Two: Fever Dreams and Fateful Encounters

61 4 0
                                    

"Sometimes, the most unexpected encounters are the ones that leave you questioning everything."



RAINAH




Sneeze...sneeze....sneeze


"Grabe na yan ah. Are you sure you're okay, Rainah?"

Saglit akong napahinto sa pagpunas ng tissue sa ilong ng marinig ang sinabi ni Jaja na noon ay nakaupo sa bakantemg silya sa harapan ko. Nararamdam ko na kanina pa ito tahimik na nagmamasid at humahanap lang ng tyempo na magsalita. I mean, I do get him. Sino ba naman hindi mag-woworry kung isa sa mga kaibigan mo eh papasok ng klase na nakabalot halos ang buong katawan na animo may biglaang snow sa Pilipinas.

First thing, hindi ko naman kasalanan na talagang nilalamig ako. I mean, okay sige may kasalanan din naman ako kasi sino ba naman matinong tao ang magpapaka generous na ibigay ang payong sa isang stranger knowing na wala naman siyang dalang extra sa kalagitnaan pa man din ng buhos ng malakas na ulan?

Edi ikaw na Rainah Jenn.

Napabuntong hininga nalang ako habang inaalala ang katangahan na ginawa ko kagabi. Anu ba kasi pumasok sa utak ko at binigay ko yung payong? Hayss...

"Ayos lang ako, Jaja. Sipon lang naman to, later mawawala narin to." paliwanag ko pero halatang hindi parin siya kumbinsido, lumapit pa ito ng kaunti at idinikit ang kamay sa noo ko.

"Yeah, you're right. You're obviously fine. Malapit na kayo magsing-init ng araw!" Sarkastikong turan nito bago mabilis na tumayo sa kinauupuan at agad akong hinila din patayo.

"T-teka lang saan tayo pupunta?"

Lumingon ito ng bahagya habang ang kamay ay nakapulupot parin sa wrist ko.

"Where do you think ba?" Taas kilay na sabi nito.

"Jaja, I told you okay nga lang talaga ako. Iinoman ko nalang ng gamot to," pagpigil ko habang sinusubukang kunin ang wrist ko mula sa pagkakahawak niya. Bigla namang nagsalubong ang kilay nito halatang hindi niya nagustuhan ang naging sagot ko.

"Do you want Babe to bombard us with another lecture later? If ikaw kaya mo, ako hindi. So don't be stubborn, bro. Let's go na to the clinic." Hindi na nga niya hinayaan na maka-angal pa ako at mabilis na ako nitong hinila palabas. Hindi ko narin sinubukan na makipagtalo pa kasi medyo nakakaramdam narin talaga ako ng hilo. Siguro nga kailangan ko na muna ipahinga to. Mahirap na baka anu pang mangyari sakin kung ipipilit ko pa.






---Sa School Clinic



"Mas makakabuti kung mag stay ka muna dito para makapag pahinga. Makakatulong din yung gamot na ininom mo para mapababa yung temperature mo. Pero as long as mataas parin siya, I would suggest you stay here for the meantime." Mahabang paliwanag ni Nurse Elsa, ang resident nurse ng campus.

"Don't worry, Nurse Elsa. I could assure you that she will do that." Therese, habang binibigyan ako ng nakakamatay na tingin.

I know naman na aabot kami sa puntong to, dapat pala talaga pinigilan ko na si Jarren na papuntahin muna tong nobya niya dito. Ngayon feeling ko tuloy para akong bata na pinapagalitan ng nanay niya dahil may maling ginawa. For pete sake, ako yung mas matanda dito eh.

"I'm happy to hear that." Nakangiting sagot Ni Nurse Elsa. "Pano maiwan ko na muna kayo at may kailangan pa kasi akong asikasuhin. If you need anything, I'm in my office lang," mabilis narin itong umalis pagkatapos niya iyon sabihin. Habang naiwan naman kaming tatlo doon. Medyo masama parin yung tingin ni Therese habang si Jarren naman busy nilalantakan yung pagkain na binili ng nobya na dapat para sakin, pero siya tong umuubos. Minsan talaga may katakawan din tong isang 'to.

"I know you need to rest, so I'll let it slide for now. But once you're okay, you will deal with me on this. You've got a lot of explaining to do, Rainah Jenn." She said that wearing that serious look na ginagamit niya lang pag plano niyang ilagay sa hotseat ang isang tao. Hays, mukhang wala na nga talaga akong kawala. Good luck talaga sayo Rainah Jenn Celmar.

"For now, mag rest ka na muna. Jarren?!" Tawag niya sa nobyo na noon ay mabilis na naagaw ang atensyon mula sa kinakain.

"Yes babe?"

"We need to go para makapagpahinga na si Rain. Com'on!"

"But I'm not yet done—"agad naman itong napahinto sa planong pag-angal ng mapansin ang biglaang pag dilim ng expression ng mukha ng nobya.

"Pagtatalunan pa ba natin to, Jarren Jake Garcia?"

Awts, mukhang ako pa yung mas kinilabutan sa sobrang lamig na boses na yun. Halata naman na wala itong balak makipagtalo ngayon. Highblood na naman si apple. At pag highblood si apple, masamang sign yun. And Jaja knows that.

"Sabi ko nga babe, hehe," mabilis pa sa alas kwatrong tumayo ito at lumapit sa nobya. Napailing nalang ako. Hirap talaga minsan ang maging under. Kaya mo pa ba Jaja?

Matapos nila makapagpaalam pareho ay agad narin silang umalis at tuluyan na nga akong naiwan mag-isa doon sa loob.

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko bago dahan dahan naring nahiga sa malambot na higaan.

Siguro kailangan ko na talagang magpahinga. Sulitin ko nalang ang pagkakataon na to na wala akong masyadong gagawin. Sa isiping yun, nararamdaman ko na dahan dahan naring bumibigat ang aking mga talukap sa mata hanggang sa tuluyan narin akong dalawin ng antok at makatulog.

Hapon na ng maalimpungatan ako dahil sa mahihinang kaluskos na di ko mawari kung saan nanggagaling. Dahan-dahan na nagmulat ang aking mga mata. Saglit munang nag-adjust sa nakakasilaw na liwanag bago tuluyang naging klaro ang paligid. Ang unang nahagip ng aking tingin ay ang nakatayong pamilyar na pigura malapit sa may bintana. Nakatalikod ito kaya di ko masyado makita ang mukha. Pero isa lang ang sigurado ako, pamilyar sakin ang taong to.

"Uhm, excuse me?" Panimula ko sa medyo paos pang boses. Pansin kong medyo natigilan ito marahil ay nagulat dahil sa biglaan kong pagsasalita.

Saglit na binalot ng katahimikan ang paligid bago ko nakitang unti-unting pumipihit paharap sa direksyon ko ang babae.

Pakiramdam ko nahulog ata ang panga ko sa sobrang pagkagulat ng tuluyang lumantad sa aking harapan ang mukha ng taong nakatayo sa harapan ng bintana ng school clinic.

Teka--panong---anung ginagawa niya dito?

Yan ang mga tanong na paulit-ulit na pumapasok sa isipan ko.

Nakatanga lang ako dun habang siya ay nagsimula ng maglakad palapit sa aking kinahihigaan habang may tipid na ngiti sa kanyang labi.

Dyos ko ba't naman ganito kalala yung pagtambol ng puso ko?

"Hi? I'm happy to see you're finally awake."

Sunsets With You || KaiRainWhere stories live. Discover now