A Love Against Time

111 3 3
                                    

"May mga tao talagang dumadating sa buhay natin sa pinaka-hindi inaasahang pagkakataon—mga taong kaya tayong patawanin at paramdamin na buo tayo kahit sa maikling panahon lamang. Ngunit masakit isipin na kahit gaano kalalim ang pagmamahal mo sa kanila, may mga bagay na hindi natin hawak sa ating mga kamay.

Nakilala kita sa sandaling puno ng mga pangarap at pag-asa, pero kasabay ng pagmamahal ko ang malaman na posibleng hindi magtagal ang oras nating dalawa. Na para bang biro ng tadhana—pinagtagpo tayo, pero hindi tayo itinadhana na magkasama nang habangbuhay.

Masakit magmahal nang alam mong unti-unting mawawala ang taong mahal mo. Pero sa kabila ng sakit, nagpapasalamat pa rin ako sa bawat sandaling kasama kita. Pinili kong mahalin ka kahit alam kong may katapusan. Kasi minsan, ang totoong pagmamahal ay hindi sinusukat ng habang-buhay kundi ng bawat sandaling pinili nating maging masaya kahit gaano kahirap ang katotohanan.

So here I am, loving you with everything I have, knowing our time is short. And even if it breaks my heart, I will cherish each moment with you. Because in the end, kahit pinagtagpo man tayo ng saglit lang, ikaw ang naging pinakamagandang alaala ng buhay ko."

Sunsets With You || KaiRainWhere stories live. Discover now