One: Under the Rain of Unexpected Encounters

97 8 0
                                    


"From the instant we crossed paths, I knew it was meant to be you."



RAINAH

"Balitang-balita halos sa buong campus yung nangyari last friday. Most of us didn't really expect that to be honest."

"Sinabi mo pa. Akalain mo yun, isang Kaisha Denniel Montinola, presidente ng Student Council, pa talaga binangga niya."

"That guy is really out of his mind."

"Baka naka drugs."

"I won't be surprised."

"Sayang crush ko pa naman siya nung freshman year."

"Ew, nagka crush ka dun?"

"Hindi ka ba nakikinig? Sabi ko freshman year pa nga!"

Hindi ko na tinapos pa ang chismisan ng dalawang Marites sa loob ng CR at agad na akong lumabas. For almost three years na pumapasok ako sa university na 'to hindi na talaga nawawala sa eksena ang mga estudyante na kagaya ng nasa CR kanina.

Halos everyday may bago silang topic na pagchichismisan. Kung ginagamit lang sana nila yung free time nila para mag study instead na gugulin sa pagpakalat ng kung anu anung chismis na mostly naman eh puro fake news, edi sana mas malaki ang percentage ng passing score ng university every exam week.

Tss. Kawawa naman ang mga parents ng mga 'to. Silang todo kayod tapos mga anak nila puro lakwatsya lang ginagawa sa school.

Napailing nalang ako sa naisip. Kahit na kailan hindi ko hahayaan na maramdaman ng mga magulang ko yun. Never kong hahayaan na mapunta lang sa wala ang lahat ng pagod, puyat at sakripisyo ng mga magulang ko. I will make them proud. Makakapagtapos ako. At pag nangyari yun hahanap ako ng magandang trabaho at ako naman ang tutupad sa mga pangarap nila sa buhay.

Yes, Rainah. Always keep that in mind.

"Tulala na naman si ateng mo." I was snapped out of my thoughts ng may narinig akong magsalita sa harapan ko. It was then that it dawned on me: na nasa cafeteria na pala ako at dalawang pares ng mga mata ang ngayo'y parehong nakatitig ng ewan sa akin.

I cleared my throat at pasimpleng inayos ang pagkakaupo. Bahagya pang nakakunot ang noo ko ng mapansin yung kakaibang tinging pinupukol nila sakin ngayon.

"What's with the stares? Do I have dumi ba sa mukha ko at ganyan kayo pareho makatitig?" Tanong ko in my usual nonchalant voice. To be honest, medyo nakaka conscious din kasi pag may tumititig sayo ng diretso.

"You're spacing out. Kanina ka pa namin tinatawag. Saang planet ka naman naka abot ngayon?" Jarren at tumawa pa ito ng pagkalakas-lakas. Bunganga talaga ng lalaking to dinaig pa ang babae.

Napasimangot ako at sinamaan siya ng tingin.

"Would you please stop? Trip mo ba talaga mambadtrip ng ganito ka-aga, Jaja?"

Napahinto ito saglit sa pagtawa, "OH My God, Rain! Ang galing mo dyan, bro. Your words just rhyme!" At humagalpak ulit ng tawa.

Parang biglang ang sarap manakal ng kaibigan.

Sunsets With You || KaiRainWhere stories live. Discover now