Chapter Twenty One

1K 43 12
                                    

MOMENTS

"Isa sa mga kakaibang ugali ng mga tao ang pagkakaroon ng mga pagkakataon na nadadala sila sa kanilang mga emosyon. Sa mga pagkakataong ito, nakakaramdam sila ng kakaibang kasiyahan na itinuturing nilang mahalagang bahagi ng buhay nila..."—Miguel, Angelic Doctrines LXX

Midnight na nung magising ako. Na-sense ko agad that I was floating on air, and may spiritual being na nakayakap sa kin while using healing powers sa kin.

I opened my eyes to see who it was.

Si General Rafael pala.

Wow ha. Inaalagaan talaga ako ni General?

And then I remembered yung confrontation namin with General Miguel and the rest of the castaways sa warehouse na yun. I remembered kung anong ginawa ko and kung gaano kasakit yung tama ko.

Sheesh... Ayoko nang ulitin yon...

Pinakiramdaman ko yung back ko where General Miguel hit me with his ultimate light beam. I tried to sense kung may pain pa doon or kung may injury. So far so good. Walang pain or injury. Mukhang naka-recover na ko. Dahil ba sa healing powers ng mentor ko na nagiging FC na sa kin?

Anyways, yung healing powers na ginagamit niya sa kin was already recharging my strength since magaling na yung tama ko.

But then again, I remembered yung naging situation namin sa warehouse. Bigla akong nag-worry sa kanya. Parang impossible kasi kaming naka-escape doon unscathed. So I looked at him and checked kung may injury siya.

I sighed with relief because wala naman pala.

"Anong nangyari?" asked ko na lang sa kanya.

"Nakatakas tayo," replied niya.

"Papano? Si Boss Miguel yun. Hindi ka makakatakas dun."

"Inilipad kita. Hinabol niya tayo pero dumating yung ibang anghel para ipagtanggol tayo."

"Anong ginawa nila kay Boss Miguel?"

"Wala. Itinaboy lang. May katawang tao siya. Hindi siya pwedeng saktan."

"Pero pwede siyang labanan nang hindi sinasaktan yung human body niya, di ba? Tinuruan mo na ko kung papano, di ba?"

"Iilan lang tayong nakakaalam nun..."

Natuwa ako dun. Blessing pala na nag-train ako under him para makalaban sa mga castaways.

Pero mas happy ako na itinakas niya ako from that swarm of castaways sa warehouse when I was knocked out. I guessed I owed him big.

So I smiled at him. "Thank you, Sir," sabi ko, with lambing of course.

Nag-shake his head siya. "Ako ang dapat magpasalamat, Ananiel."

"Iniligtas mo ko, Sir. Kaya nagte-thank you ako."

"Iniligtas mo din ako. Tinanggap mo ang atakeng para sa akin."

Napa-smile ako lalo. Enjoy na enjoy ko yung moment namin na yon. "Does that mean na close na tayo, Sir?"

Tiningnan niya ko nang masama and then bigla niya kong binitawan. I almost lost balance dahil dun. "Ang ibig sabihin, patas lang tayo," pagsusungit niya na naman.

Pero nag-smile lang ako. Nilapitan ko pa siya. FC na kung Fc pero sayang kasi yung moment na yun. "Sir naman. Wag ka na kasing pakipot. Close na tayo, di ba?" lambing ko ulit.

For the Love of an AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon