"One day, I caught myself smiling without no reason, then I realized that I was thinking of you."
RAINAH
"2 weeks nalang ay magsisimula na ang volleyball competition. We need to double our efforts from now on. I don't want to see anyone getting complacent. Remember our goal: to win and become champions. Now, get back to practice. Let's go!"
Isa-isa nang nagsibalikan sa kanya kanyang pwesto ang lahat matapos ang motivational speech na yun from our coach. I can see in everyone's eyes the pressure dahil nga sa nalalapit na competition. Medyo mabibigat kasi ang mga makakalaban namin this year. Mostly din sa members ng team ay mga bago at nasa lower year pa. Kaya malaki talaga ang advantage ng competitors namin. Pero kagaya nga ng sabi ni coach. We need to double our effort at wag magpaapekto sa negativity. I also trust my team at alam ko they will all do their best during the game. Matalo man o manalo as their team captain, masaya at contented na ako as long as we know to ourselves that we did our best at syempre wag kalimutan na i-eenjoy din ang laro.
Nagsimula na mag-warm up ang lahat, mainly focus na sa ginagawa. Halos tumagal din ng isang oras at kalahati ang naging practice today kaya karamihan ay pagod na ng matapos ang practice.
"That's all for today. Thank you, team. See you all tomorrow!"
"Bye coach!"
Isa-isa nang nagsialisan ang lahat papuntang locker room para makapag shower at makapag palit ng damit. Medyo na behind na naman ako dahil kinausap ulit ako ng coach namin, may mga reminders lang siyang sinabi bago niya na ako hinayaang makaalis.
Medyo tahimik narin sa hallway pagkalabas ko. Kung iisipin sanay narin naman ako dahil halos ganito naman talaga once na natatapos kami sa practice, uwian narin kasi ng karamihan. Yung iba may mga remaining class pa, pero halos kokonti na lang din. Dahil halos wala ka nang makitang ibang tao sa paligid kaya minsan aakalain mo talagang haunted ang buong campus.
Napabuntong hininga nalang ako at pinagpatuloy na ang paglalakad papuntang locker room.
Pagkarating ko sa locker room halos wala narin akong taong naabutan sa loob. Medyo natagalan din ng konti kasi yung pag-uusap namin ni coach ngayon.
Mabilis ko nang binuksan yung locker ko at kumuha ng extrang damit pamalit, kasama na ang tuwalya, sabon at shampoo bago pumasok sa shower stall.
Ilang minuto din ang tinagal ko sa loob bago ako nagdecide na lumabas na. Kakaapak palang ng isang paa ko sa labas ng shower stall ng bigla nalang bumukas yung pinto nitong locker room. Sa bilis ng pangyayari tanging itim na buhok at puting uniform nalang ang nakita ko bago nakaramdam ng mainit at malambot na kung anu na biglang bumalot sa buo kong katawan.
Pakiramdam ko nanigas ata ang tuhod ko at halos kapusin ako ng hininga ng mapagtanto ang nangyayari.
Holy shit! Someone is freaking hugging me!
Kalma, Rainah hindi naman siguro killer to no? Kasi bakit naman bigla biglang mang-aakap ang isang killer diba?
W-wait, kung hindi killer, eh anung trip ng isang to bat may payakap?
"Ah, s-saglit--" Susubukan ko sana magsalita at ilayo ang kung sinong pontio pilato nato mula sa pagkakadikit sa katawan ko, pero bigla nalang nitong hinigpitan ang pagkakayakap sa katawan ko kaya muli akong natigilan. Trip nito?
YOU ARE READING
Sunsets With You || KaiRain
Fanfiction"You're the most incredible thing that's ever come into my life."