(11): Explanation

1 0 0
                                    

Napataas ako ng tingin nang biglang may pumitik a noo ko.

"Aww" dating ko.
"Hahaha, ano iniisip mo?" Zandra said while laughing
"W-Wala" nauutal kong sagot sakanya.
"I think you accomplished your job well, Ash. Close na pala kayo" Kuya Stone interrupted our conversation.
"Ahhh y-yes" sagot ko sa kanya at nagulat ako nang biglang guluhin ni kuya ang buhok ni Zandra.

"I didn't know that you still have a soft side, princess" Kuya said that makes Zandra blush like a tomatoes.

"Can I continue?" singit ni Ma'am Diego
"Tita, I'll order cake lang" paalam ni Callie peri inilingan lang s'ya ni Ma'am Diego.

Itinaas ni Maam ang kamay n'ya at sinenyasan ang isang tauhan na lumapit.

"Get us the different types of cake" utos nito at agad ding sumunod ang tauhan.

"Pagkarating namin dito sa siyudad ay may nakahanda na agad tayong mga bahay, wala na kaming balita sa palasyo pagkatapos no'n. Buwan lang ang lumipas ay nanganak nadin sila Cassandra  at Venus, Maayos at normal ang lahat pero dumating ang araw na biglang pinatawag ang asawa ko. Lagi s'yang wala sa bahay at buwanan nalang umuwi hanggang ngayon na 5 taon nang hindi umuuwi 'to. Sa pagkakaalam ko'y may inaayos sila sa palasyo." pagtutuloy ni Ma'am Diego.

"Ngayon ay nagpaplano na ang kabilang palasyo na patayin ka, Zandra" sabi ni Freya.

"Paano nila ako nakilala?" tanong ni Zandra saamin.

"Ang libro ni Callie, nakita nila 'yun kaya nalaman nilang ikaw ang prinsesa, Si Callie lamang ang maaaring humawak ng librong 'yon malaban sa prinsesa. Nahawakan mo 'yon Zandra kung kaya't nakilala ka nila" pagpapaliwanag ko na ikinataka ni Zandra.

"Niloloko n'yo ba 'ko? Anong libro? Madaming libro si Callie" tanong ni Zandra.

"E-Eto ba?" biglang sabi ni Callie habang hawak ang libro na ikinalingon namin.

"Kailangan na nating umalis" biglang singit ni Kuya sa malamig na tono habang nagmamasid sa paligid.

Nag-ayos na kami at nagmamadaling sumakay sa kanya-kanyang kotse.

"Sa palasyo tayong lahat"

Callie's POV

"Kailangan na nating umalis" biglang singit ni Kuya Stone daw habang nakamasid sa labas.

Ano kayang meron? Nagugutom na 'ko, tagal ng cake.

Napatayo nalang din ako nang bigla silang mag-ayos ng kabilang nga gamit.

Pinasok kona sa bag ko ang libro sabay sunod sa kanila.

Wahhhh yung cake ko!! Huhu

Bigla silang nagsisakayan sa kotse kaya pumasok nalang din ako.

Yung cake ko :( nagugutom na ako

"Sa palasyo tayong lahat" biglang may nagsalita sa speaker ng kotse at boses ni Kuya Stone 'yon.

Ano kayang gagawin namin do'n?

"Callie, Can I borrow your book?" napatigil ako sa pagmuni-muni nang tawagin ako ni Jay.

Kinuha ko ang libro at inabot ito sa kanya.

"Anong pinagkaiba nito sa normal na libro? Mukha lang din naman 'tong ordinaryo, Paano nila nalaman na ito yun?" tanong ni Jay habang pinagmamasdan ang libro.

Bubuksan na sana ito ni Jay pero pinigilan s'ya ni Freya.

"Sa palasyo na" saad ni Freya na ikinatigil ni Zandra.

My Secret LoverWhere stories live. Discover now