Walang tiyak dito sa mundo,
Ngunit hindi ang pag-ibig mo.
Ipaglalaban nating dalawa,
Kaya wag matakot at mangamba.Milya-milyang agwat ngunit ayaw paawat,
Dalawang pusong natagpuan ang katapat.
Di ko akalain na ako'y magmamahal agad,
Dahil nasaktan ng sobra at di naging sapat.Salamat ika'y natagpuan at ako'y tinanggap.
Nagkapalagayan ng loob ng walang hirap,
Na para bang matagal ng kilala ang isat-isa.
Walang lihim at agad namayani ang tiwala.Nagniningning mga mata at ngiti sa labi,
Di makapaghintay na ika'y na sa aking tabi.
Makasama ka ay isang panaginip sa gabi,
Pilit ninanamnam ang bawat sandali.Magkalayo at di pa pwedeng magtagpo,
Minahal ang diwa at bukal sa aking puso.
Sa mabuting pagkatao ako'y nabihag mo.
Pinagdarasal ko na tayo hanggang dulo.Walang tamang salita sa aking pagsinta,
Ngunit Mahal kita, nawa'y iyong makita.
Sana ito'y maging sapat sa paghihintay,
Panghawakan hanggang sa di na magwawalay.Alam kong ika'y takot,
Alam kong ito'y mahirap,
Minsan hindi nagiging sapat,
At maraming katanungan,Ngunit iyong pakatandaan,
Tayo mismo ang pipili.
Lungkot o kasayahan,
Habang buhay o hanggang dito nalang.~mundo
BINABASA MO ANG
Kataga "Mahal Kita."
PoetryAng Pag-ibig ay misteryo. Makapangyarihan, Kapag hinayaan ang negatibo, Ika'y masisiraan. Simpleng tao lang ako, Ito ay para sayo..