"Sometimes, love isn't about grand gestures, but the quiet understanding in the simplest moments—when two souls, without words, can make each other feel seen and understood."RAINAH
Sa huling pagkakatanda ko, isa lang naman akong simpleng volleyball player na nagrerepresent sa buong campus during volleyball competition. Oo't isa rin ako sa mga estudyanteng nangunguna sa academics at napapabilang sa dean's lister kaya medyo maingay din ang pangalan ko sa buong campus. But not to the extent na kahit sa kabilang building or ibang department ay magkaka-interest na makilala ako, si Rainah Jenn Celmar, isang junior majoring in BS Business Management.
No, not to that extent.
Kaya hindi ko lubos maisip kung panong dahil sa simpleng chismis na bigla nalang kumalat na parang nakakahawang sakit sa buong campus e magiging dahilan ng biglaan ding pagbabago sa nananahimik kong buhay?
"Girl, siya nga yun, kaya pala sobrang blooming ni Pres lately, may inspiration pala."
"That's Rainah Jenn Celmar of BSBM, right?"
"Yeah"
"Huy, not to sound basher, ah, but they are both girls kaya. Why are you shipping them together?"
"Girl, you don't sound like a basher, not at all. More on homokojick lang!"
Naghagikhikan pa ang mga ito sabay saway din sa isa't-isa ng makitang tumayo mula sa cubicle niya ang librarian.
"Kidding aside, harmless shipping lang naman tong ginagawa namin, girl. Kaya wag kanang mag-overreact dyan."
"Right! At ang cute kaya nila together."
"Agree! May chemistry pa."
"Yeah, yeah! Hindi na ako papalag. Mga etchuchera kayong two!"
"Tamang decision yan, girl. Support support nalang tayo sa Pressy natin no."
"Tama! At mukhang mabait naman din si Ms. Umbrella girl, eh"
"Marunong lang talaga pumili si Pres."
"Siyempre, Pressy Goddess natin yan eh."
"I can't wait to see them again together. Sana naman di na magpakipot si Ms. Umbrella girl no."
"I'm sure she won't do that. Ang pretty kaya ni Pres, sobra. At ang bait pa. Bulag nalang di magkakagusto sa kanya."
"Right. Totally agree."
Napabuntong-hininga nalang ako mula sa mga narinig na chismisan na naman ng tatlong estudyante di kalayuan sa pinagtataguan ko. Currently, nasa library ako, nakapwesto sa pinakadulo at tagong area. Nakakapagod din pala makipag taguan sa makukulit na supporter ni Pres na halos walang ginawa kundi sumagap ng balitang gagawin na naman nilang pulutan sa chismisan mamaya. Hays, Rainah Jenn, anu ba tong pinasok mo?
Saglit pa akong napapikit at napasandal sa pader.
Pano nga ba humantong sa ganito ang lahat?
Noong isang araw lang ang peaceful ng paligid every time na papasok ako ng gate ng campus or maglalakad sa mahabang hallway ng building papunta sa classroom. Pero sa isang iglap nagbago ang lahat ng yun. Dahil lang sa simpleng, thank you, na yun.
Napabalikwas ako mula sa pagkakasandal sa pader at napahilamos sa mukha habang unti unting nagrerewind sa utak ko ang mga nangyari nung nakaraang araw.
"Mabuti at bumababa narin sa normal yung temperature ng katawan mo, mukhang effective yung gamot na nainom mo kanina. For now, I think it's safe to allow you to go home. Hindi ka na naman nahihilo no?"
YOU ARE READING
Sunsets With You || KaiRain
Fanfiction"You're the most incredible thing that's ever come into my life."