(1): Classroom

16 2 0
                                    

Nagising ako dahil sa maingay na bunganga ng aking ina.

Tangina naman kasi bungangera talaga.

"Ano na Zandra!tanghali na nakahilata kapa, tumayo kana dyan"

"Susunod na po ma"

Naligo na ako at ginawa ang mga ritwal ko, paglabas ko ay hindi maintindihan na mukha ni Zendra ang nakita ko, inirapan ko nalang sya at dumiretso sa hapag.

"napakatagal lagi kumilos" rinig kong bulong ni Zendra kaya naman tinaasan ko sya ng kilay.

"wag moko simulan sa kamalditahan mo Zendra ha" pagsusungit ko sa kanya kaya naman yumuko at kumain na lamang sya.

Sinulyapan ko si Zeus, bunso namin. Nang magtama ang tingin namin ay nginitian ko sya ngumiti din naman sya pabalik.

Kumain na kami at nang matapos ay sumakay na sa kotse, oo may kotse ako regalo ni papa nung last birthday ko na andito pa sya.

"Ate, daan tayo sa convenient store bibili lang ako ng pagkain" saad ni Zendra.

"May canteen naman tayo Zendra" sabi ko nang hindi lumilingon sa kanya pero nakita ko ang pag-irap nya.

"tinatamad nga ako lumabas" pabalang na sagot nya, wala akong oras makipagtalo kaya naman niliko kona ang manubela.

Nang makarating kami ay agad kaming pumasok sa store at bumili na rin ako ng snacks, pagkatapos ay dumiretso na kami sa school.

"Zandra!" sigaw ni Callie na kakarating lang din, nginitian ko sya bago sumalubong.

"Aga mo ngayon ha" sabi ko sabay hawak sa braso nya.

"Pupunta kasi ako sa library, ibabalik ko to tapos kukuha ako ng bagong libro" sunod-sunod na salita nya at turo sa libro.

Papunta kami sa library ng may makasalubong kaming tumpok na grupo ng mga estudyante, para bang may binubully nanaman sila.

"kabago-bago mo tapos ganyan ka na? lalaban kapa ha?!" sabi ng isang estudyante sabay suntok sa transferee ata.

Susuntok pa sana sya ulit pero pinigilan kona 'yon, may alam din naman ako sa mga ganto kahit papaano.

"tama na yan pre, ang aga-aga nyo bumanat" sabi ko habang hawak ang kamao nitong kaharap ko, ampanget nya legit.

"sino kaba ha?! wag kang makisama sa away lalaki kung ayaw mo madamay" sigaw nito sa mukha ko habang tumatalsik ang laway.

Sinampal ko sya. "di kaba nagtoothbrush?ambaho ng bunganga mo" sabi ko sabay irap.

"pre wag 'yan, mahihirapan tayo dyan" rinig kong bulong ng isang estudyante pa dito sa kaharap ko.

"sino ba to? bat ako matatakot sayo, babae ka lang naman!" sigaw ulit nya at ambaho talaga ng bunganga nya tangina.

Sinapak ko na sya at sinipa, tutulong sana ang mga kasama nya pero inambahan ko sila kaya naman umatras sila.

"dami mong satsat e, pinapainit mo lang ulo ko" sinipa ko pa sya bago umalis, tiningnan ko ang lalaking binibugbog nila kanina pero nag-aayos na sya ng sarili nya ngayon.

Habang naglalakad na kami papunta sa library pinagtitinginan ako ng mga tao pero inirapan ko lang sila, ngayon lang ba sila nakakita ng babaeng nanununtok? e kung suntukin ko kaya sila.tsk.

"Naalala ko tinuruan ka nga pala ni tito lumaban, kawawa naman sila sana di mona pinatulan" naaawang sabi ni Callie kaya napairap ako.

"masyado kang mabait, naawa ba sila don sa binugbog nila?di naman diba kabago-bago pa naman" naiinis kong sabi kaya napayuko sya.

"sabagay, may point ka tara na nga malalate na tayo oh" nagmamadaling sabi nya at nakapasok na kami sa library.

Kausap ni Callie ang librarian kaya nagtingin-tingin na lamang ako ng libro, nang makita ko ang detective and science fiction book kaya naman kinuha kona at pumunta sa counter kung nasaan si Callie.

"pahiram po nito" sabi ko sabay abot sa librarian, binigyan nya naman ako ng code at hiningi ang pangalan para sa kanilang monitoring.

Pagkatapos namin gawin ang dapat gawin ay pumunta na kami sa room. Saktong kakarating lang din ng professor namin kaya naman hindi kami late.

"Good Morning class, may goodnews ako sainyo" masayang bati ni Maam Almuranas, actually hindi talaga almuranas 'yon trip ko lang na itawag 'yon kasi laging inaalmuranas. Tanda na kasi tsk, Ma'am Serna talaga yon.

"Uy maganda ba yan maam?" komento ng mga kaklase kong panget
"Goodnews nga diba" pambabara ni Josh isa sa mga pilyo sa klase
"Di naman lahat ng goodnews ay good para sa iba" pasigaw na sabi nanaman ni Andrew
"Okay stop, ang goodnews ay may bago kayong kaklase to be clear transferee" nakangiti paring sabi ni maam, hindi ba sya nangangawit?
"Anak, come here" sabi nya sabay senyas na may pinapalapit sa kanya.

Pumasok na yung "transferee" nga daw, may mga parang tanga na nagtilian at nagbulungan pagpasok nya pero ako?napairap lang tsk.

"ang gwapo be" bulong ng nasa likod ko.
"ahihi" hagikgik naman ni Anna isa sa mga maharot sa klase na parang binudbudan ng asin. Ngayon lang ba sila nakakita ng gwapo? ew.

Pero parang pamilyar sya sakin, san nga ulit 'yon?

"Introduce yourself, nak" sabi nanaman ni maam, may favouritsm ba sya? bakit ganyan sya makangiti at tinatawag pang "anak" magnanay ba sila?hahahah.

"Hi everyone, I'm Ashton 17 yearsold" pagpapakilala nya sabay ngiti sakin.

"uy nginitian si Zandra baka type sya, sayang naman" naiinis na sabi ni Georgia. Feeling Close be?
"samin ka nalang baby boy wala kang pag-asa dyan" bulong nanaman ng ni Carla.

"Salamat nga pala sa pagligtas sakin kanina, Ms?" saad nya at inaantay kung sasabihin ba ang pangalan ko, pero inirapan ko lang sya.

ah sya pala 'yon, tsk mahina.

"Ms. Zandra Diego!" sigaw ng mga lalaki sa likod sabay tawa kaya naman tinaasan ko sila ng gitnang daliri.

"aw thankyou" pagpapasalamat nya doon sa mga lalaki.

"thankyou again, Ms. Diego" sabi nya sabay kindat.

"Ang angas mo ngayon, pero kanina di ka marunong lumaban tsk" saad ko, angyabang kasi masyado.

"ayoko lang lumaban kasi bago lang ako" sabi nya ulit sabay lakad papuntang likod.

"Ang yaban!-" sigaw ko pero naputol.
"enough Zandra!! parang wala ako sa harap mo ah" sermon ni Maam almuranas at nakita ko pang ngumisi ang kupal na transferee daw.

Naglakad si Maam sa harap ko tapos may pa kembot pa, matanda kana hoy! napangisi na lamang ako sa naiisip ko.

Nagsimula na magturo si maam pero walang pumapasok sa isip ko dahil nakakabagot sya magturo, nakakaantok walang thrill. Magbabasa nalang ako mamaya ulit.

My Secret LoverWhere stories live. Discover now