Carla's POV [Ilah's Mom]
"So when do you plan to tell her?" Anton asked, my husband. "I'm afraid of how she'll react when she finds out" sagot ko naman sa kanya. "She'll understand it naman, she's at the right age na and she deserves to know the truth, Hon" ani nya sabay yakap sakin. "I know, Hon. Maybe when we get back to the Philippines. I'll tell her right away" saad ko. Maintindihan mo sana kami anak. Mahal na mahal ka namin ng Daddy mo.
Ilah's POV
Today is the day. Busy na ang lahat simula pa kanina dahil ang daming bisita ng mga Marcos. Ngayon na ang birthday ni late President Ferdinand Marcos. Sa isang araw naman ang birthday ni Sir Bongbong pero ngayon na din ginanap.
Magkasama kaming na assign ni Trixie dito sa Hall para mag assist sa mga bisita nila. Si Raf kasi ay sa lobby na assign para sa Checking ng mga guests. Bago pala 'tong event na 'to ay nag research na ko about sa kanila, ayoko na ulit mangyari yung nangyari samin ni Simon nung nakaraan. Mabuti na yung kilala ko na sila. Walo silang apo ni FEM at puro mga lalaki, ang pinaka matanda ay yung Borgy na anak ni Senadora Imee at ang bunso ay yung Vincent na bunsong kapatid nila Simon.
"Teh! malapit na daw mag start" bulong ni Trixie sakin. Andito kami naka pwesto malapit sa pinto netong Hall. Marami na rin palang bisita ang nandito, karamihan ay mga nasa politika dahil nakikita ko yung iba sa TV kaya alam ko na politicians sila. "Sige, mag CR lang ako saglit ha?" paalam ko dito bago naglakad paalis, narinig ko pa syang nagsabi na bilisan ko daw, tumango nalang ako bilang sagot.
Nakarating na ako dito sa CR at nag ayos ng sarili. Inayos ko ang buhok ko dahil magulo na pala ito, naka lugay kasi mula pa kaninang umaga, pinusod ko nalang ito para umayos. Tinignan kong muli ang aking sarili sa salamin bago tuluyang lumabas.
Habang naglalakad ako pabalik sa Hall ay may nabunggo akong lalaki. "Sorry po Sir." paghingi ko ng paumanhin dito. "Sorry din, I'm not looking where I'm going" ani nya sabay tawa at kamot sa ulo na ani mo'y nahihiya. "No, Sir. Ako po talaga yung hindi tumitingin sa nilalakaran ko. Sorry po talaga" paghingi ko ulit ng pasensya. Natawa naman sya bago magsalita ulit. "You know what? I think di naman nagkakalayo ang age natin so stop that "po" na" ani nya at natawa ulit. Napaka masayahin naman netong si Vincent. "And stop calling me Sir na rin, Vinny nalang. You ba? What's your name?" dagdag pa nito. Hindi rin naman pala madaldal itong si Vinny no? Wala 'to sa na search ko e. "I'm Sandra po" sagot ko. Hindi ko talaga maiwasang hindi mag "po" sa kanya, kahit na di naman talaga nagkakalayo yung edad namin. "Oh! What a beautiful name. You know what? My brothers name is Sandro but that's not really his full name. His name is Ferdinand Alexander." mahabang sambit nito. Ma kwento talaga 'tong si Vinny at mabungisngis e. He's cute, siguro kung may kapatid lang ako tapos ganito ang ugali, malamang close na close kami. "Ahh, opo. I met him the other day" sagot ko naman. Same sila ni Sir Bongbong ng reaction about sa name ko. "I said stop that "po" na e, I'm only 24 kaya" ani nya habang nakangiti. Ang cute nya talaga. Sir Bongbong, uwi ko na po si Vinny ah? hahaha joke! "How about you?" dagdag pa nya. "I'm 22" maikling tugon ko. Sumenyas sya na maglakad na kami pabalik dun sa Hall. Habang naglalakad pabalik sa Hall ay puro pa rin sya tanong at kwento. Getting to know each other ba 'to? "Andito na pala tayo" ani nya. Finally nakarating na ulit. For sure marami nanamang tanong si Trixie kung bakit matagal ako. "See you around, Sandra." ani ni Vinny bago pumasok sa Hall.
Pumasok na rin ako at agad na hinanap si Trixie dahil nawala sya dito malapit sa pinto. Naka recieved ako ng text mula sa kanya at ang sabi ay nasa kabilang pinto daw sya ng Hall. Agad naman akong pumunta don. "Ano na teh? akala ko na-flush ka na sa inidoro e" asik nya. As usual, Trixie yan e. "May nakausap lang kaya natagalan" ani ko naman. "Sino nanaman yan ha?" pag uusisa nito. "Thank you everyone for coming tonight" panimula ni Sir Bongbong. Thanks god! Hindi na ko kukulitin ni Trixie dahil magsisimula na ang program netong party. "Chika mo later ah!" ani nya. Tumango nalang ako bilang tugon.
After mag short speech ni Sir Bongbong ay nag umpisa na ang Party. May mga nag peperform na sa stage. Si Sir Bongbong naman ay nag iikot sa mga table para kamustahin ang mga bisita nila. Nakita ko naman si Simon na parang may hinahanap. Magkakasama silang magpipinsan at nag kukwentuhan, naka pwesto sila medyo malapit sa stage. Nang makita nya ako ay agad syang ngumiti. Ako pala yung hinahanap nya. Pero bakit ako? Nagkibit balikat nalang ako. Baka hindi naman talaga ako yun.
Natapos na ang Party at nakauwi na rin kami ni Trixie, 1am na rin pala. Sobrang dami kasing nag perform tapos may mga message pa ang mga anak at apo ni former President Ferdinand Marcos sa kanya. Ganon din ang ginawa nila kay Sir Bongbong. Puro tawanan at iyakan ang nangyari kanina. Ang saya tignan ng pamilya nila. Simple lang sila kung makikita nyo sa personal.
"Yung chika mo teh! di ko yon makakalimutan" ani ni Trixie habang nag lalagay ng facial mask, sana all may skin care, ako kasi hilamos hilamos lang. "Chismosa ka talaga no?" ani ko habang nag aayos ng higaan. "Alam mo yan teh! Kwento mo na" pangungulit nya. Partida hirap na yan magsalita dahil sa mask na nakalagay sa mukha nya pero para sa chika wapakels. "Kasi ganito yan, nagkabungguan kami ni Vinny kanina paglabas ko sa Restroom" panimula ko. "How to be you po lods?" pang aasar nya. "Nung una si Simon nakilala mo tas ngayon naman si Vinny." dagdag pa nya. Hindi ko sya pinansin at nagtuloy lang sa pag kukwento. "Pinagpala ka talaga sa babaeng lahat, Ilah" ani nya habang tinatanggal ang nasa mukha nya n facial mask. Inirapan ko lang sya at humiga na. Inaantok na kasi ako, ang daming ginawa kanina sa event. "Boang! Matulog na tayo, antok na ko" ani ko. "Tapusin ko lang 'to" sabay turo sa mukha nya, ngayon kasi ay nagpapahid naman sya ng kung ano. "mauna ka na matulog, goodnight!" ani nya bago magpatuloy sa paglalagay ng kung anek anek sa mukha nya habang naka harap sa salamin. Pumikit naman na ako para matulog. panibagong araw nanaman bukas.
♡♡♡♡♡
halloooo~ goodmornight! sleep well hehe pag gsising nyo makikita nyo na 'tong update HAHAHAHAHA
vote and follow~
YOU ARE READING
The Lost Princess
FanfictionMeet Ilah, a happy-go-lucky girl who has so many dreams for her family. She's living a peaceful life, not until she finds out her real identity. And that is, she's the missing daughter of the President of the Philippines, Bongbong Marcos.