(4): Between

6 1 0
                                    

"Zandra!! Anong oras nanaman!" sino pa nga ba? edi yung nanay kong bungangera.

"Bababa na ma!" sigaw ko sabay tayo at kinuha kona yung tuwalya para gawin ang mga ritwal.

Habang nagbibihis ako ay mau kumatok sa pinto. Di makapaghintay punyeta.

Binuksan ko ang pinto at mukha ni Zendra na nakasimangot ang bumungad sa akin.

"Can't you move faster, ate?" malditang sabi nito.

"Ba't ba nagmamadali kayo? Anong oras pa lang naman ah" inis na sabi ko.

"Really? Anong oras palang? Let me tell to you huh? It's freaking 7 sharp!!" bulyaw nito sakin kaya nagulat ako.

Huh?! Ano daw? 7 sharp? 7:30 start ng klase!!

"Fuck!" pabulong kong sabi sabay nagmamadaling nag-ayos at kuha sa bag.

Nakita kong nakasimangot si Zendra habang nag-aabang sakin sa pinto pero hindi ko na sya pinansin at tumakbo sa kusina para kumuha ng tinapay.

Kagat-kagat ko pa yung tinapay habang nagmamadaling sumakay sa kotse. Pagpasok ko ay andoon na si Zendra na nakasimangot at si Zeus na nakapout.
Nakita kong nginitian ako ni Zeus pero hindi ko na 'yon nabawian at nagmamadaling nang nagmaneho.

Wala ng tao sa labas nung makarating ako sa school. Damn Zandra! What will you expect? Ofcourse you're already late.

"30 minutes late Ms. Diego" saad ni Sir pero di ko na sya pinansin at naupo na.

"What a disrespectful of you, Ms. Diego" ramdam ko ang inis sa pagsasalita ni Sir.

"I'm sorry I'm late, Sir Alver" inis at sarkastikong sabi ko.

"Don't you have manners?" inis na sabi ni Sir, di ko sya pinansin tapos tumingin na sa kawalan.

"Okay move-on, Lets continue" sabi nya sabay kuha sa libro.

"As I said yesterday, we'll have a short quiz" sabi nya ulit.

"Ano po bang nangyari kahapon sir" sabi ng isa kong kaklase.
"Oo nga sir parang napakaimportante at muntikan pa kayong madapa" gatong pa ng isa.

"hmm, some important and emergency things." pagpapaliwanag naman ni sir upang mawala ang kuryosidad nila.

"Please get a 1/4 sheet of paper, 10 questions quiz about biology but before we start. What is biology?" tuloy-tuloy na sabi ni sir pero walang umimik o sumagot.
"Anyone?Anytwo?" pagtatanong nya ulit pero wala talaga. Anong magagawa natin e wala nga.
" Can you answer me, Ms. Mariano?" tanong ni sir pero napatungo lang ang babae.
" What?! Are you kidding me? Such a piece of cake yet you can't answer it?" galit na sabi ni sir. Ang aga kamo nya mahigh blood tsk ganyan talaga siguro kapag walang babae na nagmamahal at nag-aalaga. Napangisi nalang ako sa naisip ko.
"Bullshit! No one can answer me?" sigaw nito pero nakangisi parin ako dahil sa iniisip ko.
"Anong nakakatawa Ms. Diego?" iritang sabi nito sakin kaya napabalik ako sa ulirat at sumeryoso ang mukha.

"It seems that you know the answer Ms. Diego, mind to share it?" lukot ang mukha na sabi nito sakin, tsk share it amp ano 'to selpon? ngumisi nalang ulit ako bago tumayo.

"Biology is the scientific study of life. It is a natural science with a broad scope but has several unifying themes that tie it together as a single, coherent field. For instance, all organisms are made up of cells that process hereditary information encoded in genes, which can be transmitted to future generations" taas noong sabi ko.

Narinig kong unti-unting pumalakpak si sir sabay sabing "Di ka parin nagbabago Ms. Diego, thats why I can't give you a low grade for being disrespectful" papuri ba 'yon o insulto? tsk.

"Yes, Mr. Xier?" biglang sabi ni Sir.

"I totally disagree with Ms. Diego Sir." napataas ang kilay ko dahil sa sinabi nya.

"Mind to tell us why'd you disagree with Ms. Diego said?" tanong ni sir dito.

"because biology looks at how animals and other living things behave and work, and what they are like." mayabang na sagot ni Ashton.

hinarap ko sya sabay taas-noong sinabi na
"Oh really? As far as I know, According to research biology studies how organisms react with each other and the environment. It has existed as a science for about 200 years, and before that it was called "natural history"." nangising sabi ko sa kanya.

Nakangisi parin sya sakin, talagang hinahamon at sinusubulan ako nito.

"lemme inform you Ms. Diego, Biology has many research fields and branches. Like all sciences, biology uses the scientific method." mayabang nanaman na sabi nito.

"This means that biologists must be able to show evidence for their ideas and that other biologists must be able to test the ideas for themselves." nakataas na kilay kong sabi sakanya pero nginisihan lang ako nito. He's getting into my nerves, argh!

"That's enough Mr. Xier and Ms. Diego, you both did a great debate huh?" nakangiting sabi ni Sir.
"Let's start the quiz" sabi nito kaya umupo na ako at tumingin na sa harap.
Mukhang may makakatapat ako ha. tsk!
.
.
Distribution na ng checked papers.

"Ms. Farah 7/10, Ms. Grego 8/10, Ms. Gin 5/10," pag- aanounce ni sir kaya nag-aantay lang ako. Sanay na akong hinuhuli lagi sa pagbibigay ng paper tsk.

"Mr. Cendro 6/10, Mr. Swime 5/10, Mr. Manerly 8/10" patuloy na sabi ni Sir.

"Okay you all got a great score " saad ni sir.

"Ms. Diego 10/10, please come here" sabi nito habang nakatingin sakin. Lumapit ako para kunin ang papel ko pero biglang nagsalita si sir.
"Mr. Xier 10/10, you too please come here" nakangiting sabi ni sir.

What? sya ulit? bwisit.

"Ang galing, sila ulit oh" bulong ng mga nadadaanan ko.
"bagay kamo sila hihi" kinikilig na bulong nanaman.

One dot sampalin ko 'tong dalawang 'to

"Great job" bati ni sir pero kinuha ko lang ang papel ko sabay talikod.

"Thankyou sir" narinig kong sabi ni Abo(Ash)

Sipsip si tanga.

"Mukhang may katapat kana Ms. Diego" sabi ni sir habang naglalakad ako pabalik sa upuan ko.

Inirapan ko lang sya sabay upo at tago sa papel ko.

Dami nyang alam katapat-katapat e nasa likod ko yung gagong 'yon.

-Bell Rings-

"Thats all for today class, have a good lunch" sabi ni sir sabay labas.

Inayos kona yung gamit ko sabay tayo at punta sa upuan ni Callie

"Lets go?" nakangiting sabi ko sakanya nang matapos sya sa pag-aayos ng gamit.

"Congrats, ang intense ng laban nyo ni Ashton ha" nakangiting sabi din ni Callie pero pinitik ko lang yung noo nya.
"Aww" cute na sabi nya.

"Ikaw Freya kanino ka sasabay?" nakataas na kilay na sabi ko sa kanya.

"Sa boyfriend ko bitch!! bukas na ulit ako sabay sainyo bye mwa labyu" sigaw nito habang nagmamadaling lumabas ng classroom.

Lumabas na kami ni Callie at pumunta na sa Cafeteria.

My Secret LoverWhere stories live. Discover now