mamaya kidnaper pala 'tong nasakyan ko. Omg!! Heeeeelp!!

"Halaa! Sorry talaga Kuya, bababa na po ako. Pasensya na sa abala" abi ko. Pababa na ko ng sasakyan nya pero pinigilan nya ako. "No, Its okay. Masyadong malakas ang ulan sa labas, Look!" ani nya. Napatingin naman ako sa labas at tama nga sya, sobrang lakas ng ulan. Pero teka nga, baka mamaya kidnaper talaga 'to e.

Napansin nya atang kinakabahan ako kaya nag salita ulit sya. "Don't worry, I'm not a kidnaper or anything that your thinking right now haha" ani nya sabay ngiti. Omo!! nababasa nya kaya yung nasa isip ko? Myghaaaad!! "and oh! I'm not a mind reader or anything haha your actions and facial expressions kasi" dagdag pa nya. What the-- bakit ba kasi ang lakas ng ulan? Uwing uwi na ko!!

"Okay, So to make you feel comfortable, let me introduce myself. I'm Simon" ani nya sabay abot ng kamay nya.







♡♡♡♡♡

Henloooo!! How's everyone? I hope you enjoyed this chapter <3. Please do vote and follow me. Thank youuu!! <3

Tiktok: @simonphile

The Lost PrincessWhere stories live. Discover now