Chapter Twenty Six

1K 42 16
                                    



RECOVERY


"May isang mabisang gamot sa kahit anong sakit, paghihirap, at pagdurusa ng kaluluwa. Ito ang pag-ibig na totoo at walang bahid ng pagiging makasarili..." - Danyael, Angelic Chronicles XVII


When I woke up, nasa isang white room ako. The room was familiar. Yun yung in-patient room where angels who had been on the stone table were allowed to rest. Usually kasi, after matapos yung painful healing session sa stone table, nagiging unconscious yung patient for two to three heavenly days.

Naisip ko, nasa heavenly hospital pa pala ako.

Nag-check ako agad sa heavenly information network. Na-verify ko na after one day sa stone table, I had been unconscious for two days. Meaning, three heavenly days na ko dun sa heaven, which would translate to the minimum of three Earthly weeks kung gagamit ako ng time warp technique. Wag nyo nang itanong kung papano gawin yung time warp technique. Hindi ko sasabihin. Hehehe...

Anyway, kahit three Earthly weeks had passed na, hindi ko naman nami-miss sila James and Isabel. Actually, iba yung nami-miss ko. Sino? Si General Rafael, syempre. In fact, worried pa din ako sa kanya even though we both went through the stone table.

So bumangon agad ako to find him.

Pag-exit ko sa door ng white room, inabutan ko siya sa labas. He was talking to Sir Goma right at that moment, and mukhang serious yung convo nila.

"Rafael, sigurado ka ba sa sinasabi mo?" asked ni Sir Goma kay General. "Alam naman nating lahat na si Miguel lang ang nagkatawang-taong anghel na mas malakas sa 'yo."

"Sigurado ako, Gamaliel," sagot ni General. "Hindi si Miguel 'yon. Impostor 'yon. Sa dami ng ginawa naming pagsasanay ni Miguel na magkasama kami, alam na alam ko ang sakit ng atake niya."

"Pero sino naman 'yon? Papa'no naman magkakaroon ng nagkatawang taong anghel na mas malakas sa 'yo kung hindi si Miguel 'yon?"

"Ang iniisip ko, baka pwedeng lumakas ang mga nagkatawang-tao dahil sa tagong kapangyarihan ng liwanag ng mga tao. Kung magsasama kasi ang kapangyarihan ng liwanag ng anghel sa kapangyarihan ng katawang tao niya, hindi ba mas magiging malakas siya?"

"Wala pang anghel na nakakaalam kung papa'no nagagamit ng mga tao ang kapangyarihang iyon. Imposible ang sinasabi mo."

"Wala pa, sa ngayon. Pero hindi imposible."

"Imposible 'yon. Hindi hahayaan ni Ama na mangyari iyon. Hindi tama na lumabis sa kapangyarihan ang kahit sinong nilikha Niya."

Whatever they were talking about, hindi ako nag-focus doon. Nag-focus ako kay General. Napa-sigh of relief ako because mukhang okay na siya. But I had to be sure. Sobrang concerned ako sa kanya.

So I barged into their convo and talagang hinarap ko si General. "Master, musta ka na?" asked ko agad, with matching inspection sa chest niya. I wanted to know kasi kung fully healed na nga yung injury niya. Sa chest kasi yung injury niya when I first saw him at the stone table.

Instinctively, nag-cross agad yung eyebrows niya. Nag-stare siya sa kin nang masama. Parang nagalit siya.

Well, understandable naman yung galit niya na yon. Umepal ba naman ako sa convo ng dalawang generals. Ang kapal lang naman ng mukha ko, di ba? And of course, alam ko namang masungit talaga siya kaya ganun agad yung reaction niya.

Si Sir Goma naman, napa-stare down na lang sa kin. I didn't know why, pero nag-step back na lang siya and allowed me to talk to my Master.

"Sagutin mo naman ako! Musta ka na?" repeat ko sa question ko kay General.

For the Love of an AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon