(12): Love Triangle

3 0 0
                                    

"Ibaba mo 'yan, Zandra" mabilis kong naihulog ang patalim dahil sa gulat.

Tama ba yung narinig kong boses? Nakita kong umalis na sa harap ko si Stone pero nanatili akong nakatalikod at nakatayo sa pwesto ko.

Unti-unti akong humarap sa pinanggalingan ng boses na 'yon at di ako makapaniwala sa nakita ko.

P-Papa?

Naglakad palapit sa'kin si papa at naramdaman kong nag-iinit ang mga mata ko.

"Huwag kang lalapit" pagpapatigil ko sakanya.

"Z-Zandra" garalgal ang boses na tawag sa'kin ni Mama.

Naglakad ulit palapit sa'kin si Papa.

"Huwag ka sabing lalapit!!" sigaw ko na ikinahinto n'ya.

"A-Anak" tawag n'ya sa'kin na unti-unting dumurog sa puso ko.

"Hindi mo'ko anak" tumulo na nang tuluyan ang luha ko dahil do'n.

"Zandra, Don't say that baby" garalgal ang boses na sabi sa'kin ni Papa.

"Don't say nonsense things, Zandra" pagpapagalit sa'kin ni Mama pero nanaig sa'kin ang sakit at pagkaulila.

"Anak, Zandra please patawarin mo 'ko. Magpapaliwanag ako anak" kita kong tumulo ang luha ni Papa pero agad n'ya 'tong pinunasan. Umiling lang lamang ako sakanya habang patuloy padin sa pag-iyak.

"H-Hindi kita Ama, Hindi mo 'ko anak!!" sigaw ko ulit sa kanya sakanya at mas nagpahagulgol sa'kin.

"Hindi mo ako kadugo pero ama mo padin ako Zandra" sabi ni Papa na mas ikinailing ko.

"Kung ama kita, Nasa'n ka nung kailangan kita? Nasaan ka nung may nambubully sa'kin? Nasa'n ka nung kailangan ko ng kayakap? Pa sabi mo ipagtatanggol mo ako? Pero wala ka nung kailangan kita eh, naiingit ako sa iba bakit sila may ama na kasama? Anlaki ng tampo ko sayo pa, Matagal akong umasa na babalik ka para sa'kin. Pero wal--" hindi ko na kinaya kaya tumalikod na ako at tumakbo habang patuloy padin sa pag-iyak.

"Zandra!!" sigaw ni Papa pero tumakbo nalang ako hanggang saan ako dalhin ng mga paa ko.

Ba't ba nagkakaganto ang buhay ko.

Huminto na ako dahil sa pagod at nakita kong nasa isang magandang garden ako. Inilibot ko ang paningin ko at nakita kong may maliit na tulay dito at ang tubig na dumadaloy dito ay napakalinaw kung kaya't kitang-kita ang repleksyon ng buwan at kitang-kita din ang maliliit na isdang lumalangoy dito. May malaking puno at punong-puno ng bulaklak ang ilalim nito.

Humiga ako sa mga damo habang humihikbi pa rin. Beautiful Atmosphere gives me comfort and calms me down.

"Do you mind If I sit here?" tanong ng kung sino kaya umiling ako. Naramdaman kong umupo ito sa tabi ko pero di ko 'to pinansin dahil naaaliw ako sa panonood  ng mga bituin.

"You can share your thoughts to me, I'll listen" nagtaka na 'ko nang dahil sa sinabi nito.

Kanina nakiupo ngayon pati problema ko papakealaman, Pano n'ya nalaman na may problema ako?

Tiningnan ko 'to para makilala kung sino 'to dahil parang kilala ako masyado.

"Stone?!" gulat na sigaw ko nang makilala ko 'to.

"Chill baby, gosh" reklamo nito sa'kin habang nakatakip sa tenga na ikinairap ko.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko dito.

"Obviously sitting beside you and... following you" pilyo nitong sabi kaya hinampas ko 'to.

"You're hurting me" parang bata nitong reklamo habang hinihimas ang braso.

My Secret LoverWhere stories live. Discover now