(8): Mystery-2

3 0 0
                                    

Someone's POV

"Sinisira n'yo ang plano ko" galit na sabi ni Boss.
"Kung kayo lang din ang maging hadlang ay tatapusin Kona kayo ngayon" walang ganang sabi nito saamin habang nililinisan ang kanyang baril.

Isang maling galaw, patay tayo dito.

Pumikit na 'ko at hinintay ang pagtama ng kung ano saakin na pwede kong ikamatay.

*BANG!*BANG!*BANG!*

Tatlong putok ng baril ngunit wala akong naramdaman na kahit anong masakit sa aking katawan.

"Argh!" napamulat agad ako nang marinig ang pagdaing ni Prince.

"Lumayas kayong dalawa sa harap ko at baka kayo ang isunod ko" walang ganang sabi nanaman ni Boss kaya nainakay ko agad si Prince na syang ikinagulat ko dahil paglingon namin sa aming likuran ay bagsak na ang tatlong lalaki at may daplis naman si Prince.

Sinadya 'to ni Boss dahil ang isang katulad nya ay bihasa at asintadong lalaki kaya imposibleng aksidenteng nadaplisan lamang si Prince.

Lumabas na kami at napapasok ulit dahil sa dalawang tao na naglalakad sa kabilang kalsada. Isa sa mga hadlang sa plano namin.

Ashton at Freya.

Ashton's POV

Andito kami ngayon ni Freya sa tapat ng isang bar.

"Wag lang magpahalata na nagmamasid tayo" bulong ko dito sa katabi ko pero inirapan lang ako nito.

Ilang minuto lang ang lumipas ay lumabas na ang pinunta namin dito.
Naglakad lang kami nang normal ni Freya at nang makita kong nakatingin ang dalawa saamin ay nginisihan ko lang 'to.

"Weaklings" nakangising panlalait nitong katabi ko.

"May panahon din tayo Prince Andrew at Xin" bulong ko sabay alis sa lugar na 'yon.

Mukhang tama ang impormasyon na ibinigay ng palasyo.

"Pst Jay" agad na napalingon si Zandra dahil do'n.

"Burol 'to pre"
"gagi maghukay na kayo"
"ako gagawa ng lapida with matching hearts (Rest In Peace Ashton)"
"HAHAHAHAHAHHgago pre dapat brb para may thrill"

Rinig kong kalokohan ng mga kaibigan ko pero 'di ako nagpatinag.

"You're not Callie to call me that, know your limitations assh*Le or I will punch your guts" pagtataray nanaman nito saakin.
"Taray mo talaga" nakangising sabi ko dito pero inirapan lang ako nito.

"Wala ka pala Ash eh!"
"Inirapan ka lang tol!"

Pang-aasar nila pero wala akong pake.

"Baka sa susunod mahal mo na 'ko Zandra ha" mapang-asar kong sabi na mas ikinatalim ng mata nito.

"Yun ohh!!!"
"Bata namin 'yannn!!"
"Kinikilig ako pre shet pakiss"
"Kadiri ka sampalin kita dyan"
"Kabadingan n'yo gago"

My Secret LoverWhere stories live. Discover now